Dok may nakikita akong bukol sa gilid ng leeg ko.may tyroid po kaya ako.takot ako magpa checkup.god bless po

Struma 001

By Drahreg01 (Own work) [GFDL or CC BY-SA 3.0], via Wikimedia Commons

“Dok may thyroid po ako. Gusto ko po sana malaman kung saan po pedeng magpa check up at cnong specialist po.”

 

1801 The Endocrine System

 

Ang isang internist ay doktor para sa mga taong edad 18 pataas. Puwede na ring sabihin, na ang internist ay doktor ng lamang loob. :) Ang isang internist ay hindi nag-oopera, tulad ng mga siruhano (surgeon).

“Hi Doc ask ko lang po nakakataba po ba ang may goiter? Antaba ko na po kc Doc kahit di po ako kumain matabapa rin ako..Salamat po doc..GOD BLESS”

Lahat ng tao ay may thyroid gland. Ang thyroid gland kung lumaki ay tinatawag na goiter. May isang klaseng goiter kung saan hindi na gumagana ang thyroid gland. Hindi na ito gumagawa ng thyroid hormone.