
Kung ma-ospital at may diabetes: part 1
Madalas ma-admit sa ospital ang mga may diabetes, para sa iba’t ibang dahilan. May mag-iiba ba sa pangangalaga ng diabetes kung nasa ospital? Ano ang mga dapat tanungin o gawin?
- Ipaalala sa mga doktor o nars na may diabetes ka. Minsan kasi ay ibang doktor (hindi ang doktor ninyo sa diabetes) ang nagpa-admit sa inyo kaya baka makaligtaan na may diabetes ka.
- Magtanong kung may babaguhin ba sila sa inyong mga gamot para sa diabetes.
- Alamin kung ilang beses at kelan ang pag-tsek ng asukal sa dugo. Tatlong beses ba bago kumain o kada ilang oras?
- Kung gumagamit ng insulin, tanungin kung puwede ba itong gamitin habang nasa ospital at kung sino ang magtuturok nito.
- Magsabi sa nars kung may nararamdamang sintomas na mababa o mataas ang asukal sa dugo.
Reference: http://www.jointcommission.org/assets/1/6/Speakup_Diabetes_brochure.pdf