Ano ang mga lab test para sa goiter?

By in Goiter (Bosyo) on January 18, 2016

Kapag nagpatingin kayo sa doktor para sa thyroid ay titingnan at hahawakan niya ang inyong leeg. Papalunukin ka niya habang ineeksamen ang leeg dahil ang thyroid gland ay umaakyat baba kapag lumulunok. Kung may bukol sa leeg na nasa loob ng thyroid, ito rin ay aakyat at baba sa paglunok. Kung hindi gumagalaw ang bukol sa leeg sa paglunok, malamang nasa labas ito ng thyroid gland.

Ano ang mga lab tests na puwedeng ipagawa ng doktor?

THYROID FUNCTION TESTS. T3, T4, TSH. Puwede ring free T3, free T4 o FT3, FT4. Ang T3 ay short for triiodothyronine. Ang T4 ay short for thyroxine. At ang ibig sabihin ng TSH ay Thyroid Stimulating Hormone. Sa pamamagitan ng blood tests na ito ay malalaman kung sobra, kulang o tama lang ang produksyon ng thyroid hormones sa katawan.

ULTRASOUND. Sound waves lang po ang gamit dito para makita ang hugis at laki ng thyroid gland. Dito malalaman kung may bukol sa thyroid gland. Sa pamamagitan ng ultrasound ay makikita kung ang bukol ay cyst (bukol na tubig lamang ang laman), solid (laman) o complex (magkahalong tubig at laman). Nasusukat din ang laki ng bukol (thyroid nodule) para masabi kung kailangan bang i-biopsy ang bukol. Makikita rin sa ultrasound ang ibang mga senyales na baka cancerous ang bukol pero ang biopsy lamang at hindi ang ultrasound ang makakapagpatunay dito.

FNAB. Short for fine needle aspiration biopsy. Isang pinong karayom ang ginagamit para kumuha ng konting laman mula sa bukol para malaman kung ito ay cancerous o hindi. Hindi na kailangan ng anesthesia kasi kahalintulad ito ng pagkuha ng dugo – yun nga lang sa leeg ang tusok kung nasaan ang bukol. Kadalasan ang bukol ay nakikita o nasasalat kaya madali itong matusok. Kung ang bukol ay di gaanong nakakapa o kung may tubig na laman, minsan ay gumagamit ng ultrasound para matusok at makuhanan ng sample ang laman na bahagi (solid) ng bukol para maging mas accurate ang resulta ng biopsy. Mas mahal ang FNAB kapag ito ay ultrasound-guided. Isang pathologist ang magbabasa ng biopsy. Ang gumagawa naman ng biopsy ay puwedeng isang endocrinologist, siruhano, radiologist o pathologist din.

THYROID SCAN. Kung ang TSH ay hindi normal, puwedeng magpagawa ng thyroid scan ang doktor. Iba ito sa ultrasound. May iniiniksyon na kemikal para mas makita nang mabuti ang thyroid. Kung ang ultrasound ay nagsasalarawan kung ano ang hitsura (anatomy) ng thyroid, ang scan naman ay functional picture. Umiilaw o lumalabas sa scan ang mga bahagi ng thyroid na gumagana at hindi naman umiilaw o hindi lumalabas sa scan picture ang mga bahagi ng thyroid na hindi gumagana.

Huwag mag-alinlangang magtanong sa inyong doktor tungkol sa mga lab tests na pinapagawa upang mas maintindihan ninyo ang inyong sakit.

 

Share

39 thoughts on “Ano ang mga lab test para sa goiter?

  1. 1

    magandang araw po!!! Yung sister ko po nagkagoiter pero pinatanggal na po nya, tapos piabiopsy yung tinanggal sa kanya ang sabi po ng doktor medullary carcinoma daw, delikado po ba ito? ano po dapat nyang gawin?

  2. 4

    Dok,ask ko Lang po may hyper po aq at Medyo lumalaki po isang Mata ko,pero umiinom ang ng carbimazole 5mg.pano ko po b mababalik sa normal yung isang Mata ko.ano po b mabisang gamot dok?

