Sukat Tingin, Sukat Kamay

By in Altapresyon, Diabetes, Kolesterol on March 12, 2016

Kapag sobra, puwedeng makasama. Di ba laging sinasabi ‘yan ng mga matatanda? Totoo rin yan kung pag-uusapan ang pagkain. Kaya mahalaga na marunong tayong magsukat ng kinakain. ‘Yun nga lang, ang hirap naman na titimbangin natin ang lahat ng kakainin.

Ang isang paraan ay ang paggamit ng ating kamay. Sabi ko nga sa mga pasyente ko, wala nang excuse ‘yan ha dahil lagi mo namang kasama ang kamay mo kapag kumakain.

Iba iba ang sukat ng ating mga kamay kaya hindi ito eksaktong sukat. Halimbawa mas malaki ang kamay ng mga kalalakihan kumpara sa mga kababaihan. Pero sabi nga ng isang dietitian sa akin, kung malaki ang kamay ng isang tao ay malamang mas maraming calories din ang kailangan niya kaya angkop pa rin ang sukat.

  1. Kamaong nakatikom (clenched fist): isang tasa. Puwedeng gamitin ito para estimahin ang kanin o pancit na kakainin. Puwede ring panukat ng gulay na dapat kainin sa isang plato. Dalawang kamao para sa mga lalaki at isang kamao sa mga babae.
  2. Palad  (hindi kasama ang mga daliri): 3 oz meat. Kasing laki ng palad kung kakain ng baboy o baka. May mga nagtatanong sa akin sa clinic, Dok paano kung steak gaano kakapal ang hiwa? Sabi ko kasing kapal din ng palad mo.
  3. Dulo ng hintuturo: 1 kutsarita. Sukat ng mantekilya o butter na puwedeng ilagay sa tinapay.
  4. Dulo ng hinlalaki: 1 kutsara. Dalawang kutsara ang isang serving ng peanut butter. May nagsabi rin na ang buong hinlalaki ay puwedeng gamiting panukat kung ilang nuts ang puwedeng kainin.

Puwede ring gumamit ng measuring cup o measuring spoons tapos ikumpara ito sa sukat ng kamay mo para maging mas accurate ang pag-estimate ng mga sukat.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.