Tatlong Stick na lang, Dok!

By in Altapresyon, Diabetes, Kolesterol on December 10, 2016

May lumabas na bagong research tungkol sa paninigarilyo noong Lunes. Puwedeng mabasa ang buod nito sa Ingles sa Washington Post http://wpo.st/0KpJ2. Sa pananaliksik ng National Cancer Institute ng Amerika ay WALANG SAFE LEVEL ng paninigarilyo. Kahit paisa-isang stick lang ay hindi pa rin ligtas.

Heto ang mga statistics:

1. Peligro na mamatay nang mas maaga sa mga naninigarilyo ng mas konti sa isang stick bawat araw sa buong buhay nila ay 64% na mas mataas kompara sa mga hindi naninigarilyo. Yung gumagamit ng isa hanggang sampung stick bawat araw ay 87% na mas mataas ang tsansa na mamatay kaagad kumpara sa hindi naninigarilyo.

2. Siyam na beses na mas mataas ang tsansa na mamatay sa lung cancer ang naninigarilyo ng mas konti sa isang stick bawat araw sa buong buhay nila kumpara sa hindi naninigarilyo. Umakyat naman sa 12 times ang tsansa na mamatay sa lung cancer kung humihitit ng isa hanggang sampung stick bawat araw.

Lumalabas din sa pag-aaral na ang tagal ng paninigarilyo ay may kaugnayan sa posibilidad ng pagkakaroon ng sakit dulot ng paninigarilyo kahit konting stick lang ng sigarilyo ang nagagamit bawat araw.

Kaya yung mga pasyente na nagsasabing Dok, konti na lang tatlong sticks na lang pagkatapos kumain – please lang, itigil na ninyo ‘yan!

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.