May iba’t bang uri ng thyroiditis

By in Goiter (Bosyo) on October 3, 2017

Acute thyroiditis o suppurative thyroiditis: Dahil ito sa impeksyon dulot ng bacteria. Napakadalang mangyari nito.

Drug-induced thyroiditis: Dahil ito sa mga gamot tulad ng amiodarone, interferons, lithium at cytokines. Hindi lahat ng gumagamit ng mga gamot na ito ay nagkakaroon ng thyroiditis at madalang rin itong mangyari.

Hashimoto’s thyroiditis: Namamaga ang thyroid dahil sa antibodies na umaatake sa thyroid. Ito ay isang autoimmune na kondisyon at ito ang pinakamadalas na dahilan ng thyroiditis. Mas madalas makita ito sa mga babae kumpara sa mga lalaki. Kadalasan ay nauuwi ito sa pagiging hypothyroid, kung saan mangangailangan na uminom ng tabletang thyroid hormone (l-thyroxine).

Post-partum thyroiditis: Autoimmune na kondisyon din kaya may antibodies na umaatake sa thyroid. Nangyayari ito pagkatapos manganak ang isang babae.

Radiation-induced thyroiditis: Namamaga ang thyroid dahil sa radiation na ginagamit panggamot sa ilang mga kanser. Puwede rin itong mangyari nang dahil sa radioactive iodine.

Silent thyroiditis or painless thyroiditis: Autoimmune na kondisyon din kaya may antibodies na umaatake sa thyroid. Mas madalas na mangyari ito sa mga babae. Pangalawa ito (pagkatapos ng Hashimoto’s thyroiditis) sa pinakamadalas na dahilan ng thyroiditis.

Subacute thyroiditis or de Quervain’s thyroiditis: Namamaga ang thyroid dahil sa virus. Kadalasan ay sumasakit ang leeg sa kondisyon na ito.

Reference: http://my.clevelandclinic.org/health/articles/thyroiditis

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.