Ano ang pinagkaiba ng FBS sa HbA1c?

By in Diabetes on June 2, 2017

Check up ko na bukas para sa diabetes, kaya one week akong biglang nag-diet. Mahuhuli ba ako ni Dok Bru? Nagpagawa siya ng FBS at HbA1c.

Ano ang pinagkaiba ng FBS sa HbA1c?

  1. Kapag nagpapakuha ng dugo para sa Fasting Blood Sugar (FBS), dapat naka-fasting. Bawal kumain 8 hours bago magpakuha ng dugo. Kung magpapakuha ng dugo para sa HbA1c, hindi kailangang naka-fasting.
  2. Ang Fasting Blood Sugar ay sukat ng asukal sa dugo para sa araw lamang na iyon. Sa HbA1c makikita ang average blood sugar noong nakaraang tatlong buwan. Summary ito ng blood sugar hindi lamang kapag naka-fasting kundi pati yung nakakain na rin. Kaya nga minsan pinapagawa ng doktor ang HbA1c kasabay ng FBS, dahil magkaiba ang sinusukat nito sa dugo.
  3. Puwedeng ipagawa ang FBS kada buwan. Ang rekomendasyon naman sa HbA1c ay kada tatlong buwan kung wala pa sa target, at kada anim na buwan kung nasa target na.

So mahuhuli ba ni Dok Bru ang pasyente? Kung nag-diet ng isang linggo bago nagpakuha ng dugo, puwedeng on target na ang FBS pero ang HbA1c ay mataas. Kasi nga ang HbA1c sinusukat ang asukal sa dugo sa nakaraang tatlong buwan. Sa HbA1c mahuhuli ang pasyente. Sabi nga ng mga pasyente ko, yung HbA1c yung hindi kayang dayain!

Para masabi na kontrolado talaga ang diabetes, dapat parehong FBS at HbA1c ay nasa target.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.