RAI (Radioactive Iodine): Mabisang Gamot Para sa Toxic Goiter

By in Goiter (Bosyo) on October 19, 2015

Sa sakit na toxic goiter, ang pasyente ay may bosyo at labis ang thyroid hormones (T3 at T4) sa dugo. Sa diffuse goiter, ang buong thyroid ang lumaki (kanan at kaliwa). Ang Graves’ disease ay isang klase ng diffuse toxic goiter. Sa nodular toxic goiter naman ay may mga bukol sa loob ng thyroid (nodule). Sobra din ang thyroid hormones sa HYPERthyroidism pero hindi malaki ang thyroid. Ito ang kadalasang tinatawag ng mga matatanda na goiter sa loob.

Ang iodine mula sa seafoods o asin ay kinukuha ng thyroid para makagawa ng T3 at T4. Dahil sobra sa thyroid hormones ang taong may toxic goiter o hyperthyroidism, pinapagbawal ang seafoods at labis na asin. Ang thyroid lamang ang kumukuha ng iodine sa katawan. Kaya kapag pinainom ng radioactive iodine, pupunta lamang ang gamot sa thyroid.

Ano ang radioactive iodine?  Ito ay Iodine 131 (I 131) na kapag pumasok sa thyroid ay liliit ang thyroid dahil tinutunaw nito ang mga cells ng thyroid. Kung maliit na ang thyroid ay hindi na makakagawa ng sobrang T3 at T4 ang katawan kaya mabisang gamot ito para sa hyperthyroidism or toxic goiter. Kung lumiit lamang at hindi naubos ang thyroid pagkatapos ng RAI, ay puwede pang bumalik ang hyperthyroidism pero madalang itong mangyari. Kung iinom lang kasi ng tabletang gamot, nagiging normal ang T3 at T4 sa dugo pero ang bosyo o bukol ay hindi lumiliit.

Kapag sinabing radioactive iodine ABLATION, ang ibig sabihin ay tutunawin na ang buong thyroid. Kapag wala nang natira na thyroid gland, ang pasyente mula sa pagiging HYPERthyroid ay magiging HYPOthyroid na. Kung naging hypothyroid na pagkatapos ng RAI ay kailangan ng uminom ng gamot kapalit ng thyroid hormone (levo-thyroxine) habang buhay. Dahil wala ng thyroid gland, tiyak na hindi na babalik ang hyperthyroidism o toxic goiter kaya mabisa itong gamot.

Kadalasan bago magpa-RAI, nagpapagawa ang doctor ng thyroid scan at radioiodine uptake (RAIU). Sa thyroid scan malalaman ang laki ng thyroid at sa uptake naman malalaman kung gaano kalakas kumuha ng radioactive iodine ang thyroid. Sa dalawang test na ito malalaman kung anong dose ng RAI ang kailangan. Ang dose ng RAI ay binibilang sa pamamagitan ng mci – parang milligrams ng tabletang gamot. Tandaan kung ilang mci ang binigay ng doktor. Halimbawa kung 14.9 mci ay malamang matutunaw ang buong thyroid. Kung nodular goiter, mas mataas ang dose at kung minsan ay umaabot ng 20 to 30 mci depende sa laki ng my bukol.

Limang araw hanggang isang linggo bago magpa-RAI ay pinapatigil ang mga gamot na pangpigil sa pagdami ng thyroid hormone tulad ng: methimazole, carbimazole, thiamazole at PTU. Ito ay dahil makakasagabal ito sa pagpasok ng RAI sa thyroid. Kung umiinom ng Propranolol ay puwede itong ituloy kahit magpapa-RAI na. Depende sa maging response ng pasyente sa RAI, maaaring ibalik ang mga ibang gamot na nabanggit o hindi na pagkatapos ng RAI. Kailangan ng close monitoring ng pasyente sa doktor pagkatapos ng RAI.

 

Share

102 thoughts on “RAI (Radioactive Iodine): Mabisang Gamot Para sa Toxic Goiter

  1. 1

    hi dra. good day may ktatanung lamang po aq bale dalawang beses na po aq nag undergoe ng RAI bale ang case ko po is hyperthyroidism ..nararamdaman ko po sa tuwing pag gising ko po sa umaga lagi po aqng naduduwal at parang walang ganang kumain very sensitive sa lahat ng bagay,pawisin ang mga kamay at paa after a month na pagpawisan heto na bglang lalabas ang mga butlig sa kamay ko at paa na makati at nagtutubig heto po ba ung epekto ng rai ko kc po gnito din po ang nangyari sakn nung una kong RAI halos same lang din po ..nahihirapan po kc aq sa tuwing umaga parang naglilihi po kc aq na parang babae sana po maresitahan po nyo aq ng gamot para di ko na po maduwal sa tuwing umaga kc po nahihirapan po tlaga aq marami pong salamat

    • 2

      Kumusta na po yung TSH ninyo? Baka po kasi hypothyroid na kayo. Sana po magpatingin kayo sa isang endocrinologist.

    • 3

      Hi doc bru!.. Mgandang araw po sa inyo my papillary microcarcinoma po aq w/ positive tumor lymph node tpos na po aq na operahan total thyroidectomy need q pa pobng mg undergo ng RAI? Need q rin bng nka hospital isolate doc? Mgkano po doc pg ngpagawa ng RAI jan sa pgh? Naway ma rplyan nio po aq doc. Salamat po god bless!!,..

      • 4

        Marami po kasing considerations para masabing kailangan ng RAI so yung doktor lang po ninyo ang makakapagsabi niyan. Kapag nagRAI na high dose ay may special RAI room at opo isolated ito. Depende po ang price kung sa pay or charity kayo sa PGH at kung anong dose ng RAI ang gagamitin. Pero mas mura po sa PGH dahil government hospital ito.

  2. 5

    hello po. magandang araw. last december 17 2013 nagpaRAI ako then netong january 16 bumalik ako sa doctor ko kasama ang lab test ko nang TSH =0.005 (sobrang baba sa normal) ft4=44 (12-22range) ft3=13(2-7 range) binalik ako ni doc sa gamot kong tapdin at inderal sabi nya tuloy tuloy padin daw ang paglusaw kaya hyper pa din ako.

    • 6

      Puwede pong mag-fail ang RAI at kailangang ulitin minsan. Please continue follow up po sa doktor ninyo.

  3. Mae C. Ramirez
    7

    Dra., may hyperthyroidism po ako, toxic goiter daw sabi ng doctor.April-Aug last year nagtake ako tapazole. Sept 4 pagbalik ko sa doc base sa lab test ko normal na. Tapos Dec, nagpatest ulit ako, tumaas nanaman t4. 2x a day po ngayon ang inom ko ng tapazole 5 mg. At inderal propanolol pag may palpitations lang, 2 months ako pinapainom. Doc tanong ko lang po kung pwede sa akin yung RAI? Saka may kakilala po ba kayo dito sa Bulacan na endocrinologist? San Miguel Bulacan po ako. Thank you so much. More power po! God bless..

    • 8

      Puwede pong magpaRAI. Dr. Mary Jane Gutierrez or Dr. Marjorie Ramos.

      • 9

        hi po dok bru..tanong ku po lang kung ano ang mabisang gamot para sa toxic goiter
        kasi may toxic goiter po aku at mag aapat na taon ng hindi ku pinagamot dahil hindi ku alam kung anong gamot ang dapat inumin..

        at kung anung mga pagkain din ang bawal kainin..salamat po

        • 10

          Marami pong mabisang gamot para sa toxic goiter pero kailangan po kayong magpakita sa doktor para maresetahan. Kailangan rin po ng follow up kasi mino-monitor ang thyroid hormone levels na nagiging basehan para sa dose ng gamot na kailangang inumin.

  4. Dadzkei Embudo
    11

    Anu pong pinakbisang gamot ng goitre?ng umpisa pa lng pong tumubo ang goitre xa aking leeg,

    • 12

      Depende po kung anong klaseng goiter – kung toxic or nontoxic po.

      • 13

        Dra.totoo po ba ang sabi Nila na magiging kanser sa buto bara sa puso at magkaka kidney pag may heperthyroidsm?thanks po sa sagot

        • 14

          Hindi po totoo yan. Minsan lang po puwedeng magkasakit sa puso kung matagal na pong hyperthyroid at hindi ito nagagamot. Puwede pong maging irregular ang heart beat.

      • raychelle ann acero
        15

        kpag po my toxic po ung tyroid ano po pwede inumin

        • 16

          Please consult a doctor po para malaman kung anong gamot ang nababagay para sa case ninyo.

  5. 17

    Dok my hyperythyroidism po aq nag take po aq Gamot halos 6 mnths hindi na po aq naka balik ulit sa dr q napapansin ko po na sobra naman po Ang pag taba q ngaun graves deseas po daw
    Sb Ng dr

    • 18

      Sana po makabalik po kayo sa doktor kasi po kung tumataba na baka below normal na po ang T4 ninyo at kailangan nang i-adjust ang dosage ng gamot.

