May thyroid nodule ka ba?

By in Goiter (Bosyo) on August 12, 2015

“Dok, may thyroid po ba ako?” Karaniwang tanong iyan ng mga pasyente.

Lahat ng tao ay may thyroid. Kapag lumaki ang thyroid, ang tawag dito ay bosyo. Kung ang thyroid ay may bukol, ito ang tinatawag na thyroid nodule.

Ang thyroid ay kahugis ng paruparo (butterfly). Sa ultrasound ng thyroid makikita ang salitang “lobe.” Ang thyroid ay may dalawang lobes, kanan at kaliwa (tulad ng pakpak ng paruparo).

Thyroide

Sa thyroid ultrasound makikita kung ang bukol sa thyroid (thyroid nodule) ay solid (laman talaga), cyst (tubig ang laman ng bukol) o complex (magkahalong laman at tubig). Maliit ang tsansa na cancerous ang mga bukol sa thyroid. Lima sa bawat isang daan na thyroid nodules lamang o 5% ang thyroid cancer. Lagi kong sinasabi sa mga pasyente, hindi ko alam kung kasama ka dun sa 95% na hindi kanser o dun sa 5% na may kanser kaya minsan ay kailangan ng fine needle aspiration biopsy (FNAB) para makasiguro.

Karamihan ng mga thyroid nodule ay hindi nakakasama at wala ring sintomas na nararamdaman. Kung sobrang laki ng bukol sa thyroid ay puwedeng makaramdam ng hirap sa paglunok o paghinga. May ilang thyroid nodule na naglalabas ng sobrang thyroid hormone kaya ang pasyente ay nakakaramdam ng sintomas ng HYPERthyroidisim tulad ng:

1. Di mapaliwanag na pagpayat

2. Madaling mainitan o pawisin

3. Nanginginig ang mga kamay o katawan

4. Kinakabahan o pagkabog ng dibdib (palpitations)

5. Hindi regular na pagtibok ng puso

Anong mga tests ang maaaring gawin ng doktor para sa thyroid nodule?

1. Thyroid function test (T3, T4 at TSH). Ito ay blood test.

2. Thyroid ultrasound para malaman kung ang bukol ay solid, cyst o complex. Sa ultrasound din makikita kung may “suspicious features” ang bukol, na nagpapahiwatig na baka kanser ito. Sa pamamagitan ng ultrasound ay malalaman din kung may iba pang mga bukol sa thyroid dahil minsan may maliliit na bukol na hindi nakakapa sa leeg at nakikita lamang sa ultrasound.

Depende sa resulta ng mga tests na ito, minsan ay nagpapagawa din ang doktor ng mga dagdag na test tulad ng:

1. Fine needle aspiration biopsy. Tinutusok ng maliit na karayom ang bukol para makakuha ng konting laman na puwedeng eksaminin para malaman kung ito ay kanser o benign (hindi kanser).

2. Thyroid scan. May iniiniksyon sa pasyente para mas makita ang thyroid gamit ang isang gamma camera na kumukuha ng larawan kahawig ng isang x-ray.

Magpatingin sa doktor kung may nakakapang bukol sa leeg. Kung ang bukol na nakakapa sa leeg ay umaakyat baba kapag lumulunok, malamang na ang bukol na ito ay nasa loob ng thyroid ( thyroid nodule).

 

 

Share

42 thoughts on “May thyroid nodule ka ba?

  1. Rodel Santillana
    1

    Ano po maganda inumin na gamot po para mawala po yung nodule ….
    ung mga sintomas ng HYPERthyroidisim ay nararanasan ko din po…

    • 2

      Kung hyperthyroid po at may nodule, please ask your doctor kung puwede po ang radioactive iodine sa inyo.

  2. 3

    Hi po…ngkaroon po ako ng bukol s thyroid 2 months after kong ipinanganak ang 2nd son ko…kasinglaki po sya ng itlog ng pugo, nong ngpcheck up po ako, pina-lab test po ako ng t3, etc….normal nmn po lhat…ng-undergo din po ako ng thyroid scan pra I determine ang laki pati po biopsy at lumabas nmn pong single lng yung nodule at benign p…inisched po ako ng operation January of next yr kso d po natuloy kc ngbuntis po uli ako s 3rd child ko…npansin ko po n hbang lumalaki ang tiyan ko ay sya nmng liit ng nodules (less than 1 cm)…15 yrs old n po ang 3rd child ko ng mkpa ko n naging dalawa n po ang nodules ko (pareho pong maliit lang)…ano po ang maia-advice nyo skin regarding my medical condition? Possible po bng mgkaroon ito ng health complications…my times po kc ako n nauubo at kinakapos ng hininga (bihira lng nmn po), related po kya in s nodules ko?

