
Tama ba ang timbang mo?
May ilang paraan para malaman kung ano ba ang dapat na timbang depende sa taas (height).
Tannhauser (Broca) method
Step 1. I-convert ang height sa centimeters.
Halimbawa: Isang lalaki na may taas na 5 feet 6 inches. Ito ay katumbas ng 66 inches. Ang 66 inches x 2.54 para ma-convert sa centimeters = 167.64 cm.
Step 2. Bawasan ng 100 ang height in centimeters.
167.64 – 100 = 67.64
Step 3. Bawasan ng 10% ang numero na makukuha sa Step 2 para makuha ang DBW (desired body weight).
67.64 – 10% of 67.64 = 67.64 – 6.76 = 60.88 or 61 kilograms.
Ang dapat na timbang (desired body weight) ng lalaki na 5’6″ ay 61 kg.
Formula gamit ang Body Mass Index
Ayon sa Food and Nutrition Research Institute (FNRI, 1994), ang dapat na body mass index ng lalaki ay 22 at ang babae naman ay 20.8.
Step 1. I-convert ang height sa meters.
Halimbawa: Isang babae na may taas na 5 feet.
5 feet x 0.3048 (para maconvert sa meters) = 1.524 meters
Step 2. I-multiply ang dapat na BMI sa square ng height in meters
DBW = desirable BMI x H (m x m)
DBW = 20.8 x 1.524 x 1.524 = 20.8 x 2.32 = 48.31 kg
Ang dapat na timbang ng babae na 5′ ay 48 kg.
NDAP formula
1. Ang desirable body weight para sa lalaki na 5 feet ang taas ay 112 lbs. Dagdagan ng 4 lbs sa bawat inch lagpas ng 5 feet. Bawasan naman ng 4 lbs sa bawat inch na mas mababa sa 5 feet.
Halimbawa: Isang lalaki na may taas na 5 feet 6 inches.
5 feet = 112 lbs
6 inches: 6 x 4 = 24
112 + 24 = 136 lbs
2. Ang desirable body weight para sa babae na 5 feet ang taas ay 106 lbs. Dagdagan ng 4 lbs sa bawat inch lagpas ng 5 feet. Bawasan naman ng 4 lbs sa bawat inch na mas mababa sa 5 feet.
Halimbawa: Isang babae na may taas na 5 feet 4 inches.
5 feet = 106 lbs
4 inches: 4 x 4 = 16
106 + 16 = 122 lbs
Tama ba ang timbang mo?
Reference: A Training Manual for Health Workers on Healthy Lifestyle: An Approach for the Prevention and Control of Noncommunicable Diseases by the World Health Organization and Department of Health, Philippines.