#DiabetEskwelaNiDokBru

By in Diabetes on September 22, 2017

Alin sa mga sumusunod ang nakakatulong para bumaba ang asukal sa dugo?

A. Fat (taba)

B. Protein (protina)

C. Soluble fiber

D. Carbohydrates

At ang tamang sagot ay C. Soluble fiber.

Ang dietary fiber ay galing sa mga halamang kinakain natin at hindi ito natutunaw sa ating bituka. May dalawang klase ng dietary fiber: insoluble at soluble.

Ang insoluble fiber ay hindi natutunaw sa tubig kaya nilalabas ito sa dumi na halos buo pa din. Matatagpuan ang insoluble fiber sa whole wheat, mais, talong, celery, lettuce, broccoli, cauliflower, cabbage, bell pepper at iba pa.

Ang soluble fiber naman ay humahalo sa tubig para bumuo ng gel sa ating bituka. Nagtatagal ang kinain sa tiyan (stomach) bago pumunta sa bituka (intestines) at mas nabibigyan ng pagkakataon na matunaw nang mabuti ang kinain. Mas matagal na busog ang pakiramdam sa pagbagal ng digestion. Naantala din ang paglabas ng hormone na ghrelin na nakakapampagana sa pagkain. Dahil dito, hindi kaagad naaabsorb ang carbohydrates kaya nakakatulong ito na makabawas sa pagtaas ng asukal sa dugo. Ang mga pagkain na may soluble fiber ay oatmeal, barley, mga gulay tulad ng gisantes (peas), beans, carrots; mga prutas tulad ng orange, mansanas at mga nuts.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.