    • 5

      Dok Ano b mabisang gamot sa grave disease?

      • 6

        Puwede pong uminom ng anti-thyroid na gamot, magpa radioactive iodine o magpa-opera. Please consult a doctor para makapili alin ang pinakamabuti para sa inyo.

    • 7

      Ituloy ninyo lang po ang pag-inom ng gamot. Sadly, hindi po lahat ay sumosoli ang mata kahit gumaling ang hyperthyroidism pero mas malaki ang tsansang umayos ang mata kapag umiinom ng gamot.

      • 8

        Dok,maraming Salamat po,pero may alternative po b gamot para maging normal ulit yung sa Mata.kasi po Medyo nkaka apekto sa work ko

  3. 9

    Doc ask ko lng po, maari bang operahan ang hypothyroid habang buntis?

    • 10

      Hindi po inooperahan ang HYPOthyroid. Very rare din po na kailangang mag-opera ng thyroid habang buntis.

  4. 11

    Dok, magkano po kaya mag pa Rai? Ska ilang sessions po un? Ano po ba ginagawa pag nag papa Rai ? Parang opera lang po ba un?

    • 12

      For hyperthyroidism or toxic goiter po ba? Low dose po ito at usually one session lang po, kung sa charity ng PGH hanggang P4000 po ang price depende sa dose. Iniinom po ang RAI para matunaw ang thyroid. High dose po at puwedeng more than one session kung RAI for thyroid cancer po.

  5. 13

    Dok magkano po ba magpaRAI? Ano po ba ginagawa pag magpapa RAI?

    • 14

      Depende po sa ospital ang presyo at kung low dose or high dose. Low dose po kung para sa toxic goiter o hyperthyroidism. High dose po kung for thyroid cancer. Ang RAI po ay capsule form na iniinom sa ospital. Kung low dose po ay nakakauwi at kung high dose ay kailangang ma-confine for a few days.

  6. 15

    doc may goiter po ako tapos na po ang maglaboratory ung mga T3 ULTrasound at biopsy..ok naman po ung mga laboratory ko except sa biopsy suspicious malignant daw po..doc malaki pa ba chance ko gumaling?

    • 16

      Kung suspicious malignant ay cancer po ang result sa biopsy. Please consult with your doctor tungkol sa opera para matanggal ang bukol. Mas maaga pong matanggal ang bukol para hindi kumalat ang kanser ay mas makabubuti po.

  7. 17

    salamat dok..sana po gumaling aq at cancer free..dto na po ako ospital nakaadmit na tnx dok godbless

  8. 18

    doc.ilang buwan po b ang gmutan pag my goiter?delikado po b to?

  9. 20

    doc delikado po ba ang follicular carcinoma
    tinangal na po ang thyroid q hypo po ako at pinapagawa ang RAI kaso wala pa budget..

  10. 21

    doc. paano po pag normal lahat ng test sakin t3 t4 at tsh eh may bukol po ung leeg ko nakita sa ultrasound? eh ayoko po magpakuha ng laman baka po kasi lumala maging cancerous pa ..

    • 22

      Kung normal T3, T4, TSH at may bukol sa thyroid – ito po ay nontoxic goiter. Ang needle na ginagamit sa biopsy ay FINE needle so hindi po totoo na kapag nag biopsy ay kumakalat ang cancer o lumalala. Ang biopsy lang po ang tanging paraan para malaman kung cancerous ang bukol liban sa pag-opera.

  11. 23

    doc medyo “luwa” (bulgy) po yun left eye ko, possible po ba na graves eye disease yun? Im male,19 years old now, at bata pa lang ako luwa na medyo un left eye ko,, may times na prang may pressure sa loob tapos mas luwa sya,, ano po bang pwedeng gawin,,yun right eye ko ok namn, salamat po

    • 24

      Mas madalas ay dalawang mata kung Graves’ disease pero puwede ring isa. Mas maganda magpatingin sa ophthalmologist kasi kailangang eksaminin kung wala bang bukol sa likod ng mata na tumutulak sa eyeball palabas kaya ito lumuluwa.

