
Aling mga bakuna ang kailangan ng may diabetes?
May mga sakit na kapag dumapo sa may diabetes ay mas nagiging malala o madaling magkaroon ng komplikasyon. Dahil dito, may mga bakuna na nararapat para sa mga may diabetes. Magtanong sa inyong doktor kung angkop ang mga sumusunod na bakuna para sa inyo.
- INFLUENZA (flu) vaccine kada taon. Hindi ito puwede para sa mga may allergy sa itlog.
- HEPATITIS B vaccine
- PNEUMOCOCCAL vaccine para sa pneumonia. Para sa mga taong edad 50 years old pataas.
- HERPES ZOSTER vaccine. Hindi ito puwede sa buntis at sa mahina ang immune system tulad ng may HIV o tumatanggap ng chemotherapy.
Maaaring magkaroon ng mild reaction sa bakuna tulad ng: pamumula, pagsakit o pamamaga ng balat kung saan tinurok ang bakuna, sinat, pagsakit ng ulo, pananakit ng muscles at kasukasuan (joints).