Alagaan ang Ating mga Kidneys

By in Altapresyon, Diabetes on March 6, 2016

World Kidney Day sa March 10, 2016!

Dahil dito ay sinalin ko sa wikang Filipino ang 8 Golden Rules kung paano pangalagaan ang ating mga kidneys na nasa website ng World Kidney Day.

  1. Panatilihing malusog ang katawan at maging aktibo. Lumakad, tumakbo o magbisikleta. Makakatulong ito para bumaba ang blood pressure at mabawasan ang tsansa na magkaroon ng sakit sa bato.
  2. Kalahati ng mga taong may diabetes ay nagkakaroon ng problema sa bato kaya dapat ay regular ang pag-check sa function ng bato. Panatilihing kontrolado ang asukal sa dugo para makaiwas sa sakit sa bato.
  3. I-monitor ang blood pressure. Ang altapresyon ay karaniwang dahilan ng pagkakasakit sa bato. Ang normal na blood pressure ay 120/80 mm Hg. Sa pagitan nito at 139/89 mm Hg, ito ay pre-hypertension o borderline. Dapat ay magsikap na kumain nang wasto at mag-ehersisyo. Kung ang BP ay 140/90 at mas mataas pa, kumonsulta sa doktor at mag-monitor ng BP nang regular. Nakakasira ng bato ang altapresyon lalo na kung kasabay nito ay may diabetes, mataas na kolesterol o sakit sa puso.
  4. Kumain nang tama at panatilihin ang wastong timbang. Sa ganitong pamamaraan ay maiiwasan ang diabetes at sakit sa puso na maaaring magtuloy sa sakit sa bato. Bawasan ang maaalat na pagkain. Ang recommended na asin na puwedeng kainin sa isang araw ay isang kutsarita lamang (5-6 grams bawat araw). Limitahan ang pagkain ng processed food at pagkain sa mga restawran. Iwasang magdagdag ng asin sa pagkain. Mas madaling limitahan ang asin sa pagkain kung sariwa ang pagkain at ikaw mismo ang magluluto nito.
  5. Uminom ng 1.5 hanggang 2 litro ng tubig bawat araw. Estimate lamang ito dahil ang tamang bilang ng tubig na dapat inumin ay depende kung lalaki o babae, sa klima (kung mainit), pag-eehersisyo, kung may ibang sakit, kung buntis o nagpapasuso. Makakasama rin kung sobrang tubig ang iinumin. Nakakatulong ang pag-inom ng tubig para malinis ng bato ang dugo.
  6. Huwag manigarilyo. Pinapabagal ng paninigarilyo ang daloy ng dugo sa mga bato kaya nahihirapan itong gumana. Umaakyat din ang peligro ng kanser sa bato sa 50% kung naninigarilyo.
  7. Huwag uminom ng over-the-counter pills nang pangmatagalan. Halimbawa ay ang mga non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) na puwedeng inumin para sa arthritis o pananakit ng likod. Ligtas itong inumin kung malusog ang inyong mga bato at kung iinumin lamang ito kung emergency at hindi pangmatagalan. Magtanong sa doktor kung kailangang parating uminom ng ganitong mga gamot.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.