
Side Effect ng Gamot
Dr.Bru ano po vang gamot sa diabetis na walang side effect ?at pati ng cholesterol . Kasi alam ko ang metformin ay na kakasira ng sa liver at kidney,at ang atorvastatin ay madaling mag ksroon ng alzaimhers,daimensia , sno po ba ang magsndang gamot na wslang sude effect ?
Lahat ng gamot ay may side effect ngunit hindi lahat ng taong umiinom ng gamot ay nagkakaroon ng side effect. May mga side effect na madalas mangyari at mayroon ding mga bihira lamang mangyari.
Basahin ang post na ito mula sa Mayo Clinic tungkol sa mga posibleng side effects ng gamot na metformin. Ang listahan ng side effect ay nahahati sa more common (madalas), less common (hindi madalas) at rare (bihira). Mapapansin na walang nabanggit na ang metformin ay nakakasira ng atay o ng bato.
At ito naman ang post mula sa Mayo Clinic din tungkol sa mga posibleng side effects ng gamot na atorvastatin. Wala ring nabanggit dito tungkol sa Alzheimer’s or dementia.
Sumangguni sa doktor at pag-usapan ninyo ang gamot na mainam para sa iyo. Ang Mayo Clinic ay may decision aid for diabetes. Ito ay impormasyon tungkol sa mga gamot para sa diabetes kung saan makikita ang mga benepisyo at side effect ng gamot, paano inumin ang gamot at magkano ang gastusin – upang sa tulong ng iyong doktor ay makapili ka kung ano mas magiging katanggap-tanggap na gamot para sa iyo. Ganoon din sana ang proseso sa pagpili ng iinumin na gamot para sa kolesterol. Mahalaga na makipag-usap sa inyong doktor tungkol sa mga benepisyo at mga posibleng side effect ng gamot na iinumin.
Dok bru, ano po ang gamot pag nangangati at nag kaka roon ng rashes ang taong may diabetis?
Kailangan alamin po muna yung dahilan ng rashes. Allergy ba ito? Fungal infection sa balat?