  6. 19

    Pwede po ba ang tapazole sa hypothyroidism

    • 20

      Ang gamot na Tapazole ay para sa HYPERthyroidism po ang NOT HYPOthyroidism. Please consult a doctor para sa tamang gamot.

  7. 21

    dok may tatanung poh ako lumabas poh sa result ng biopsy q 1.minimally invasive folliculas carcinoma,thyriod gland rigth
    2.negativd for metastasis: lymph node (0/1), perithyroidal soft tissue, rigth
    3.adenomatous nodule left
    at eto poh ung result ng TSH ko poh
    result: 10.03
    Unit: uIU/mL
    Reference: 0.35 – 5.29
    DOK pake explain naman poh at anu mga dpat gwin pti poh sa TSH pke explain kung mtaas poh b o mbaba at ung TSH POH ba ay ibg sbhen nun thyriod hormone? at kung mtaas poh sya dpo muna ako pdi mag take ng levo-thyroxine kung mataas poh ang nasa result at kung mbaba dun lang poh q pdi mag take ng levo-thyroxine? salamat dok

  8. jojeanmay linganay
    22

    Magandang araw po sa inyo Dra. Dra, yong papa ko po kasi my toxic goiter. May maintenance po syang gamot na lasix, ptu at ngayon nman ay propanolol. pro po lumalaki po ang kanyang paa at tyan niya, natatakot na po kami at lalo pa at hindi sya mkaihi. kakagaling lng po nila kanina sa doktor na niresitahan po sya ng aldactone. ano po ang dapat naming? at magkano po ba ang RAI? Maraming salamat po! God bless!

    • 23

      Nakapagpatingin na po ba kayo sa isang endocrinologist? Parang heart failure din po ang problema base sa mga sinabi ninyo kaya kailangan din po ng isang cardiologist. Ang RAI po kung sa PGH charity ay P4000.

  9. 25

    dok bru anu po mabisang gamot sa bago o masasabing maliit pa lang na goiter.thaks po

  10. 27

    doc.tanong ko lang po ako po ay may toxic goiter mahigit 2yrs na eto ang iniinom ko dati na gamot ay tapazole pero pinalitan ng doctor ko ng ptu.may possible po ba na maging ok ang aking pagbubuntis? at ano po ba ang pinakamabisang gamot para matunaw ang toxic goiter ko,thanks po.

    • 28

      Pareho pong pampababa ng T4 ang tapazole at PTU. Pero ang PTU po puwede sa buntis at ang tapazole hindi.

  11. melanie guban
    29

    Hello goodmorning po dra.
    Ako may goiter po kaya never po akong nagpatingin sa clinic or hospital nararamdaman ko na kc ngaun na medyo sumisikip un dibdib ko at nahihirapan po ako huminga at lumunot. Ngaun po kc andito ako sa taiwan dun napunta po ako dito. Dito ko na naramdaman un mahirapan ng huminga dis month on march napunta po ako sa hospital tapos tinignan ang leeg tapos ginawa lang nila kinakapa kapa lang tapos sabi ng doctor punta ako sa isang clinic ginawa naman sakin ultrasound pero sabi wala naman akong goiter bakit ngaun po nararamdaman ko na po.
    Un sa may kaliwang leeg ko po medyo lumalaki napo at un bukol sa leeg ko ay lumalaki narin. Ano maganda gamot po eto pls help me po doc.

    • 30

      Kung goiter po yan, kailangan sanang macheck sa dugo ang T4, TSH at para naman makita kung solid ba o cyst ang bukol ay thyroid ultrasound. Sana magpa check up kayo ulit.

  12. 31

    dok may nakapa sa leeg ko
    . eh kapa nganak ku palang pwd ba ito sanhe para mag ka guiter

    • 32

      Kapag buntis po ay lumalaki ang goiter pero dapat bumalik din ito sa dati pagkatapos manganak. Minsan po ay hindi na ito lumiliit kaya madalas malaman na may goiter pagkatapos manganak at akala po ay dahil ito sa pag-ire noong nanganganak.

  13. 33

    Hi doc.meron po akong diffused toxic goiter at sabi po ng im ko thyroid storm na po ito at possible pong mapunta sa graves disease,bukod po sa pagintake ko ng ptu at propanolol at magpahinga..anong dapat ko pa pong dapat gawen para maprevent kong lumala ito.at gusto ko din pong malaman kung anong kalagayan na po ng thyroid ko.may irerecommend po ba kayong ibang mas better na medication treatment.thank you

    • 34

      Low iodine diet po. Bawal ang seafood at mga pagkain maraming iodized salt tulad ng sitsirya at french fries. Kung sa isda po ay sana freshwater fish lang tulad ng tilapia at bangus. Mas maraming iodine sa diet mas tumataas ang T4 kung toxic goiter po kasi.

