Kilalanin natin ang Metformin

By in Diabetes on August 31, 2015

Ang Metformin ay gamot para sa diabetes. Nirereseta din ito sa mga babaeng may polycystic ovary syndrome (PCOS).

Ang Metformin ay available bilang tableta at XR o extended release na tableta. Kailangan ng reseta para makabili ng Metformin. Puwedeng uminom ng Metformin ang buntis o nagpapasuso basta ginagabayan ng doktor. Hindi nakakababa ng asukal sa dugo ang Metformin sa Type 1 diabetes kung saan ang gamot ay insulin dapat. Hindi nakakasira ng bato ang Metformin pero bawal itong inumin ng taong may problema na sa bato.

Kailangang may laman ang tiyan kapag umiinom ng Metformin para maiwasan ang mga posibleng side effects nito sa mga unang linggo ng pag-inom ng gamot, tulad ng pagsakit ng tiyan, hangin sa tiyan o paglambot ng dumi. Puwede ring mawalan ng ganang kumain kapag umiinom ng Metformin. Ito ang dahilan kung kaya may mga umiinom nito para magpapayat. Ito ay hindi ko minumungkahi dahil puwedeng bumagsak ang asukal sa dugo at mahilo o mahimatay ang taong walang diabetes na iinom ng Metformin.

Kung ang Metformin na iniinom ninyo ay yung XR o extended release, dapat ay lunukin ito nang buo gamit ang isang baso ng tubig. Huwag itong durugin, nguyain o putulin para hindi mawalan ng bisa ang pagiging extended release nito. Ang extended release ibig sabihin, dahan dahan ang labas ng gamot mula sa tableta. Kadalasan itong nirereseta sa mga taong sumasakit ang tiyan sa Metformin na hindi XR.

Maraming brands ng Metformin na puwedeng bilhin. May generic na rin ang Metformin. Kung ano mang brand ang iniinom, sana ay parating yun ang inumin dahil puwedeng mag-iba ang bisa o epekto nito kung papalit-palit. Ipagbigay alam din sa doktor kung iba ang brand na nabili o iniinom sa nireseta niya.

Iba-iba ang dosage na puwedeng ireseta ng doktor para sa Metformin dahil depende ito sa taas ng asukal sa dugo at sa mga iba pang sakit ng pasyente. Huwag magpalit ng dosage nang hindi nagpapa-alam sa doktor. Huwag ring gayahin ang dosage na para sa ibang tao.

Kung makalimutan ang pag-inom ng gamot, ay inumin kaagad  kapag naalala. Pero kung malapit na ang susunod na pag-inom ng gamot ay hintayin na lamang ito. Huwag mag-doble ng pag-inom ng gamot.

Ang dye na ginagamit para sa CT scan o X-ray ay puwedeng makaapekto sa bato (kidney) kung umiinom ng Metformin. Ipagbigay alam ito sa doktor kung kailangang magpa CT scan o X-ray na gagamit ng dye. Kadalasan ay pinapahinto muna ang Metformin at pinapainom muli makatapos ang 48 hours kung wala namang problema sa pag-ihi.

Magpaalam sa doktor kung may balak uminom ng alak o beer habang naka-Metformin. Puwede kasing sumobrang baba ang asukal sa dugo nang dahil sa alcohol.

 

 

 

 

 

 

 

Share

12 thoughts on “Kilalanin natin ang Metformin

  1. 1

    Dok, Tanung ko Lang po month of August po Hindi ako uminom nang pills para Sana malaman ko Kung magreregular na period ko then this first week of September nagkaroon po ako nang period ngayon Pero Hindi po ako uminom nang pills. Ano po Ibig sabihin nun Dok? Wala nakong PCOS? Or maayos na Ang pangigitlog ko? May posibilidad po ba na mag ka anak nako Dok? Thank you Dok.

    • 2

      Mahirap po masabi kasi i monitor kung tuloy tuloy na po ang regla ninyo nang walang pills. Tapos po puwede kasing anovulatory cycle. Ibig sabihin nagregla pero walang ovulation o walang itlog. Sana po mag follow up po kayo sa doktor.

  2. 3

    Dra. Bru, tanong ko lang po.
    Year 2008 po nagpapa check up po ako sa OB GYNE kc po irregular ang menstrual period ko since i was teen po until now, 9 years na po akong kasal pero di pa po ako nagkaka-baby.. Na-diagnose po ako with Polycystic Ovaries.That year po niresetahan po ako ng Metformin 500mg 3x a day ng OB ko.. Ang tanong ko po doc, since 2008 di na po ako bumalik sa doctor and ang pag inom ko ng Metformin on and off po.. Hindi po ba masama un doc na mag-take ng Metformin kahit matagal na po akong di nag papa check-up sa OB GYNE? At kung may maipapayo po sana kayo sa health issue ko po doc kung paano ako magkaka-regular menstrual cycle at magka-baby na din.. Salamat po doc, I’m looking forward for your advice.. Thanks in advance po doc

    • 4

      Kung iinom ng Metformin ay dapat po under the supervision ng doktor sana para po malaman kung effective po ito sa inyo. Yun po kasi ang magagawa ng regular follow up sa doktor, yung masubaybayan ang kondisyon ninyo. Marami po kasing puwedeng gamot sa PCOS. Kung hindi po nagre-respond sa isa ay papalitan ng iba kaya dapat po sana ay makahanap kayo ng isang OB-Gyn na reproductive endocrinology ang specialty.

  3. Jenny Rose Valentin
    5

    Dok ask ko niresitahan kasi ako metformin dahil may diabites ako 500mg umaga at gabi bago kumain two weeks hininto ko kasi nangangatog tuhod ko po. may mas mababa paba dosage?

    • 6

      Subukan ninyo pong inumin pagkatapos kumain. Follow up din po kayo sa doctor para ma-adjust ang dose, puwede po kasing once a day pero dapat i-monitor ang blood sugar ninyo.

  4. 7

    hello po,ngtatake po aq ng metformin kc po my pcos po aq nka 1 box n po aq kso po sobra n po ung pg dumi q at mnsan,nhi2lo at ngsu2ka na po aq,normal lng po b un?

    • 8

      Side effect po ng metformin ang malambot na dumi. Please ask your doctor kung puwedeng ilipat sa XR formulation ang Metformin ninyo para maibsan ito. Kung nahihilo po ay puwedeng sobrang bumabagsak ang blood sugar ninyo. Please inform your doctor din po at baka i-adjust po niya ang dosage ninyo.

  5. paula jane averilla
    9

    Doc bru, magkaiba po b ang pcos at polycystic bilateral ovaries? O iisa lang po? Kasi un ung nakalagay s result ng ultrasound q, nagpaexamine po kasi aq s ovary meh pagkapolycystic daw po aq. pinagtake po aq ni dra. Ng metformin, folic acid, centrum silver at vitamin e. kxo tinigil q na po ung metformin xa loob ng 1month, pero 3months po kc nereseta xaken inuman. Ung iba.meds. 1 month lang. Pwede q pa po b continue pag take metformin, neto lang po ung jan aq nagtake metformin. Isasabay q n din ang folic acid, kasi hanggang ngaun d p dn aq magkababy at natatakot aq sa polycystic bka maging xanhi ng d q pagkaroon ng anak, pero normal n normal ang regla q.buwan-buwan meron po.plz answer it. Dok bru.?

    • 10

      Yung PCOS po kasi ay 2 out of 3 criteria: polycystic ovaries sa ultrasound, irregular menstruation at mataas na testosterone level. Yung sa gamot po, the doctor will observe response po kasi kaya siya ang makakapagsabi kung tuloy pa po o ititigil na.

  6. Ma Victoria Diva
    11

    Hi! Dok ask ko lang po sana kung normal lang po ba yung dumi ako ng dumi taz basa pa po yung dumi ko pag nag tatake na po ako ng metformin mga 5x po ako nag dudumi araw aRaw? Taz maam pwd po ba ako mag palit ng pills yung nriseta po kc sakn ng doktor ko althea masyado po kcng mahal… thank you po god bless

    • 12

      Known side effect po ng metformin ang paglambot ng dumi. Ask you doctor po kung puwedeng extended release na metformin or palitan na lang talaga ng ibang gamot.

Leave a Reply to MK Ortiz Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.