Eat more fiber!

By in Altapresyon, Diabetes, Kolesterol on May 14, 2016

Naranasan mo na ba na sabihin sa doktor na nahihirapan kang dumumi? At ang sabi ng doktor, Siguro kulang ka sa tubig o sa fiber. Ano ba ang fiber? Ang fiber ay matatagpuan sa mga prutas, gulay, beans, peas, nuts, seeds at whole grains tulad ng brown rice, corn, oats at barley. Tinatawag minsan na roughage ang fiber kasi ito ay hindi natutunaw sa loob ng bituka kaya nga kung kumakain ng maraming fiber ay mas malambot ang dumi.

Nakakabuti ang high fiber diet na maging malusog ang colon. Nakakababa din ng kolesterol at asukal sa dugo ang fiber. Para sa mga may diabetes, hindi kaagad naa-absorb ang asukal sa bituka kung may kasamang fiber. Kaya nga doon sa plate method ng pag-diet sa diabetes, kalahati ng 9-inch plate ay dapat gulay ang laman. Ang mga pagkaing ma-fiber ay mas mabigat sa tiyan pero mas konti ang calories na laman kaya makakatulong din ito sa pagpapayat. Hindi kaagad magugutom kung kumakain nito.

Paano magdagdag ng fiber sa diet?

  1. Kumain ng oatmeal o yoghurt sa almusal. Puwedeng budburan ito ng dried fruit tulad ng raisins (pasas) at nuts, flax seed o wheat germ.
  2. Dagdagan ng peas o beans ang mga salad o sopas.
  3. Piliin ang whole grain kung kakain ng mga tinapay o crackers. Kumain ng brown rice o wild rice imbes na white rice.
  4. Kumain ng prutas at gulay. Sa mga may diabetes, hanggang three servings ng prutas sa bawat araw.
  5. Kumain ng nuts o low-fat popcorn sa merienda. Ingat lang dahil ang nuts ay mataas sa calories so dapat isang maliit na bundok lang sa palad ang sukat. Ang popcorn ay dapat walang butter o caramel.

Dahan dahan nating baguhin ang ating pagkain. Kung sobrang taas bigla ang kakainin na fiber ay puwedeng sumakit ang tiyan o maging mahangin ang bituka. Uminom din ng maraming tubig dahil ina-absorb ito ng fiber at makakatulong sa pagdumi.

Dok Bru(1)

 

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.