  14. gina estilo
    35

    Goodmorning po..tanong ko lng po doc kong may case na po ba ngyari na nagkaka allergy sa tapazole na gamot?

    • 36

      Opo, puwede pong magka rashes or manilaw ang mata at balat sa methimazole. Pero madalang po itong mangyari.

  15. raychelle ann acero
    37

    doc ano po kya mbisang gamot sa goiter para mtunaw namamayat n po kc aq

  16. 39

    Doc nagp test po aq ng t3, t4, and tsh. Normal po t3 at t4 rsult pero tsh q po ay mababa niresitahan po aq ng doctor tapazole 20ml for 30days.. Pagkatapos nagpatest aq ulit sa tsh q lalong bumaba. Bakit naging ganon ang result? Ano po bang klaseng goiter ang s akin? Salamat

  17. 41

    Hello po doc. ano po bang mas maganda po sa non-toxic po opera po ba o rai?
    Pwede po bang mag.paRAI kahit non.toxic po? Magkano po yung magagastos sa RAI O OPERASYON kapag PUBLIC po? Gusto ko po talaga kasi matanggal goiter ko po.. Nahihirapan na po kasi akong lumunok 🙁 salamat po sa pagsagot..

    • 42

      Kung nontoxic goiter po ay operasyon lang ang option dahil ang RAI ay para sa toxic goiter lang po. May Philhealth po ba kayo? May mga ospital po na Philhealth na ang magbabayad sa operasyon.

  18. 43

    Good morning po doc.taking ko LNG po sana Kong posibli po bang namay toxic goiter? Ksi po ang left side name mata ko ay malaki,,salamat po

    • 44

      Kung nakaluwa po ang mata ay dapat i-check ang thyroid kung hyperthyroid. Gumagawa rin po ang doktor ng mata ng CT scan o MRI para i-check kung may bukol sa likod ng mata na tumutulak palabas sa eyeball.

  19. 45

    hi doc ito nanaman ako…doc ng patest po ako ng bloodtest ito yung result
    TSH ELCIA-0.650 ( uIU/mL 0.27~4.20
    FT4 ELCIA-19.20. (pmo/L. 12.00~22.00
    yun po redult bloodtest ko.)tapos yung thyroid gland UTZ RESult ko po right lobe:6.1×2.0 x 2. 7cm( L x AP X T)
    N1:1.6 x 1.2 x 1. 2cm,solid, Heterogenous, sharp isoechoic margin.
    left lobe: 5.5 x 1. 7 x . 4cm
    Isthmus:0.5cm
    yun po lahat ng result..binigyan po ako ng gamot (atenolol(therabloc)para saan po yun? normal lng naman blood ko 100/60..tapos ngrequest po ng biopsy.doc di ba yun dilikado yung mgpabiopsy ng thyroid? maitanong ko lng doc kung saan ba yung clinic nyu? gusto ko sana sayu ako mgpatingin sa toxic goiter ko..sabi kasi ng doctor di na dw hyperthyroid.sabi ng ng ultra sound skin toxic goiter po dw..paki explain po pls doc..

  20. 46

    Dra pls help po pwede po ba magabroad ang my toxic goiter pero nanggagamot nmn po ako pls reply po thanks..babagsak po ba ako sa medical??

    • 47

      Depende po sa bansa at sa employer. Pero sa experience ko po ay hindi nakakapasa sa medical ang toxic goiter kaya pinapa-RAI na lang po para matunaw.

    • 48

      ate kapag TOXIC po need muna yata matanggal kasi babagsak ka po sa medical! Ako po NON-TOXIC meron ako pero nakakuha ako ng clearance sa dr.pra patunay na hindi delikado yung goiter kasi hahanapin ng agency yung ultrasound at biopsy mo po.. Sa awa ng dyos nasa taiwan ako now..

  21. 49

    Good pm doc, may grave’s disease po ako. Tanong ko po kung Ano po pwedeng gawin o gamot para bumalik sa dati o kahit medyo lumiit lang ang mata? Tsaka po pala bakit parang hindi po pantay ang paglaki ng dalawa ko pong mata? Yung left side ko pong mata medyo malaki lang tas yung right side malaki po. Hindi po sya pantay. Bakit ganun po? Tsaka ano ang maaring lunas para bumalik sa dati ang mata? Salamat

    • 50

      Kadalasan po habang umaayos ang T4 sa dugo sa pag-inom ng gamot ay sumasabay din pong gumaling ang pagluwa ng mata. Pero hindi po ito nangyayari sa lahat. Meron din pong nanatili ang pagluwa ng mata kahit normal na ang T4. Operasyon lang po ang ginagawa para maisauli ang mata sa loob ng orbit.

