Paano magpapayat gamit ang Plate Method?

By in Diabetes on December 16, 2016

Kung mas malaki ang plato, mas napapakain nang marami. Ang kaunting pagkain ay nagmumukhang marami sa mas maliit na plato.

Maghanap ng plato na ang lapad ay 9 inches lamang. Humanap din ng maliit na bowl na ang sukat ng laman ay 1 cup. Ito ang mga kailangan para sa plate method kung nais mong kumain nang mas kaunti para pumayat. Simple lang ang method na ito – kung hindi na kasya sa plato ay tama na! Bawal ding mag-refill.
Upang mapanatili na balanse ang diet, may ayos dapat ang plato. Hatiin ang plato sa apat na bahagi. Tingnan ang larawan dito.

Ang kalahati ng plato ay para sa mga gulay. Ang gulay ay may fiber, vitamins at minerals. Nakakabusog din ang gulay ngunit mababa ito sa calories kaya hindi nakakataba.

Ang 1/4 ng plato ay para sa carbohydrates o mga pagkaing may starch. Ano ang mga kasali dito? Pansit, tinapay, kanin, oatmeal, cornflakes, patatas, camote, mais. Gamitin ang maliit na bowl para sa allowance na 1 cup ng kanin.

Ang natitirang 1/4 ng plato ay para sa protina. Ano ang mga kasali dito? Baboy, baka, isda, manok, itlog, tokwa. Tanggalin ang mga tabang nakikita sa baboy o baka. Sana nilaga o inihaw ang pagkaluto imbes na prito para mabawasan din ang mantika o taba na nakakadagdag ng calories. Mas maraming calories ang kinakain ay mas nakakadagdag sa timbang ng tao.

Nasaan ang prutas? Nasa labas ng plato. Ito ang magsisilbing panghimagas o dessert.

KAIN NA!

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.