  12. Noemie santos
    25

    Doc ako po na check s ultrasound n meron ako bukol s left and right.pero tubig dw ang laman nun.wala po binigay dra.ko gmot pero monitoring po ako.ask ko lng po delikado po b cya maari po bng lumaki or mwala.la nmn po binigay n gmot pra take ko.worried po kse ako tnks doc

    • 26

      Kung tubig po ang laman ng bukol sa thyroid, ito po ay cyst at mababa ang tsansa na ito ay cancerous. Follow up po nang regular sa inyong doktor para mabantayan ang bukol kung ito ay lumalaki o nag-iiba ng hitsura.

  13. 27

    Gud day dok,ung mother ko po my bukol siya sa my leeg nagpatest nrin siya mataas daw ung t3 nia.wt po pedeng gawin delikado ba un?at mgkno aabutin pg ipapacheck up

    • 28

      Kung mataas po ang T3 ay baka hyperthyroid po siya. Dapat pong magfollow up sa doktor kasi kailangang uminom ng gamot. Sa Philippine General Hospital OPD ay libre pong magkonsulta sa Thyroid Clinic every Wed pm or Thurs am. Tiis lang po tayo nang konti sa pila.

      • 29

        Doc nag start po na nagkabukol lalamunan ko nung buntis ako nung nanganak na po ako medyo lumaki po pero hindi pa pansin, napapansin lang po kapag lumulunok ako at hinihingal po ako agad kapag kinakarga ko baby ko, Possible po ba na Goiter na nga ito?

        • 30

          Mabuti pong magpatingin sa doktor para malaman. Puwede rin pong magpagawa ng thyroid ultrasound para makita kung may bukol nga sa thyroid.

  14. 31

    my mairefer po ba kayo na doctor na pwede ko puntahan?from cauayan isabela po ako.Maraming salamat dok.

  15. Jennifer Germar
    33

    dok bru,nkalimutan k poh sbhn.normal poh ang FT3 at FT4 k.ang mtaas poh skin ung TSH?taz nag tnong poh ako dra,pg mag ppa schedule poh bk ng operasyon e pde poh b?ang sgot poh skin,ikakamatay m pg inoperahan kta,dhl ndi rin nman tatablan ng anestisya.pg gnon poh b my chance p poh bk gumaling p?

    • 34

      Mas mabuti po magpatingin kayo sa isang endocrinologist para malinawan. Hindi nga po pinapayagang operahan kapag mataas ang TSH, kailangan ipa-normal muna.

  16. 35

    Hi Doc, ranging from what price po ang FT3 FT4 TSH tests? My “complex nodule” po sister ko sa right Thyroid at yan po ang required test. Salamat. God bless you!

  17. 37

    Hi doc, tanong ko lng po kung ang result po b ng biopsy sa thyroid nodule n 1.2cm ang laki ay suspicious for malignancy possible po b n cancer n po yun? Or pwde p rin pong hindi? Salamat po dokbru..

    • 38

      Kapag “suspicious for cancer” ay opo may posibilidad na kanser po talaga. Puwede pong magpa-frozen section ang surgeon ninyo. Ibig sabihin habang inooperahan ay magpapadala sila ng sample ng bukol sa pathologist. Kapag sinabi ng pathologist na cancer ay total thyroidectomy po ang gagawin. Pero kung hindi naman po cancer ay puwedeng mag-iwan ng thyroid.

      • 39

        Salamat po s pagsagot dokbru. Sabi po kx ng surgeon minsan dw po hindi accurate ung magpa-frozen minsan eh. Pagnagpa total thyroidectomy po b hindi n mgiging normal ang buhay kasi po wla ng thyroid? Or mgiging ok p nman po dhil s gamot for replacement ng thyroid. Salamat po dokbru…

Leave a Reply to PJ Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.