Paano ba mag-fasting para sa fasting blood sugar?

By in Diabetes on April 16, 2016

Maraming nag-iiwan ng comment sa Facebook page ko at sinasabi ang resulta ng fasting blood sugar nila. Pasensiya na po kung minsan ay hindi ko sinasagot. Ang maigi po kasi ay dalhin ang resulta sa doktor para makasigurado. May mga dapat pa kasing tanungin ang doktor liban pa sa resulta ng lab test.

1. Naka-fasting ba kayo noong nagpakuha ng dugo? Kailangan po ng 8-10 hours fasting kung magpapakuha ng fasting blood sugar (FBS). Ibig sabihin ay puwede pang kumain ng hapunan at hanggang alas-dose ng gabi kung pupunta sa laboratoryo ng alas otso ng umaga. Ano ang puwedeng mangyari kung kulang sa fasting? Puwedeng lumabas na mataas ang blood sugar. Kung overfasting naman ay mas mababa ang blood sugar. Kung ganito ay hindi na accurate o tama ang magiging resulta ng testing.
 
2. Uminom ba ng tubig noong naka-fasting? Ok lang ito dahil wala namang calories ang tubig. Hindi ito makaka-apekto sa resulta ng FBS. Pero may mga laboratoryo na sinasabi na bawal uminom ng tubig. Sa tingin ko sinasabi nila ito kasi minsan akala ng mga pasyente, kung puwede ang tubig ay puwede rin siguro ang kape at gatas kasi mga likido o liquids namang pare-pareho ito. Hindi po tama ‘yan dahil ang kape at gatas ay may calories at puwede pong magpataas ng FBS. Kaya tuloy minsan sinasabi bawal kumain at uminom, para maging simple na lamang ang instructions.
 
3. Nag-kendi ka ba habang naka-fasting? May mga pasyente akong mga overseas contract workers na humihingi ng clearance sa clinic. Minsan tumataas ang FBS nila kasi pala habang nakapila sa laboratoryo ay kumain sila ng kendi dahil sa labis na pagkagutom. Ang kendi ay may asukal kaya hindi rin ito dapat kainin kung magpapakuha ng blood sugar.
 
Kung 143 ang fasting blood sugar ko Dok, diabetes na ba iyon? Ang sagot – magpatingin sa doktor. Kadalasan din ay kailangang ulitin ang FBS nang isang beses pa upang makasigurado.
Share

2 thoughts on “Paano ba mag-fasting para sa fasting blood sugar?

  1. edward francisco
    1

    good morning doc. ask ko lang po kung normal b sa tao n iiisa lang ang tyriod gland? nagpa ultrasound po ako d2 ko s.korea. sbi ng doctor bakit daw iisa lang ang tyriod gland ko? may epekto ba kung iisa lang ang tyriod gland? madami po kc nararamdam sa katawan eh.. tnx and more power god bless po

    • 2

      Ang thyroid po ay may dalawang lobes – right and left. Puwede pong congenital na isa lang ang lobe. Pero basta normal po ang thyroid hormones ay puwede naman kahit isa lang ang thyroid lobe.

Leave a Reply to edward francisco Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.