Walk with love

By in Altapresyon, Diabetes on January 11, 2016

Lagi namang sinasabi ng doktor ‘yan. Magandang ehersisyo ang paglalakad. Ang rekomendasyon nga ng mga experts ay lumakad ng 10,000 steps sa bawat araw!

Maraming tips para mas maging masipag sa paglalakad. Ang isang tip ay humanap ng kasama sa paglalakad.

Find a walking partner. Yung mapapatakbo ka kasi hinihintay ka niya!

Kung may ka-date ka sa paglalakad ay mas masaya. Baka nga hindi mo mamalayan ang 10,000 steps habang holding hands while walking ka na, at pa-sway sway pa.

Kung ikaw lang mag-isa ang maglalakad ay puwede mo itong ipagpaliban kahit kailan. Pero kung may usapan kayong maglalakad magkasama ay kailangang magsabi ka para kanselahin ito. Mahihiya kang gawin ito kahit sa isang kaibigan kaya mas malamang na matuloy ang planong maglakad.

Ang walking partner mo rin ang magbibigay ng encouragement sa iyo lalo na kapag ayaw mo nang lumakad. Minsan ay sinubukan kong lumakad ng 10,000 steps. Nagsuot ako ng pedometer, isa itong device na nagbibilang kung ilang hakbang na ang nagawa mo. May app na rin sa mga cellphone na gumagawa nito. Kasama ko ang asawa ko na naglakad sa UP oval sa Diliman isang Sabado. Aba, apat na ikot pala ng UP oval ang 10,000 steps! Muntik kong hindi mabuo ang 10,000 steps dahil nakakapagod. Parang ang sarap ding tumigil at mag-fish ball o taho muna. Marami kayang nagtitinda sa UP oval. Pero nakabantay ang aking asawa. Sabi nga niya, ikaw nga sinasabi mo ‘yan sa mga pasyente mo kaya dapat gawin mo din!

Walk with love! Maghanap ka ng kasamang maglakad. Mainam ‘yan para sa puso at sa kalusugan.

 

 

 

Share

One thought on “Walk with love

  1. Maribel Martinez
    1

    Totoo po.masarap maglakad, nkkarelax ng isip..gabi gabi po aq nagllakad..paakyat at pababa s peak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.