Puwede ko bang biyakin ang gamot para makatipid?

By in Altapresyon, Diabetes, Kolesterol on August 20, 2017

Magtanong muna sa doktor kung puwede bang hatiin o biyakin ang gamot na iniinom. Hindi kasi ito puwede sa lahat ng klaseng gamot. Halimbawa, may mga gamot na sustained release (SR) or extended release (XR) na hindi puwedeng hatiin. May mga tableta na nag-iiba ng kulay o napapanis kapag hinahati. Hindi rin ito puwede sa mga kapsula. May mga gamot na bawal kagatin o durugin kung iinomin kaya hindi rin ito puwedeng hatiin.

Paano hahatiin? Mas maganda kung gagamit ng pill cutter kaysa kutsilyo. Puwede kasing magpulbos ang gamot o hindi pantay ang pagkakahati. Mas madali kung may gatla ang tableta na puwedeng magsilbing gabay. Huwag maghati ng maraming tableta nang sabay sabay. Puwedeng magpulbos ang matagal nang nakahating tableta. Kung puwede ay hatiin lamang kung kelan iinumin.

Tingnan nang mabuti ang dosage ng gamot. Baka kasi magkamali o magkulang sa tamang dosage ang iinumin na gamot dahil sa paghati.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.