Gaano kadalas dapat magpa-check ng HbA1c?

By in Diabetes on August 23, 2016

Pinapa-check ng doktor ang hemoglobin A1c test para malaman kung tumataas ba ang asukal sa dugo ng pasyente liban pa sa fasting blood sugar (FBS). Ang FBS kasi ay maaaring pabago-bago depende sa kinain noong nakaraang araw. Samantalang ang HbA1c test ay isang numero na sumasaklaw sa average na level ng asukal sa dugo sa nakaraang tatlong buwan. Magkaiba ang sinusukat ng test na FBS sa HbA1c.

Ang normal na HbA1c test ay 5.5%.

Gaano kadalas dapat magpa-check ng HbA1c ang taong may diabetes?

  1. Dalawang beses o higit pa sa isang taon para sa mga pasyenteng nasa target ang blood sugar at matatag ang kontrol ng diabetes
  2. Kada tatlong buwan para sa mga pasyenteng hindi pa nararating ang target na blood sugar at para sa mga pasyente na ina-adjust pa o pinalitan ang gamot para sa diabetes

Magtanong sa inyong doktor kung kelan dapat magpakuha ng HbA1c test.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.