
Walang Diabetes Dahil Gumagaling Ang Sugat
Ilang beses ko na ba narinig ito? Wala akong diabetes ha ... gumagaling ang sugat ko!
Hindi po ito totoo. Puwedeng mataas na ang asukal sa dugo pero wala pang sintomas.
Dahil dito, nirerekomenda na magpagawa ng Fasting Blood Sugar (FBS) kahit walang nararamdaman kung edad 40 years old pataas. Minumungkahi din na magpasuri ng FBS nang mas maaga sa 40 years old kung:
- May history ng borderline diabetes
-
Nagkaroon ng diabetes sa pagbubuntis o nagsilang ng sanggol na ang timbang ay 8 pounds pataas
-
Overweight
-
Malapad ang baywang o waist line (31.5 inches sa babae o 35 inches sa lalaki)
-
May polycystic ovary syndrome (PCOS)
-
May magulang o kapatid na may diabetes
-
Hindi aktibo ang lifestyle (walang ehersisyo o laging nakaupo lang)
-
May altapresyon
-
May history ng stroke, baradong ugat sa paa o sa puso
-
Acanthosis nigricans (pag-itim ng batok o siko)
-
May schizophrenia
-
Mataas ang triglycerides (higit sa 250 mg/dL) o mababa ang HDL (mababa sa 35 mg/dL). Ang triglycerides at HDL ay parte ng cholesterol profile.