Lahat ba ng impeksyon kailangan ng antibiotic?

By in Uncategorized on August 15, 2017

Hindi makakatulong ang antibiotic kung ang impeksyon ay dahil sa virus at hindi bacteria. Halimbawa, ang sipon at flu ay dahil sa virus kaya hindi kailangan ng antibiotic.

Ano ba ang mangyayari kung iinom ng antibiotic kung hindi naman kailangan? Aatakihin ng antibiotic ang bacteria sa katawan at magiging resistant na ito sa antibiotic. Kaya sa susunod na gamitin ulit ang antibiotic ay puwedeng hindi na ito tumalab. Minsan sinasabi ng pasyente ko, Dok uminom ako ng amoxicillin. Dati nawawala kaagad ang ubo ko, pero ngayon hindi na. Puwede kasing naging resistant na ang mga bacteria kaya hindi na ito namamatay sa amoxicillin. Ito ang tinatawag na antibiotic resistance.

Ano ba ang mga posibleng dahilan kung bakit nasosobrahan ang paggamit ng antibiotic?

  1. Mga pasyenteng gustong gumaling agad at pinipilit ang doktor na magreseta ng antibiotic kahit hindi pa kailangan. Minsan napipilitan din ang doktor na magreseta ng antibiotic kahit hindi namimilit ang pasyente. Baka kasi hindi na bumalik ang pasyente kung sasabihin lang na uminom ng maraming tubig at magpahinga.
  2. Mga pasyenteng umiinom ng antibiotic kahit walang reseta ng doktor
  3. Mga pasyenteng umiinom ng antibiotic na natira o hindi naubos noong dating nagka-impeksyon

Sana ay gamitin lamang ang mga antibiotic kung kailangan. Lalo na ngayon na mayroong mga “super bugs” o mga bacteria na kailangan na ng matitinding antibiotic para mamatay, nang dahil sa antibiotic resistance.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.