
May diabetes ba ang mahal mo?
May diabetes ba ang mahal mo? Magulang, kapatid, anak, asawa o kaibigan? Kailangan nila ang tulong mo. Paano ka makakatulong?
- Nakakadagdag sa stress ang pagkakaroon ng diabetes. Makakatulong kung makikinig ka sa kanyang mga problema.
- Magtanong kung kailangan ba niya ng tulong para maalala kung kelan dapat bumisita sa doktor, magpagawa ng laboratory test, magtsek ng asukal sa dugo o uminom ng gamot. Puwedeng ikaw ang maging tagapagpaalala sa kanya.
- Mag-alok na isulat ang kanyang mga tanong tungkol sa diabetes sa isang papel, para madala sa pagbisita sa doktor.
- Samahan mo siya sa doktor. Sulatin ang mga sinasabi ng doktor para makatulong kung makalimutan niya ang mga sinabi.
- Magtanong sa doktor kung ano ang puwede mong maitulong para mas mapanatiling malusog ang mahal mong may diabetes.
- Damayan siya sa pagkain nang tama. Huwag tuksuhin na kumain ng mga pagkaing makakasama sa kanyang diabetes.
- Maghanap ng mga bagay na puwede ninyong gawin nang magkasama tulad ng paglalakad, pagsayaw o ibang paraan ng pag-eehersisyo. Mas magagawa niya ang mga ito kapag kasama ka niya.
- Mag-aral din tungkol sa diabetes.
Mag-iwan ng komento kung ano pa ang mga ibang paraan na nakakatulong ka sa mahal mo na may diabetes.