
Paano ginagamot ang thyroid nodule?
Ang thyroid nodule ay bukol sa thyroid. Malimit na tanong ng pasyente, “Kailangan po bang operahan ang thyroid nodule ko?”
Depende sa kung anong klaseng bukol sa thyroid ang gamutan na gagawin. Tanungin ang inyong doktor kung ang bukol ninyo sa thyroid ay benign, toxic o kanser.
1. Mga bukol na benign (hindi kanser)
Sa isang fine needle aspiration biopsy (FNAB) ng thyroid nalalaman kung ang bukol ay cancerous o benign. Sa biopsy, tinutusok ang bukol para makakakuha ng konting laman (cells) at sinusuri ito ng pathologist sa ilalim ng microscope para masabi kung ito ba ay kanser o hindi.
Kung benign o hindi kanser ang bukol, ito ang mga puwedeng gawin:
a. I-observe lamang ang bukol. Walang gamot na ibibigay. Watchful waiting din ang tawag dito kung saan dapat mag-follow up sa doktor kada ilang buwan para bantayan kung lumalaki o nag-iiba ang hitsura ng bukol. Kung may pagbabago sa bukol, puwedeng ulitin ang biopsy. Kung hindi lumalaki ang bukol o nag-iibang anyo, puwedeng wala nang iba pang kailangang gawin kundi ang regular na follow-up sa doktor.
b. Thyroid hormone suppression therapy. Nagbibigay ng l-thyroxine para pababain ang TSH (thyroid stimulating hormone) para sana ay lumiit ang bukol. Hindi lahat ng bukol ay lumiliit sa thyroxine. Magtanong sa doktor kung puwede ba ang gamot na ito sa inyo dahil hindi ito puwedeng inumin ng walang reseta ng doktor. Ang mga pasyenteng umiinom ng l-thyroxine ay kailangang magfollow-up nang regular sa doktor dahil kailangang subaybayan ang TSH. Puwede kasing mag-palpitations (kumakabog ang dibdib) o hingalin kung sobra ang gamot at sumobrang bagsak ang TSH.
c. Surgery. Kahit hindi kanser, minsan ay kailangang operahan ang bukol sa thyroid kung ito ay malaki na at nakakasagabal sa paglunok o paghinga. May mga bukol din na suspicious sa needle biopsy (hindi tiyak na hindi kanser) kaya kailangan pa ring operahan para matanggal at makasigurado. Magtanong sa doktor tungkol sa gagawin na operasyon at kung ano ang mga posibleng komplikasyon.
2. Mga bukol na naglalabas ng dagdag na thyroid hormone (HYPERthyroid o TOXIC)
a. Radioactive iodine (RAI). Ang radioactive iodine ay puwedeng likido o capsule. Ito ay iniinom sa ospital dahil may laman itong radiation. Tinutunaw nito ang bukol dahan dahan sa loob ng tatlong buwan. Hindi ito puwede sa mga babaeng buntis o nagpapasuso ng sanggol.
b. Gamot na pampababa ng thyroid hormone tulad ng PTU, methimazole, carbimazole o thiamazole. Magtanong sa doktor tungkol sa side effects ng mga gamot dahil karaniwang pangmatagalan ang pag-inom ng gamot.
c. Thyroidectomy. Kung hindi akma para sa iyo ang gamot o radioactive iodine ay puwedeng i-mungkahi ng doktor ang operasyon para tanggalin ang bukol. Magtanong sa doktor tungkol sa gagawin na operasyon at kung ano ang mga posibleng komplikasyon.
3. Mga bukol na may kanser
Thyroidectomy o ang operasyon para matanggal ang thyroid lamang ang puwedeng gawin sa mga cancerous na bukol sa thyroid. Pagkatapos ng operasyon ay kailangan ng follow up para malaman kung kailangan din ng radioactive iodine (RAI) para tunawin ang mga kumalat na kanser sa ibang parte ng katawan. Dahil tatanggalin ang buong thyroid ay kailangan uminom ng kapalit ng thyroid hormone (levo-thyroxine tablets) habang buhay. Magtanong sa doktor tungkol sa gagawin na operasyon at kung ano ang mga posibleng komplikasyon.
Doc ask ko lang po ano po bang dapat kainin o inumin na gamot para bumaba ang sugar?
Use the plate method po. http://www.dokbru.endocrine-witch.net/2015/07/22/paano-magpapayat-gamit-ang-plate-method/
Dok ang sugar ko po ay 231 tama bang 3times a day ang inom ko ng metformin?
Depende po yan sa inyong doktor at kung gaano kayo kasigasig mag-diet at exercise.
Dok mejo ngapo mlki leeg ko ung tma lng , eh noon po kc nmn npncn ito ng tita ko n prng mlki ung bndng kbila eh lage ko nmn po kinpa bkit wla nmn po bukol s plgy ko hndi kha s mtba lng ako
Puwede ninyo pong ipakapa sa doktor para malaman kung may bukol talaga or magpagawa ng neck ultrasound.
Nu po bng doctor ako lalapit salamat po , at nkakamatay po b un
Maghanap po ng endocrinologist. Hindi naman po kung hindi naman ito thyroid cancer.
Doc ,same lang pu ba yung thyroid lobe with complex nodule at thyroid nodule?
Yes, yung complex means yung nodule (bukol) ay may part na solid at liquid.
Gud evening dok, itatanung ko lang po sana kung magpaparadioactive po ba ako magkakaanak pa po kaya ako?
Opo, hindi po totoo na hindi na magkakaanak kung mag RAI. Kailangan lang po maghintay ng one year bago mabuntis o kung sa lalaki, mangbuntis, after ng RAI.
doc nkakamatay po ba ang papillary thyroid carcinoma kung maagapan ?
Hindi po agresibong kanser ang papillary thyroid carcinoma. Tanungin po ninyo sa doktor ang stage ninyo at masasabi po niya ang survival rate.
good am po doc bru..tanong ko lng sana kung hindi ba mapanganib ang isang toxic goiter ooperahan? 1cm po ang size nya..yung operation po gagawin skn ay thyroidectomy dw doc…..naka skedule na po operasyon ko ngayung 1st week ng april..malaki na kasi yung mata ko doc ang dalawa kaya ipapatanggal ko nalang ito
.wla po akonh bayad kasi sa midecal mission po ako..sana masasgot nyu po katunungan ko bago ako maooperahan.