About Dok Bru

Ako po si Dr. Iris Thiele Isip Tan. Ako ang may akda ng www.endocrine-witch.net. Kung isasalin sa wikang Tagalog ang witch, ito ay bruha.  Doktor ako, kaya Dok Bru na lang. 🙂

Ako po ay isang internist. Ang isang internist ay doktor para sa mga taong edad 18 pataas. Puwede na ring sabihin, na ang internist at doktor ng lamang loob. 🙂 Ang isang internist ay hindi nag-oopera, tulad ng mga siruhano (surgeon).

Ako rin po ay isang endocrinologist. Ang mga sakit na tinitingnan ng endocrinologist ay patungkol sa mga hormones, tulad ng –

  • diabetes
  • bosyo (goiter)
  • sakit sa parathyroid glands
  • sakit sa adrenal glands
  • sakit sa pituitary gland

Matatagpuan ang karagdagang impormasyon tungkol po sa akin dito.

Paalala

Ang kaalaman sa dokbru.endocrine-witch.net ay hindi maaring ituring na personal na rekomendasyon para sa inyong kalusugan. Ito ay para lamang sa edukasyon ng publiko. Hindi ito maaaring humalili o ipalit sa pagkonsulta sa inyong doktor. Ang pagbasa ng mga impormasyon sa website na ito ay hindi nangangahulugan na pasyente ka ni Dok Bru.

 

 

Share

32 thoughts on “About Dok Bru

  1. Alfonso Delgado
    1

    Mayroon po bang natural at ligtas na “gamot” o herbal na pang maintain ng high blood sugar?

    • 2

      I don’t recommend herbal po kasi sa mga patients ko. If they want to take herbal naman po, I ask them to bring yung herbal so I can check kung may interaction dun sa gamot nila for diabetes.

  2. 3

    Dok San po sa Rizal area my endocrinologist?

  3. 5

    Ano po ang Dapat kong gawin para sa tulad kong may PCOS or polycycstic deisease ovary syndrome.

    • 6

      Magpatingin po sa doktor. Ang gamutan po sa PCOS ay depende kung ano po ang nais ninyong mangyari? May asawa na po ba at gustong magkaanak? Kung oo, naka-focus ang gamutan sa fertility treatment. Dalaga pa? Ang focus po ay ang pagpapaganda ng metabolic profile – blood sugar, cholesterol at timbang.

  4. 8

    Goodmorning po dok bru..ang Pcos ko po ay wala na sa ngayon..pro ang alam ko po bumabalik din ito..metformin po pinsinom sa akin.ang concern ko po ay di ako mbuntis buntis..

    • 9

      Ang pagkakaroon po ng PCOS ay cause para hindi mabuntis. Please consult your doctor kung bakit hindi pa rin mabuntis kung walang PCOS.

  5. Veronica Lopez
    10

    Doc, Ano po ang dapat kong gawin, manipis daw po ang matres ko at hindi po natigil ang bleeding, nag gamot na po ako. pero wala pa din pong progress. Salamat po.

    • 11

      Kapag may binigay na gamot ang doctor, that doctor is hoping it will work. Kung hindi po siya nag-work dapat po bumalik para malaman ng doktor para makapagbigay ng iba namang gamot po.

  6. 12

    Doc yung mama ko po na operahan na after 6 months bumalik. Ngayon malaki na po yung nasa leeg niya at nahihirapan na po siya. Papillary carcinoma po ang result every biopsy. Doc may option po ba kayo na pede gawin. Nawawalan na po kasi kami ng pag asa. Kung maari po sana mareplyan niyo ako or ma email sa binigay ko pong email address. Maraming salamat po.

    • 13

      Nung naoperahan po ba ay “total” thyroidectomy, ibig sabihin po walang tinira na thyroid? Please consult your endocrinologist. Ang options po na puwede ninyong itanong sa kanya ay radioactive iodine or repeat surgery.

  7. SHIRLEY LATOJA
    14

    good pm doc, nagiwan po ako ng sms sa fb account nyo re: lecturer sa diabetes awareness namin para sa DENR employees.Ito po ay magiging parte ng health and wellness program namin na gaganapin sa sept 25..baka po pwede kayo kahit 2 hrs lang…asahan ko po ang sagot nyo….

    Shirley Latoja, DMD

  8. 16

    Doc thank you for your reply po. Yup tinangalan na po siya ng thyroid. 6months After operation po bumalik po ulit, then nag lab po ulit first biopsy wala pong nakita kung hindi neck mass second biopsy po po papillary carcinoma po ulit. Ngayon po kasi lumaki na siya at minsan napapa tiran ng ugat leeg kaya po nag bleed. I uundergo po siya ng radiation theraphy and chemo once a week.

    Doc kung may ma susuggest po kayo isang napaka laking tulong po ito sakin.

    Maraming salamat po!

  9. 17

    Doc, pwede po bang malaman kung saan po kayo nag-li-clinic at kung anong araw at oras? Meron po ba sa QC area? Maraming salamat po…

    • 18

      Pasensiya na po wala po sa QC area. Would you like me to recommend an endocrinologist po? Saang hospital sa QC?

      • 19

        Thank you po, doc… Doc, pwede po bang malapit sa Cubao area gaya po ng heart center? Para po sa mama ko na almost 80 years old… Maraming salamat po.

  10. bennie flores
    20

    good pm,doc.bumababa po ang potassium ng bunso kong anak na lalake 17 yrs.old..saan po kame maaaring magpatingin,???

  11. 22

    Good am. Doc, may PCOS po ako at gustong gusto na magkababy.32 n ako at nappresure na. San po un clinic nyo at baka po may marerefer din po na magaling O-b. Thanks and God bless.

    • 23

      Mas maigi pong magpunta sa isang OB-Gyne na ang specialty niya ay REPRODUCTIVE ENDOCRINOLOGY. Halimbawa po sa Manila Doctors Hospital ay si Dr. Jesusa Banal-Silao.

  12. 24

    Good day doc!gusto qpoh sna mlman f ang pcos po ba ay may kaugnayan s mababang matres.?

  13. 26

    hello po doc bru. gsto ko lang po itanong kung ano po o meron po ba akong pwdeng inumin na gamot sa pagluwa po ng mata ko? dati po akong may hyper thyroidism pero po nkainom na po ko ng radio active iodine. kaya lang po, prang lumuluwa pa dn po ang mata ko. may solusyon pa po ba dito? slamat po.

    • 27

      Puwede po kayong magpatingin sa ophthalmologist na ang specialty ay ORBIT. Pero usually operasyon po ang ginagawa nila.

  14. Bernadeth gose
    28

    Magandang gbi po dok .
    Tanong ko lang po kung pagnagpipills na po ba di na po ba talaga rereglahin khit spot salamat po

  15. 30

    hi dok..tanong ko lang po anong gamot sa 5 manths n me hnd ni reregla nag pt na me negative naman ang lumabas

    • 31

      Mabuti po magpatingin kayo sa doktor para malaman kung bakit hindi nagreregla. Puwede pong walang itlog na nahihinog sa obaryo o hindi kumakapal ang lining ng matres.

  16. RIOLYN FERNANDEZ
    32

    Dok tanong lang po, my goiter po ako dati po uminom aq ng ptu pero matagal na po akong tumigil uminom pwede po ba akong mabuntis wala po bang magiging side effect?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *