Pusong Babae

By in Uncategorized on September 3, 2015

Ang mga kababaihan ay puwede ring atakihin sa puso! Ayon sa www.goredforwomen.org, may limang maling paniniwala ang mga kababaihan tungkol sa sakit sa puso.

  1. Ang sakit sa puso ay para sa mga kalalakihan at ang kanser para sa mga kababaihan. Mas nakakamatay pa rinĀ  ang sakit sa puso sa mga babae kumpara sa kanser.
  2. Ang sakit sa puso ay para sa matatanda lamang. Puwedeng magkaroon ng sakit sa puso sa kahit anong edad ang mga babae lalo na kung naninigarilyo o kulang sa ehersisyo.
  3. Hindi nagkakasakit sa puso ang babaeng payat o nag-eehersisyo. Puwedeng payat pero mataas ang cholesterol. Puwedeng mabarahan ang mga ugat ng puso kung mataas ang cholesterol. Magtanong sa doktor kung dapat nang magpa-check ng cholesterol. Puwede ring nag-eehersisyo pero naninigarilyo naman. Ang paninigarilyo ay nakakasama sa puso.
  4. Wala akong nararamdaman kaya wala akong sakit sa puso. Karamihan ng mga babaeng namamatay sa sakit sa puso ay walang sintomas bago inatake sa puso. Minsan ang maaaring sintomas lamang ng sakit sa puso ay panandaliang pagsikip ng dibdib o hinahabol ang hininga, parang masusuka, pananakit ng likod o panga. Puwede ring madaling mapagod, nahihilo o parang magaan ang ulo. May mga kababaihan din sa aking clinic na hindi nila pinapansin ang mga sintomas dahil sila ay lubhang matiisin. Minsan din nararamdaman ang pagsikip ng dibdib kung nagalit o napagod kaya ipinagwawalang bahala ito dahil akala ay normal lamang ito.
  5. May lahi kami ng sakit sa puso kaya walang magagawa tungkol dito. Marami pa ring puwedeng gawin para mapababa ang risk o peligro ng pagkakaroon ng sakit sa puso kahit na nasa lahi na ito. Ang wastong pagkain, pag-eehersisyo at regular na check-up sa doktor ay malaki ang puwedeng itulong para mabawasan ang posibilidad ng atake sa puso.

Huwag bale walain kung may nararamdaman. Ingatan natin ang ating puso!

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.