Paano pababain ang triglycerides?

By in Kolesterol on August 7, 2017

Kung overweight, magbawas ng timbang.

Mag-ehersisyo ng regular.

Umiwas sa mga pagkaing maraming carbohydrates tulad ng white bread, fruit juice, soda o matatamis.

Kung mas mataas na sa 500 mg/dL ang triglycerides, umiwas na rin sa red meat, butter, mga pritong pagkain, keso, mantika at nuts.

Limitahan ang pag-inom ng alak sa isang drink lamang para sa kababaihan at dalawang drink para sa mga kalalakihan sa bawat araw. Ito ang katumbas ng isang drink: 12 oz beer, 5 oz wine o 1 1/2 oz ng distilled spirits (vodka, whiskey, gin etc.). Kung ang triglycerides ay 500 mg/dL na pataas ay bawal nang uminom ng alcohol.

Hindi lahat ng tao na may mataas na triglycerides ay kailangang uminom ng gamot para dito. Magtanong sa doktor. Ang mga gamot na puwedeng ibigay sa mga may mataas na triglycerides ay ang fenofibrate o EPA/DHA. Kadalasan ang mga taong may mataas na triglycerides ay may mataas na kolesterol din kaya nareresetahan ng statin, para bumaba ang peligro na atakihin sa puso o ma-stroke.

Reference: UpToDate. Patient Education: High Triglycerides (The Basics)

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.