KAKANIN, KATUMBAS NG KANIN!

By in Diabetes on November 14, 2015

Ang sarap naman talaga ng kakaning Pilipino: suman, biko, puto, kutsinta, bibingka at puto bumbong! Nung maliit pa ako, lagi kong hinihintay ang lola at nanay ko makabalik galing sa palengke. Tiyak may dala silang suman at kutsinta!

Madalas kong tanungin ang mga pasyente kong may diabetes kung ano ang kinakain nila sa merienda. Marami ding kumakain pa rin ng mga kakanin. Sinasabi naman ng ating mga dietitian na walang tunay na bawal na pagkain. Yun nga lamang ay dapat nasa tamang sukat.

Ang listahan na ito ay mula sa Food & Nutrition Research Institute (FNRI) ng Pilipinas.

ANG ISANG KALAHATING TASANG KANIN ay katumbas ng:

  1. Bibingka galapong 1 slice (1/4 of 15 cm na lapad, 2 cm ang kapal)
  2. Bibingka malagkit 1 slice (6 x 3 x 3 cm)
  3. Biko 1 slice (10 x 5 x 1 cm)
  4. Cassava cake 1/2 of 15 x 3 x 2 cm
  5. Espasol 2 pieces (11 x 2.5 x 1.5 cm each)
  6. Kalamay latik 1 slice (4 x 6 x 2 cm)
  7. Kutsinta 1 piece (6 cm diameter x 2.5 cm)
  8. Palitaw, walang niyog 4 pieces (7.5 x 4 x 0.3 cm each)
  9. Puto bumbong 2 pieces (11 x 2 x 1 cm each)
  10. Sapin-sapin 1 slice (5 x 3 x 4 cm)
  11. Tikoy 1 slice (10 x 3 x 1.5 cm)

Paano gamitin ang listahang ito? Ang allowance sa kanin sa almusal, tanghalian at hapunan ay tig-iisang tasa. Kalahating tasa naman ng kanin kung sa merienda. Kung kakain ng kakanin ay dapat ibawas ito sa allowance ng kanin.

Halimbawa kung kakain ng kutsinta sa merienda ay ISA lang dahil katumbas na ito ng kalahating tasang kanin na allowance pang merienda. Kung kakain ng dalawang piraso ng puto bumbong pagkatapos ng hapunan, katumbas nito ay kalahating tasang kanin, kaya sa hapunan ay hindi na puwedeng isang buong tasang kanin ang kainin kundi kalahati na lamang.

Opo, napakaliit ng mga sukat na pinapayagan. Pero sa ganitong paraan ay makakatikim pa rin ang may diabetes ng mga kakanin.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.