  22. 51

    Dok, anong araw po open ang clinic nyo ? At anong oras pwde paconsult sayo? Pdwe po ba bukas?

  23. 53

    Hi Doc. 2yrs na po akong may Hyperthyroidism. 23yrs old. From January2014-October2015, monthly po akong pumupunta sa endo ko para magpa-Check up. Pero bakit po ganun? Pabago bago ung sakit ko. Sometimes hyper minsan naman hypothyroid. Since nung October2015 po tinigil ko na pagpapaCheck up kasi parang wala naman pong nangyayari, paulit ulit po. Pero tinuloy ko naman po ung meds ko til Jan2016. Then from then til now tinigil ko na po. Propranolol nalang po ung tine-take ko na regularly. Pero based po sa mga nararamdaman ko this past two weeks, I know hyperthyroid na po ulit ako. Gusto ko nalang po sanang magpa-RAI or surgery. Tatanong ko lang po if normal po ba ung pabago bagong results sa mga blood tests ko? And papalit palit ng gamot? First po kasi PTU ako for 3mos then may side effects po sya so we switched to NeoMercazole, then after 5mos we switched to NeoMerdin. Yung dosage po paiba iba. Nakaka-Stress na po kasi. And if kung saan po ung hospital dito sa Manila na may pinakamura na RAI therapy. Wala po kasi akong Philhealth or HMO. Hndi po kasi ako makapagWork dahil po sa hindi kaya ng katawan ko ung pagod. Sorry po sa mahabang comment. Thank you po sa magiging sagot nyo. Godbless. 🙂

    • 54

      Ang dose ng gamot sa hyperthyroidism ay ina-adjust depende sa level ng thyroid hormone. Ang check up ay every 3-4 months. Yung Neomercazole ay pareho lang ng Neomerdin – brand names ito para sa gamot na ang pangalan ay carbimazole. Puwede po kayong magpatingin sa PGH OPD – government hospital po kaya libre ang konsulta. Ang Thyroid Clinic ay tuwing Miyerkules ng hapon at Huwebes ng umaga. Ang mga doktor sa Thyroid clinic ay mga istudyante ko. Puwede po ninyong hanapin si Dr. Anton Faltado.

  24. 55

    Hi doc tanung lang Sana ako kung ano dapat gawin kung may toxic goiter nitung December lang KO po kasi na. Malayan na may bukol sa leeg KO..isa pu bang dahilan ang pagpanganak para lumaki ito? Tanung kulng po Sana kung anu yang rai , yan ba ay gamot na iniinum?

  25. 58

    Dra.tanong ko lang po..hindi pa kasi ako nakapunta sa doctor pero mga weeks ko na po nararamdaman na nahihirapan ako huminga at lumunok..specially right after meal parang di bumababa mga kinakain ko..parang nasa lalamunan ko lang po lahat.possible po ba na toxic goiter po ito?salamat po sa sagot

    • 59

      The only way malaman ay kung magpatingin po sa doktor. Kadalasan po ay naapektuhan lamang ang paghinga o paglunok kung malaki na talaga ang goiter.

  26. Ana demandante
    60

    Hi po dok 5 yrs na mula po ng paradioactive ako hindi na po ako ngpatingin pero po ngyon para po kc my nkabara sa lalamunan ko natatakot po ako na maulit ulet un tyrroid ko thanks po sana masagot po ninyo

    • 61

      Usually po dapat yearly magpacheck ng TSH after ma-RAI lalo na kung on thyroid hormone replacement.

  27. 62

    Doc tanong ko lang po ang tapazole po ba is pang maintenance na gamot para sa may toxic goiter? Nagpatingin po ako dati sa clinic ng t3 at t4 at sabi hyperthyroidism daw po niresetahan po ako ng tapazole 5mg..hindi na po ako bumalik sa doctor ko dahil nga po sa hirap ng buhay..isang taon umuwi po ako ng province at nagpacheck up ulit test naman ng dugo at normal naman po ang result then sabi ng doctor ituloy tuloy ko lang daw ang tapazole..pero hinihinto ko po kapag wala akong nararamdaman sa lalamunan ko..umiinom po ako pag may maramdaman ngayon po halos 4 years na po ako nahihirapan sa lalamunan ko doc Lalo na po ngayon na palaging napapagod kakahatid sundo sa mga anak ko at ang bibigat pa ng mga bag nila dahil sa Libro..sumasakit po likod ko..lalamunan ko po sobrang nahihirapan ako na nasasakal sobrang magpawis nanghihina minsan mo sobra mangatog katawan ko wala naman po kami pera para magpa rai o magpa opera..ano po bang gamot na pwedeng tumunaw sa goiter ko doc hanggang ngayon po kasi umiinom ako ng tapazole doc pls doc help me sobrang nahihirapan na po ako

