Awat na sa maalat!

By in Altapresyon on March 13, 2016

Mahilig ka ba sa maaalat na pagkain? Ang sobrang asin sa pagkain ay nakakataas ng blood pressure. Ang pagbawas naman ng asin sa diet ay nakakababa ng blood pressure.

Dapat sana ay isang kutsaritang asin lang o mas konti pa ang makain ng isang tao bawat araw. Mas konti pa dito para sa mga batang maliliit. Ang isang kutsaritang asin ay mga 6 grams ng sodium chloride, at ito ay naglalaman ng 2.4 grams ng sodium.

Paano nga ba mababawasan ang asin sa ating pagkain?

  1. Tanggalin ang asin, patis, toyo at bagoong sa hapag kainan. Sinasabi ko sa mga pasyente na puwedeng gamitin ang mga ito sa pagluluto para magkalasa ang pagkain pero pagdating sa mesa ay huwag nang dagdagan pa.   Kung kaya, puwede ring gumamit ng herbs, kalamansi, o suka sa pagluluto.
  2. Kumain ng sariwang isda kesa mga isdang tinuyo o dinaing. Kumain din ng sariwang karne imbes na ham o bacon.
  3. Umiwas sa mga canned goods dahil maaalat din ang mga ito.
  4. Umiwas sa pagkain ng mga chips at instant noodles dahil marami rin itong sodium.
  5. Magbasa ng nutrition label. Low salt na maituturing kung 0.3 g salt o 0.1 g sodium o mas mababa pa ang laman sa bawat 100 g ng pagkain.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.