    • 4

      Kung benign po yung thyroid nodule ay kailangan lang po ng regular monitoring every 4-6 months with your doctor para ma-monitor yung size nito.

  3. Fhatz Jimenez
    5

    Hello po doc. May mairerekomenda po ba kayo sa akin na magaling na endocrinologist? Salamat po.

  4. ruth may anglo
    7

    doc. ok lng po ba uminom ako ng glutathione pag nasa low iodine diet ako? ii RAI po kasi ako this month. thank you. 🙂

    • 8

      Di pa po tuluyang alam ang effect ng glutathione sa thyroid. Please inform your doctor na umiinom po kayo ng glutathione.

  5. 9

    Doc tanong ko lng po sana. kasi meron nag stuck sa lalamunan ko ist ung crab then ngayon naman fishbone pero ok naman po ako may tendency po ba na lalaki ung lalamunan ko?..mahal po kasi mag pa ct scan.

  6. 11

    Gud morning dok. Ask ko lng po magkano po ba operasyon ng my thyroid nodule pag sa public hospital???

  7. 13

    doc tanung ko lang po kung anu anu talaga mga side effect ng total thyroidectomy kc hnd naman masyado pinaliwanag ng doctor ko

    • 14

      Kapag total po ay tatanggalin ang buong thyroid kaya kailangan na po kayong uminom ng levothyroxine habang buhay. Ang levothyroxine po ay thyroid hormone.

    • 15

      doc tanung lang po ako ulit kc total thyroidectomy po ako anu mga nararamdaman pag ganun po kc na tinangal lahat ng thyroid ko kc po sabi lang manghihina ako anu pa po yung ibang effecto pag wala ng thyroid ang isang tao

  8. 16

    Doc tumaas po ft4 ko ngyon need ko na daw mag rai anu po ang maging epekto sa akin yun??1 yr ako nag takr ng methimazole naka schedule po ako sa katapusan para sa rai..

  9. Maria Niña Reyes
    18

    Doc.meron po akong thyroid nodule sanhi daw ng nirereduced ng body ko ko ang auto anti bodies kaya nangyayaring may inflamation sa thyroid ko three months na po ang ito ang ibinigay sa akin gamot ay only brufen less pain pero may bukol parin.nakapag ultrasound narin ako at solid daw ang ang bukol sa leeg ko. Ito na po ba ang pinaka mainam na paraan para sa bukol sa leeg ko.

  10. buboyamparado
    20

    doc tanung lang po ako ulit kc total thyroidectomy po ako anu mga nararamdaman pag ganun po kc na tinangal lahat ng thyroid ko kc po sabi lang manghihina ako anu pa po yung ibang effecto pag wala ng thyroid ang isang tao

  11. 21

    Dok yun husband ko lumabas po sa thyroid ultrasound nya is Parenchymal disease,bilateral yun both lobes nya is nasa 5.3 at 5.5 sobrang laki n ba nun? sobra ng pagkapayat ng husband ko

    • 22

      Kung payat po ay baka hyperthyroid. Magpatingin po sa endocrinologist, sana po macheck ang T4, TSH sa dugo.

  12. 23

    doc tanong ko lang.. kagagaling ko lang ng hypokalemia and cause daw nun is sa tyroid ko. lumabas sa examination thyroid func test ko Free T3 is 5.89, free T4 is 1.58 and TSH is 0.09 ano po kaya sakit ko? and any recommended hospital near marikina na makakapagpacheckup ako

    • 24

      Sa mga Asian na lalaki na may hyperthyroidism ay madalas din pong bumaba ang potassium. Ang tawag po dito ay thyrotoxic periodic paralysis.

  13. 25

    Good Eve Doc di ko po alam kung thyroid nodule po ung nasa mai Leeg ko medyo malaki po syang bukol?? ano pong pwedeng gawin?? salamat po 😀

    • 26

      Kung bukol po na nasa loob ng thyroid kapag lumunok po kayo ay umaakyat baba din ang bukol. Puwede ninyo pong tingnan sa salamin. Puwede rin pong magpa neck ultrasound at magpatingin sa doktor para maeksamen.

