
Sino ang nanganganib maputulan ng paa kung may diabetes?
Ang maputulan ng paa ang isa sa mga kinatatakutan na komplikasyon ng mga may diabetes.
Nanganganib maputulan ng paa ang may diabetes kung:
- Mataas ang asukal sa dugo
- Naninigarilyo
- May neuropathy o pinsala sa nerves (ugat)
- May kalyo sa paa
- May pag-iiba ng hugis ng paa halimbawa kung baluktot ang mga daliri
- Barado ang mga ugat sa paa
- Dati nang nagkaroon ng sugat sa paa na matagal gumaling
- Dati nang naputulan ng daliri o paa
- Malabo ang paningin
- May sakit sa bato (kidneys)
- Mataas ang blood pressure (lagpas sa 140/80 mm Hg)