    • 63

      Hindi po maintenance ang Tapazole para sa goiter. Kailangan po regular ang check up sa doktor kasi ang dose ng Tapazole ay ina-adjust depende sa level ng T4. Kung tuloy tuloy lang ang inom ng Tapazole, ay puwedeng sumobrang baba ang T4 at lumaki ang goiter.

  28. jennifer germar
    64

    gud am poh.dok bru,mron poh akng itatanong s inyo ako poh ay isang my sakit na hyper thyroidism,nag p check up n rin poh ako dto poh s my amin hospital.ang sbi poh skin ni dra.mag take dw poh ako ng gmot n ang name ay tapazole at propranolol 10 mg poh xia.at 3mos.k dw poh iinumin.natapos k nman poh at nasunod k ung pag inom ng mga gmot.ngyn poh ay nkkaramdam ako ng pag hingal at pag papalpitate ng dibdib k n prang ssabog poh.gsto k poh mlaman kng ano poh ung mga dpat k png gwin?sna poh mtulungan nio poh ako.salamat poh

    • 65

      Nag follow up po ba kayo sa doktor? Kadalasan po kasi more than 3 months ang kailangan para mag-remission ang sakit na hyperthyroidism. Puwede pong umabot ng isa hanggang dalawang taon ang pag-inom ng gamot at may follow up every 2-3 months para ma-adjust ang mga gamot.

  29. Weng Calalang
    66

    Gud evening po.. Doc ask ko lng po.. Meron daw po akong toxic goiter hindi p nmn po masyadong malaki ung bukol ko s kanan. Mtaas po ang result ng aking t3 at t4..pinakakain po ako ng seafoods.. Hipon talaba at tahong lately.. Bawal po ba un skin. At inooperahan po ba talga ito? Anu ano po b ang dapat kainin pr bumaba ang t4 .maliban po sa pag inom ng gamot.. Tapazole at propranolol.. Salamat po and GOD bless po

    • 67

      Bawal pong kumain ng seafoods kung mataas ang T4. Ang seafoods ay may iodine. Gumagawa po ang thyroid ng T4 gamit ang iodine sa pagkain.

  30. Weng Calalang
    68

    God bless po.

  31. 69

    Doc, kumunsulta na po ako sa 4 na doctor at sinuggest po nila na mag RAI na po ako. Nabalitaan ko po na hindi pwedeng maexpose sa tao after magpaRAI so gusto ko lang po malaman kung gaano po katagal bago masabi na safe na po akong maexpose kasi may bata at aso po sa bahay namin.

  32. 71

    Good evening doc. Meron po akong toxic hyperthyroidism. Posible po bang matunaw to gamit ang tapdin? Thank you po

    • 72

      Hindi po pampatunaw ng goiter ang Tapdin. Gamot po ito para bumaba ang T4, kasi po mataas ang T4 kapag may hyperthyroidism. Ang mataas na T4 ang dahilan kung bakit may palpitations, pumapayat at pawisin ang may hyperthyroidism.

      • 73

        Doc ano po ang mabisang pampatunaw ng goiter. Di naman po malaki. Konting lump lang. At if magpaRAI.. pwede pa po ba ko magkaanak. Ano po ang time interval after rai bago mabuntis? Di po ba magkakadiperensya sa utak ang magiging anak ko kung sakali? Salamat po

  33. Zaida G.Zabala
    74

    My hperthyrodism po ako san po pwede mag pa lab ngct3 at t4 n,mura kc po jobless po ako.sana po matulungan nyo po ako.kc po para nabigat ang dibdib.

  34. Christine Clemente
    76

    hello po dra., may nodular goiter po ako, nakapagpabloodtest na din po ako and thyroid scan… Normal naman po ung TSH, FT4 and FT3 ko…tapos ang sukat po ng complex nodule ko sa right is 4.2 x 2.5cm po and solid nodule sa left is 2.0 x 1.8 po… Anu po kaya ang dapat ko gawin? Wala po kasi ibinigay sakin na gamot yung doktor ko… Ipinayo po nya na magpaRAI ako kaya lang po, hindi ko po kasi alam kung magkano yun… Saan po kaya ako pwede pumunta? Sana po masagot nyo tanong ko… Salamat po.

