Kakainin mo ba ‘yan?

By in Altapresyon, Diabetes, Kolesterol on January 4, 2016

Bagong taon, bagong resolution! Tulad ninyo, gusto ko ring maging mas healthy sa 2016.

Noong nakaraang Disyembre ay dumalo ako sa AFES conference sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang AFES ay ang ASEAN Federation of Endocrine Societies. Ginaganap ang malaking meeting na ito kada dalawang taon para sa mga doktor na may interes sa endocrinology. Napakinggan ko dito si Professor Gary Wittert ng University of Adelaide, Australia. Dalubhasa siya sa pananaliksik tungkol sa obesity at diabetes.

Sabi ni Professor Gary, maraming paraan para pumayat at minsan tuloy nalilito ang mga tao kung ano ang gagawin o susundin. Ito na daw ang pinakasimpleng paraan para sa kanya. Bago kumain ng kahit ano, tanungin muna ang dalawang katanungan na ito:

  1. Buhay at lumalaki ba ‘yan bago napunta sa plato mo? Was it growing before it got to your plate?
  2. May nanay ba ‘yan? Did it have a mother?

Dapat ay OO ang sagot sa dalawang tanong na ito. Kung HINDI ang sagot ay huwag kainin ito. Ayon kay Dr. Wittert, mahalaga na ang kinakain natin ay sariwa at hindi processed. Sa unang tanong, OO ang magiging sagot kung ang balak mong kainin ay mga gulay at prutas. Ang ikalawang tanong naman ay para sa mga karneng baka, baboy, isda at manok. Nagbiro pa nga si Dr. Wittert at sinabi na ang gummy bears at doughnuts ay hindi puwedeng kainin dahil hindi ito buhay bago mo nakuha at wala itong nanay!

Napaisip ako dito! Kung kakain ako ng pork chop ay puwede dahil galing ito sa baboy. Lumalaki pa ito at may nanay bago kinatay para mapunta sa plato ko. Pero ang bacon hindi na puwede. Dahil galing man ito sa baboy ay processed meat ito kaya hindi na ito buhay at lumalaki bago nakarating sa plato ko. Hmmm … nung kinukuwento ko ito sa aking mga kakilala ay naghahanap kaagad siyempre sila ng mga palusot at maraming debate kung ano nga ba ang papasa at hindi sa mga katanungang ito. Ay ang Pilipino ay pilosopo he he! Longganisa ba puwede? Tinapay kaya o spaghetti? Mag-iwan ng comment kung ano ang palagay ninyo sa dalawang tanong na ito.

Kung sumasang-ayon man kayo o hindi sa mga katanungan na ito, ang mahalaga para sa akin ay ang paghinto muna bago kumain para tanungin ang sarili, Gusto ko ba talagang kainin ito? Sa ilang mga segundo na iyon ay isang oportunidad para mapagtanto natin ang ating kakainin. Di ba sabi nga nila, You are what you eat.

Happy new year!

 

 

Share

4 thoughts on “Kakainin mo ba ‘yan?

  1. 1

    Dok tanong ko lang po bakit po may babaeng walang men station since birth hanging ngayon. 23 n po ang age n ngayon

  2. 3

    Dok yun po bang tortang talong ay dapat po bang iwasang kainin kasi inihaw cia na nakakapagdulot ng cancer

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.