Ano ang Cushing’s syndrome?

By in Adrenal, Altapresyon, Diabetes, Pituitary on July 29, 2017

Ang Cushing’s syndrome ay isang kondisyon kung saan sobra ang hormone na CORTISOL sa katawan. Ang cortisol ay nagmumula sa adrenal glands.

Ano ang mga sintomas ng Cushing’s syndrome?

  • Mabilog o mataba ang mukha (parang mamon)
  • May taba sa batok at pagitan ng balikat sa likod (buffalo hump)
  • Manipis na balat na madaling magkapasa
  • Stretch marks na kulay pula o lila
  • Mabuhok ang mukha sa mga babae
  • Walang regla o hindi regular ang regla
  • Mamantikang balat at tigyawat
  • Mataas ang asukal sa dugo
  • Mataas ang blood pressure
  • Sumpungin o madaling malungkot o magalit
  • Mas madaling dapuan ng impeksyon

Ano ang mga posibleng dahilan ng Cushing’s syndrome?

  1. Pag-inom ng steroids para sa mga ibang sakit tulad ng asthma o arthritis
  2. Problema sa pituitary gland
  3. Problema sa adrenal gland

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.