    • 77

      Please discuss RAI po with your doctor. Ang RAI po ay for thyroid cancer or toxic goiter. Kung toxic goiter po mataas ang Ft4, FT3 at mababa ang TSH, pero sabi po ninyo normal po ang sa inyo.

  35. 78

    Doc, naoperahan na aq ng total tyroidectome year 2009, levothyroxine ang maintainance q na gmot..ngpatest aq ng t4, at tsh, normal un t4 results q, pero mataas un tsh q, enadjust un iniinom q na gmot 100mcg to 125 mcg levothyroxine..Doc tama ba un levothyroxine na iniinom q,pra bumaba tsh q po..Salamat po

    • 79

      Only your doctor can say kung tama po yan. Malalaman po niya kapag nagfollow up po kayo with repeat TSH.

  36. Christine Clemente
    80

    yes po normal naman po… TSH ko po is 0.825 reference po is 0.4-4.0… FT4 ko po is 19.46 reference po is 10.0-25.0… FT3 ko po is 5.37 reference po is 2.3-6.3… Pano po ba malalaman kung thyroid cancer na po yung sakit ko? Sabi po kasi nung doctor sa 2nd opinion ko po normal naman daw po kaya wala naman daw po ako dapat ipag-alala… Kaya lang po parang lumalaki pa po kasi yung nasa leeg ko.

  37. 81

    magkano po.ung rai.at san po may ganun o sa atin..ung malapit lang sa mindoro.tnx po

  38. 82

    Hi doc, mataas po ang tsh ko, hypothyroidism dw po un sabi ng doctor ko, non toxic po ba un or toxic, operahin po ba un? Paloob po ba un or palabas. Confused po kc ako kung goiter ba ung hypothyroidism. Eltroxin 100mcg po ang iniinom ko.

    • 83

      Kung mataas po ang T3, T4 at mababa ang TSH at may goiter, toxic goiter po. Kung mababa ang T3, T4 at mataas ang TSH at may goiter, yun po ang hypothyroid.

      • Christine Mallari Basas
        84

        Hi dok!ask ko lng po may nodules po ako at mtagal nmn lumaki…sumasabay sa paglunok ko..ito po ba ung tinatawag n goiter sa loob?bgo lng po magppalab..e..saka mnsan po prang may na stuck na fud sa lalamunan then mya mya nwawala dn…tnx po.

        • 85

          Yung goiter sa loob na sinasabi ng matatanda ay yung toxic goiter po – hindi gaanong kalakihan ang goiter pero lumuluwa ang mata. Sa hormone tests po malalaman kung toxic goiter po. Magpatingin po kayo sa doktor para marequest po ito.

  39. 86

    Hi doktora, cancerous po ba ang goiter? Sabi po kais ng doctor ng mother ko, kelangan na daw pong operahan agad ang mother ko without giving any medication. She described the size of her right nodule na may cyst na kasing size ng itlog ng pugo. She advised us to prepare 120k for the operation but sa PGH sya gagawin. Please help us to decide if kelangan ko pa ng 2nd opinion from other doctors and what hospital could possibly help us na mapababa yung expenses for the operation. I’m hoping for your reply Dra.

    Thanks and God Bless!

    • 87

      The only way po malaman kung cancerous ang bukol is through fine needle biopsy po. Puwede pong magrecommend ng surgery right away kung may suspicious signs of cancer sa ultrasound.

  40. 88

    Hi Po doc’may bukol Po Ako sa leeg Hindi ko Po Alam Kong ano Ito pero para lading toxic Ito ehh nararamdaman ko Po hindi Po Ako naKa pay Pa check up sa doctor Kasi Po Wala Po kaming Pera, dok sana Po may magmagandang loob Po Na tulungan Ako, Marami Pa Po Kasi akong pangarap sa Buhay at gusto ko pa po tulungan Ang mga Magulang ko Na iahon sa kahirapan,kong may makakabasa po nito sana Po matulungan nyo Po Ako ….GOD BLESS PO

    • 89

      Puwede po kayong magpatingin sa Philippine General Hospital Thyroid Clinic tuwing Miyerkules ng hapon o Huwebes ng umaga, Rm 215-216. Ang mga doktor po dito ay mga estudyante ko.

