Nagkaroon ka ba ng gestational diabetes?
Ang gestational diabetes ay diabetes na natuklasan nung ang babae ay buntis. Tumataas ang blood sugar habang buntis sa mga babaeng may gestational diabetes.
Pagkatapos manganak ng babaeng may gestational diabetes, bumabalik sa normal ang kanyang blood sugar. Ngunit maari siyang magkaroon ng type 2 diabetes mellitus pagkatapos nito.
Ang babaeng nagkaroon ng gestational diabetes ay dapat magpasuri ng dugo anim na linggo pagkatapos manganak. Ang rekomendasyon ay magpakuha ng 75-g oral glucose tolerance test. Dapat ring magpasuri ng fasting blood sugar (FBS) minsan sa isang taon. Ito ay upang malaman kaagad kung nagkaroon na ang babae ng type 2 diabetes.