
Maitim ba ang batok mo?
Maitim ba at makapal ang balat sa batok, leeg, kilikili o singit? Ayaw matanggal kahit kuskusin nang mabuti sa pagligo? Ang tawag dito ay ACANTHOSIS NIGRICANS. Maraming puwedeng dahilan para magkaroon nito pero madalas dahil ito sa type 2 diabetes. Malimit din itong nakikita sa mga taong sobra ang timbang. Ang pagkakaroon ng acanthosis nigricans sa taong may diabetes ay sign ng severe insulin resistance. Sa insulin resistance, mas maraming insulin ang kailangan ng katawan para mapababa ang asukal sa dugo.
Ang taong may acanthosis nigricans ay dapat magpasuri ng dugo para malaman kung may diabetes. May mga kakilala ba kayong ganito? Himukin po natin silang magpatest para sa diabetes. Salamat.
ano pdng gamitin na sabon sa ganun case
Dahil nga ito po ay maaaring dahil sa insulin resistance ay hindi po it tinatablan ng sabon.
Yung anak ko po 3yrs.old palang po, ganun din po nangingitim ang leeg at kilikili, maaari bang my type 2 diabetes n sya?
Mas maganda po ipacheck sa doktor kung acanthosis nigricans nga po ba ito.