Ano ang fatty liver?

By in Diabetes on August 12, 2017

Ang fatty liver ay nangyayari kapag naiipon ang taba sa atay sa mga taong hindi naman malakas uminom ng alak (alcohol) o ibang problema sa atay tulad ng hepatitis. May dalawang klase ng fatty liver:

NON-ALCOHOLIC FATTY LIVER. Hindi namamaga ang atay. Maraming mga tao ang nagkakaroon nito dahil sa pagtaba o pagdagdag ng timbang. Gumagana ang atay nang tama at ang liver enzymes sa blood test (ALT at AST) ay normal o konti lamang ang taas sa normal. Walang nararamdaman ang pasyente, at malimit nakikita lamang ito sa ultrasound.  Ang dapat lamang gawin dito ay magpapayat. Puwede ring magpabakuna laban sa hepatitis.

NON-ALCOHOLIC STEATOHEPATITIS (NASH). Namamaga ang atay. Mataas ang liver enzymes na ALT at AST sa dugo. Kadalasan ay wala ring symptoms ang NASH.

May mga kondisyon kung saan mas malimit makita ang NASH.

  1. Seventy percent ng may NASH ay overweight.
  2. Seventy five percent ng may diabetes ay may NASH din.
  3. Twenty hanggang 80 percent ng may NASH ay mataas ang cholesterol o triglycerides.

Puwedeng magpagawa ang doktor ng hepatitis profile o ibang tests para malaman kung may ibang sakit sa atay. Minsan ay kailangan ng liver biopsy para mapatunayan na NASH nga talaga ang problema sa atay. Puwede ring mag-request ang doktor ng fibroscan na ultrasound para malaman kung may peklat na ang atay at nauwi na ang NASH sa cirrhosis o tuluyang pagkasira ng atay.

Wala pang lunas ang form ng fatty liver na tinatawag na non-alcoholic steatohepatitis (NASH). Sa halip ay tinutuon ang gamutan sa mga kondisyon na naka-ugnay sa NASH tulad ng sobrang timbang (obesity), diabetes at mataas na kolesterol. Maraming gamot ang pinag-aaralan pa, ngunit sa ngayon ang pinakamabuting gawin ay magbawas ng timbang sa pamamagitan ng diet at ehersisyo. Dahan dahan lang dapat ang pagbawas ng timbang (mga isang kilo at kalahati bawat linggo) dahil ang mabilis na pagpayat ay puwedeng makapagpalala ng problema sa atay.

Huwag matakot dahil karamihan ng may NASH ay hindi naman tumutuloy sa cirrhosis, o tuluyang pagkasira ng atay.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.