Think before you sip!

By in Diabetes on September 10, 2015

Ang isang 12 oz na regular softdrink ay may siyam na kutsarita ng asukal! Ito ay katumbas ng 140 calories. Alam mo ba na ang isang tasa ng kanin ay 200 calories kaya higit sa kalahating tasa ng kanin ang katumbas ng isang 12 oz na regular softdrink.

Sinasabi na dapat magbawas ng 500 calories sa kinakain bawat araw para pumayat ng 2 pounds o halos isang kilo bawat linggo. Umiinom ka ba ng regular softdrink araw araw? Ilang bote o can araw araw? Kung umiinom ka ng tatlong 12 oz na softdrink, halimbawa sa bawat kain sa almusal, tanghalian at hapunan – ito ay aabot din sa 420 calories (140 x 3). Kung hindi ka na iinom ng softdrink at konting bawas pa sa pagkain para umabot sa 500 calories, aba dun pa lang ay papayat ka na!

Kung hindi ka naman mataba, maiintindihan mo na kung bakit ang labis na pag-inom ng regular softdrink ay maaaring makataba dahil ang bawat 12 oz na iinomin ay parang dagdag na 2/3 cup ng kanin.

Kaya nga, THINK BEFORE YOU SIP!

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.