#DiabetEskwelaNiDokBru 1

By in Diabetes on January 7, 2017

At ang tamang sagot ay … A.

Anong nangyayari kapag tayo ay kumakain? Ang pagkain ay natutunaw sa bituka at nagiging asukal sa dugo.

Ang tawag sa asukal na nasa dugo ay GLUCOSE.

dm_awareness-001

 

Kapag tumaas ang asukal sa dugo, naglalabas ang pancreas ng insulin.

dm_awareness-002

Ang asukal sa dugo ay naa-absorb ng katawan dahil sa insulin. Ang asukal na hindi pa gagamitin ng katawan ay naiimbak sa atay at muscles. Dahil sa insulin, hindi tumataas ang asukal sa dugo.

Isipin na ang muscles natin ay may pinto kung saan dadaan ang glucose para ma-absorb ito. Si INSULIN lamang ang puwedeng magbukas ng pinto, para makapasok ang glucose sa muscle. Kung walang diabetes ay malayang makakapasok ang glucose sa loob ng muscle.

 

dm_awareness-003

Kung may type 2 diabetes, nahihirapang buksan ng insulin ang pinto. Mas maraming insulin ang kailangan para mabuksan ang pinto at makapasok ang glucose sa muscles. Iyan na siguro ang pinakasimpleng explanation ko para sa “insulin resistance.” Dahil hindi makapasok ang glucose sa muscles ay naiipon ang glucose sa dugo kaya tumataas ang level ng asukal sa dugo.

dm_awareness-004

Kung may type 1 diabetes naman, hindi na gumagana ang pancreas kaya hindi na ito gumagawa ng insulin. Dahil dito, walang magbubukas ng pinto at hindi makapasok ang glucose sa muscles. Naiipon tuloy ang glucose sa dugo.

dm_awareness-005

Kaya ang tamang sagot ay A. Hindi nagagamit ng katawan ang insulin nang tama. Mali ang B kasi gumagawa naman ng insulin ang pancreas sa type 2 diabetes. Sa type 1 diabetes yung hindi gumagawa ng insulin ang katawan. Mali rin ang C at D.

Sa type 2 diabetes ay nagbibigay ng mga tabletang gamot. Ang mga gamot na ito ay puwedeng magparami ng insulin at magpababa ng insulin resistance (magdagdag ng mas maraming pinto sa muscles para mas makapasok ang glucose).

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.