Bakit walang regla?

By in Pituitary on July 23, 2017

Maraming puwedeng dahilan bakit nawawalan ng regla. Ang medical term dito ay amenorrhea. Puwedeng normal lang ang amenorrhea, katulad kung buntis, nagpapasuso o menopause na. Puwede ring dahil sa gamot katulad kung umiinom ng pills, may injectable o implant para hindi mabuntis. Ang pagiging underweight o kulang sa timbang, sobrang ehersisyo at stress ay puwede ring maging dahilan ng amenorrhea.

Puwede ring hormonal imbalance ang dahilan ng amenorrhea. Puwedeng magpatingin sa endocrinologist kung ito ang problema.

  1. Polycystic ovary syndrome (PCOS)
  2. Problema sa thyroid: puwedeng HYPO- (kulang sa thyroid hormones) or HYPERthyroid (sobra sa thyroid hormones)
  3. Tumor sa pituitary gland
  4. Premature menopause: Kadalasan nagme-menopause edad 50 pataas, pero may mga ilang babae na nauubos ang itlog sa mga obaryo edad 40 pa lamang at dahil dito ay nawawalan ng regla

Puwede ring may problema sa mga internal organs kaya walang regla. Kailangang magpatingin sa obstetrician-gynecologist.

  1. May peklat sa uterus (matris o bahay bata)
  2. Pinanganak na walang obaryo, matris o cervix (kuwelyo ng matris)
  3. Bara sa puwerta, matris o kuwelyo ng matris kaya hindi makalabas ang dugo

 

Reference:

http://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/amenorrhea/basics/causes/con-20031561

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.