
Ano ang galactorrhea?
Ang galactorrhea ay paglabas ng likido na mukhang gatas mula sa suso ng mga babaeng hindi naman nanganak, o higit na sa isang taon pagkatapos manganak o tumigil na sa pagpapasuso ng bata. Minsan nangyayari din ito sa mga kalalakihan at sa mga babaeng menopause na o hindi na nagreregla. Dapat magpatingin kaagad sa doktor kung meron nito.
Ayon sa Mayo Clinic, maraming puwedeng dahilan kung bakit nagkakaroon ng galactorrhea.
- Mga gamot
- Paggamit ng cocaine o opioids
- Herbal supplements tulad ng fennel, anise o fenugreek seed
- Pills para hindi mabuntis
- Tumor sa pituitary gland na naglalabas ng hormone na prolactin (prolactinoma) o ibang tumor sa pituitary
- Thyroid gland na hindi gumagana (HYPOthyroidism)
- Mga batong pumapalya (chronic kidney disease)
- Labis na paggalaw sa suso dahil sa pagtatalik, malimit na eksaminasyon ng suso na nagagalaw ang utong, pagpapantal sa dibdib o damit na nagigilgil sa suso.
- Pagkasira ng mga ugat sa dibdib nang dahil sa operasyon sa dibdib, pagkapaso o pagkasunog ng balat sa dibdib o ibang dahilan ng pagkasugat sa dibdib
- Operasyon sa gulugod, tumor o ibang pagkakapinsala sa gulugod
Kung may nakakapang bukol sa suso at may lumalabas sa utong na hindi mukhang gatas, parang dugo, tubig o madilaw – magpatingin kaagad sa doktor at baka ito ay kanser sa suso.