
Kung ma-ospital at may diabetes: Part 3
Madalas ma-admit sa ospital ang mga may diabetes, para sa iba’t ibang dahilan. Ano ang mga dapat tanungin o gawin tungkol sa diet o pagkain?
- May papalitan ba sa diet para maging maayos ang asukal sa dugo?
- Anong dapat gawin kung hindi dumating sa oras ang pagkain, hindi na-tsek ang asukal sa dugo o naantala ang pagbigay ng gamot bago kumain?
- Alamin kung ano ang gagawin kung may diabetes at hindi pinapahintulutang kumain. Halimbawa, minsan ay hindi pinapakain kung kukuhanan ng dugo, magpapa-ultrasound o ooperahan. Habang hindi pinapakain, maaaring ang ikabit na suwero ay may asukal (dextrose). Puwede ring mas madalas mag-tsek ng asukal sa dugo gamit ang glucometer, halimbawa kada apat oras.
- Tanungin kung kelan puwede nang kumain ulit. Halimbawa, minsan ay hindi muna pinapakain pagkatapos ng operasyon sa bituka at hinihintay pa kung nakautot na.
- Magtanong sa nars kung puwede bang kainin ang pagkaing dala ng mga bisita at kung kailangan ba ng karagdagang insulin kung kakainin ito.
Reference: http://www.jointcommission.org/assets/1/6/Speakup_Diabetes_brochure.pdf