  14. 27

    doc, ano poh ang clinic sched nyo poh sa PGH? madugong pagpila din poh ba pag sa clinic magppacheck up? (kc poh alam ko pag pgh need pumila ng maaga at matagal) taga Cainta rizal po ako.. (or if u can possibly recommend a very competent doctor for my thyroid) near Cainta.. I would appreciate it so much.. tnx and God Bless

  15. 28

    Doc. Nagpa ultrasound at biopsy po ako last apr.2015 po non-toxic oo goiter ko kaso sinabi ko po kay dr.na habang maliit pa need ko na maoperahan kesa lumaki pa sabi po sa akin obserbahan lang daw po yung naobserbahan ko lumalaki na po yng right tyroid ko po, tumataba po ako kaya parang lumalaki po goiter ko kaya mas gusto kong magpapayat para di lumaki.. Doc ano po dapat kong gawin kasi po gsto ko po syang mtanggal nahihirapan po akong lumunok 🙁 magkano po ang surgery ng ganito wala po ako sa phils.po ee.. gusto ko po tlagang matanggal to doc. Advice naman po 🙂 thank you.

    • 29

      Depende po kung saang hospital at kung general surgeon o ENT po ang mag-oopera sa inyo. Puwede pong umabot ng 60 to 80k ang operasyon. Makakatulong po kung may Philhealth kayo.

  16. 30

    Isang mpagpalang araw po sa inyo dra. 10yrs ago po nag undergo ng thyroidectomy mother ko. Last yr, bumalik po goiter nya and she underwent removal of thyroid mass nitong March. Cancer daw po. She was advised to take RAI. Nag pa RAI po sya last May 30, 2016. Nka levothyroxine po sya 150mcg since then. Pinag TSH po sya this July 3, 2016. 0.577 ulU/mL po ang result. Kailangan po ba nyang mag RAI uli? Ano na po dapat na diet nya? Sana po msagot nyo po ako. Mraming salamat po

    • 31

      Ang decision po kung uulitin ang RAI ay depende kung may natira pang thyroid cancer. May monitoring pong ginagawa ang doktor for thyroid cancer: thyroglobulin, anti-thyroglobulin, neck ultrasound at minsan whole body scan.

      • 32

        Dok, thank you pi sa response. ano na pong diet nya? Mga bawal at pwedng kainin. May kailangan po ba syang iwasan or dapat na iintake pra makatuling po sa effectivity ng RAI sakanya?

      • 33

        Dok, thank you pi sa response. ano na pong diet nya? Mga bawal at pwedng kainin. May kailangan po ba syang iwasan or dapat na iintake pra makatuling po sa effectivity ng RAI sakanya? Na whole body na po sya 1month after ng RAI nya. Di naman daw po nag metastasize pero may natira pang thyroid.

  17. 34

    matagal n po tong bukol ko,Lumpkin lng po nung n nganak ako 8 years ago…since bata p po ako nakakapa ko n siya…tpos gumagalaw po paghinahawakan…cancerous pa ba ito

  18. 36

    Doc tnong q lng po ng paaspiration biopsy po aq..ang nkuha po sa akin parang liquid n prng yellowish..ok lng po b pagganon

    • 37

      Huwag pong mag-alala at hintayin na lang po ang result ng biopsy. Minsan nga po kulay brown ang colloid, yun po ang laman ng bukol na tubig.

  19. 38

    Dok, ask q lng po ano po bang alternative na management sa bukol sa thyroid maliban sa lobectomy.kasi po meron po aq bukol sa left thyroid q po tas ngpaapiration biopsy po aq at ang nging result po ay benign consistent with colloid cyst.ano po ibig sbihin at ano pong dapat gawin.

  20. 39

    Good day po dok tatanong ko lng po my bukol po akong nkapa sa right side ng leeg ko gumagalaw sya pag nhahawakan ko,dati nrin pk ako ng karoon ng hyperthyroid nung 2011 gumaling nman po sya bkit po ngaun my nkapa akonv bukol anu po ba un dok?sna po msagot nio po ako maraming slamat po

    • 40

      Marami pong puwedeng dahilan ang bukol sa leeg. Kung kapag lumunok kayo ay umaakyat baba ang bukol ay puwedeng nasa loob ito ng thyroid. Magpatingin po kayo sa doktor para malaman.

    • 41

      Dock normal po t3t4tsh ko pero parang may nka bara aa lalamunan ko no po dpt kung gawin?

      • 42

        Nasubukan na po ba ninyong magpatingin sa ENT (ear nose throat) doctor? Puwede po kasi nilang silipin ang lalamunan para makita kung may nakabara nga po.

Leave a Reply to mylay Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.