Paano umiwas sa maalat na pagkain?

By in Uncategorized on August 22, 2017
  1. Bawasan o iwasan ang paggamit ng asin, toyo, patis o bagoong sa pagluluto ng pagkain.

  2. Subukang gumamit ng spices, herbs, lemon, bawang, luya, suka at “low salt” sa pakete. Low salt na maituturing kung 0.3 g salt o 0.1 g sodium o mas mababa pa ang laman sa bawat 100 g ng pagkain. Kung sa label ay 400 mg pataas ang sodium ay “high sodium” ang pagkaing ito, at huwag tangkilikin.
  3. Alisin sa hapag kainan ang lalagyan ng asin (salt shaker), toyo, patis o bagoong. Masasanay din ang panlasa sa mas matabang na pagkain.
  4. Mas magandang magluto gamit ang mga sariwang sangkap kaysa gumamit ng mga mix na kadalasan ay mataas ang sodium. Halimbawa, mas mataas ang sodium ng mga ready-made na pasta sauce at canned na soup.
  5. Huwag madalas kumain sa labas o sa mga restawran. Mas puwede kasing timplahin o mabawasan ang alat sa pagluluto kung lutong bahay.
  6. Palitan ang mga “high sodium” na pagkain ng mga pagkaing mababa ang sodium. Imbes na pinausukan, inasinan, o nakalatang karne tulad ng bacon, ham o sausages, palitan ito ng sariwang karne. Imbes na regular o processed cheese, cheese spread o cottage cheese, palitan ito ng cream cheese, ricotta cheese o mozarella cheese. Piliin ang unsalted na popcorn, chips at crackers. Kumain ng sariwang isda kesa mga isdang tinuyo o dinaing.
  7. Bawasan ang paggamit ng ketchup, mustard at salted butter o margarine. Puwedeng palitan ng suka, mayonnaise o unsalted na butter o margarine.

Dapat sana ay isang kutsaritang asin lang o mas konti pa ang makain ng isang tao bawat araw. Mas konti pa dito para sa mga batang maliliit. Ang isang kutsaritang asin ay mga 6 grams ng sodium chloride, at ito ay naglalaman ng 2.4 grams ng sodium.

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.