  41. 90

    helo po doc.. meron po akong hypertyroid.. almost 2yrs na po akong umiinom ng tapdin at inderal … gumagaan naman yung pakiramdam ko pag nkaka inom ng gamot.. pro ngaun doc. feeling ko lumaki ung leeg ko tyaka.. nahihirapan akong maka tulog sa gabe tyaka.. lagi akong nagugutom wala na bang ibang gamot.. na mabilis maka lunas ng tyroid.. mdyo nakakasagabal na kasi sakin doc. anu po ba yung mga dapat kung kainin na pagkain kasi lagi na lng akong kumakain ng isda tyaka.. tinapay lang lagi ang snack ko..tyaka nahihirapan po ako sa tuwing umaalis ako mg isa .. mabilis po akong kabahan.. doc pls. tulungan mo nman ako d pa kc ako nakakablik sa doctor ko kasi malayo po.eh …

    • 91

      Dapat po sana ay every 3 months ang follow up sa doktor kung may hyperthyroidism para ma-adjust ang dosage ng gamot. Kasi po kung hindi na tama ang dose ay puwedeng lumaki ang goiter. Puwede pong ipatunaw ang thyroid sa pamamagitan ng RAI. Dapat po low iodine diet so bawal ang seafoods. Ang puwede lang po sana na isda ay tilapia at bangus dahil freshwater po ito o galing sa tabang.

  42. jerryvee romero
    92

    dok kamusta po may hypertyroidism ako..umiinom po ako ng carbimazole and proparonol tanung ko lang po pwede b ako mapagod ng husto kasi sa trabaho ko..lagi akong pawis..pang 5 days ko plng umiinom ng gamot…may pagbabago naman po sa katawan ko medyo relax nko pero minsan sa hapon kumakabog pdin yung dibdib ko

    • 93

      Mabilis po usually ang heart rate ng may hyperthyroidism, kahit na nakaupo lamang kaya madaling mahapo o kumabog ang dibdib. Pero kung umiinom ng gamot ay unti-unti itong nagiging normal. Pakiramdaman po ninyo ang inyong sarili kung hanggang saan ang kaya nang hindi nahahapo o hinihingal.

  43. 94

    hello doc. Good evening . 3rd day ko na po today taking RAI . pde ko po bang malaman yung mga symtoms and mga pampalasa na bawal bukod po sa iodize salt . wla nman po akong problem sa seafoods kse po alergic ako . hndi ko po ksi makain ang pagkain ko dhil po wala akong panlasa . and pde din po ba ko ng mga fried foods ?
    Thankyou po

    • 95

      Nawawalan po ng panlasa dahil dumadaan din sa salivary glands (glands na gumagawa ng laway) ang RAI. Panandalian lang po ito at babalik din po ang panlasa ninyo.

  44. 96

    Hi dok
    Sna. Po matutulungan nyo poh ako
    May toxic goiter po ang magpapa radioactive na po ako kaso po nalaman ko po na 2weeks pregnant po ako.last year po kc namatay po kc baby q nung pinanganak ko.sv po ng doktor na Bbawal akong mabuntis mamatay na daw po ako.kawawa po ang mga anak. Ko.ano po kya pwedeng gawin ko …thanks po.

  45. 100

    doc ano po bang kaylangan kong inumin may thyroid goiter po ako tapos buntis pa po .

    • 101

      Depende po kasi kung anong klaseng goiter mayroon kayo at kung normal o hindi ang thyroid hormones ninyo. Sana po magpakonsulta kayo sa doktor para malaman.

  46. 102

    helo doc.. salamat po sa pg reply sa message aq.. heto na naman po ako.. humihingi uli ng payo sa inyo. na sana po ay matulungan nu po ako medyo nahihirapan na kc ako hndi ko po makain ang mga pagkain na gusto ko. almost 2yrs na yrs na po akong umiinom nh tapdin methimazole 20mg. sa unang check up ko po everyday po akong umiinom num, then 2nd check up is 5times a week then 3rd check up 4times a week, then ngaun 3times a week na lng.. pro gnun pa dn ung gamot ko. then i feel po na minsan prang nawawal po ung panlasa ko, tyaka plagi po akong nagugutom mabilis pong prang mag co colapse po aq kpag d ako nkakain agad. khit nman kakakain ko lng. tyaka minsan doc sumasakit ung lalamunan ko.. anu po ba ung prutas at gulay na bawal po sa may hypertyroid? bawal dn po ba ung mangga doc? tyaka.. kapag natutulog aq kung gbe doc. pgka gising ko mga midnyt. nanginginig po ung kalamnan ko. ang hirap pong ipaliwanag doc. tulungan nu po ako doc. sobrang hrap na kc eh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.