Mataas ba ang triglycerides mo?

By in Kolesterol on August 6, 2017

Kapag nagpagawa ng cholesterol profile o lipid profile ang inyong doktor, makikita kasama dito ang TRIGLYCERIDES.  Lahat ng tao ay may triglycerides pero kung sobrang taas ang triglycerides, mas mataas ang peligro na atakihin sa puso o ma-stroke. Puwede ring mamaga ang pancreas (lapay) kung sobrang taas ang triglycerides.

Depende sa inyong sitwasyon kung ano ang target triglyceride level ang ise-set ng inyong doktor. Pero sa pangkalahatan, puwedeng gamitin bilang gabay ang mga sumusunod –

Normal: mas mababa sa 150 mg/dL

May kataasan: 150-199 mg/dL

Mataas: 200-499 mg/dL

Sobrang taas: 500 mg/dL o higit pa

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.