Mga Gamot Para sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)

By in Uncategorized on August 11, 2015

Ito ay para lamang sa inyong dagdag kaalaman at hindi maituturing na kapalit ng pagkonsulta sa inyong doktor. Huwag uminom ng gamot nang hindi nagpapatingin sa doktor. Mainam na magpatingin sa isang obstetrician-gynecologist (Ob-Gyn). May mga Ob-Gyn na specialists din sa reproductive endocrinology o fertility na maaring makatulong sa mga babaeng may polycystic ovary syndrome (PCOS). Ang doktor ninyo ang magsasabi kung alin ang nararapat na gamot.

Nakakatulong nang malaki ang pagbawas ng timbang sa PCOS. Kung mababawasan ang timbang ng 5-10% ay puwedeng maging regular ang regla nang walang ibang gamot.

Ang mga gamot na binibigay sa PCOS ay depende sa sintomas ng sakit.

1. Hindi regular ang regla

Ang oral contraceptive pills (magkasamang estrogen at progestin) ay binibigay para maging regular ang regla ng babaeng may PCOS. Kapag nagreregla buwan buwan ang babaeng may PCOS ay hindi kumakapal ang lining ng matres at nakakatulong maiwasan ang kanser sa lining ng matres (endometrial cancer). Ang pag-inom ng contraceptive pills ay makakatulong din sa taghiyawat at sobrang buhok (bigote o sa dibdib at ibang parte ng katawan). Hindi rin mabubuntis habang umiinom ng pills.

Bago magbigay ng pills, ineeksamen ng doktor ang babae para masigurong hindi ito buntis. Kung anim na linggo na o higit na hindi nagkakaregla ang babae, minsan ay nagbibigay muna ng gamot (tulad ng Provera) para magregla bago simulan ang pills.

May mga kababaihan na hindi naman nababagay sa oral contraceptive pills na may magkasamang estrogen at progestin. Ang alternatibong reseta ng doktor dito ay progesterone (tulad ng Provera).  Ito ay iniinom sa sampu hanggang labing-apat na araw kada isa hanggang tatlong buwan. Nakakatulong ito para magkaregla ang babae para maiwasan ang kanser sa lining ng matres (endometrial cancer) pero walang epekto ito sa taghiyawat at sobrang buhok. Puwede ring mabuntis kung ito ang iniinom na gamot.

Karaniwang may insulin resistance (hindi gumagana nang mabuti ang insulin sa katawan) ang mga babaeng may PCOS kaya nagiging overweight o nagkakaroon ng diabetes. Nakakatulong ang gamot na Metformin dito at maaari ding maging regular ang regla sa pag-inom nito.

2. Hindi mabuntis

Sa PCOS ay hindi nahihinog ang itlog sa obaryo kaya walang tinatawag na ovulation o ang paglabas ng itlog sa obaryo papunta sa matres. Ang gamot na Clomiphene ang binibigay para makatulong sa pag-ovulate. Puwede ring idagdag ng doktor ang Metformin sa Clomiphene. Kung hindi pa rin mabuntis, maaaring magrekomenda ang doctor ng gonadotropin injections.

Kailangan ng regular na follow-up sa doktor kapag umiinom ng ganitong mga gamot dahil kailangan ng regular na ultrasound ng matres at obaryo para ma-monitor ito at maiwasan ang komplikasyon.

 

 

Share

115 thoughts on “Mga Gamot Para sa Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)

  1. 1

    Hi doc..may katanungan lang po sana ako.last year na diagnosed po na may PCOS ako,pro bago po madiagnosed un,3 months po ako dinudugo(ireg po ang period ko simula ng nag trabaho ako sa call center) kaya kala ko ok lng po un dahil sanay naman po ako na ireg kaya pinabayaan ko po ung 3 months na pag dudugo.naalarma lang po ako at nagpatingin sa ob dahil ung pang 3rd moth ng pag durugo,sjmobra na po ang lakas na pakiramdam ko po ay mauubusan ako ng dugo sa lakas at geabe po ang buo buo.dun po mag decide ako magpatingin agad ako pina transvaginal ng doctor,dun po lumabas na my pcos ako,at bukod po doon,sobrang kapal na po mg lining ng matres ko at nsa result din po nakalagay na rinerefer na po ako sa endocrinologist.pero ang ginawa po ng ob ko is pinainom ako ng provera at ipinaliwanag ang pcos at ung tungkol sa kapal ng lining ng matresko.nabahala po ako dahil sabi po sa akin,kelngan daw po ako raspahin dahil sa kapal nito.pro neg refuse din po ung ob ko gwn ung procedure na un dhl daw po wla pa po akong amak at asawa.kya,provera at after ng provera,althea pills lng po ang iniinom ko.ang tanong ko lng po doc,posible po ba na normal na ang matres ko dahil 1 year mhgit ndn po mula ng ngng ok ang period ko dahil sa pills?kung hindi po,ano po ba ang maipapayo nyo na gawin ko doc?nag babasa basa po kc ako,high risk dw po sa endometrial cancer ang gmitong case.by d way po doc,26 years old po ako.salamat po at sna masagot nyo po ako.Godbless

    • 2

      Kung normal na ang regla ninyo, puwede pong hindi na makapal ang lining ng inyong matres. Kasi po kumakapal lang ito kapag hindi nag-reregla.

      • 3

        Hi doc PCOS din po ako at ndi nabubuntis.ngayon mag 4 months na po akong delay nung last ultrasound ko (TVU)nkita ko po na may isang cycst sa uterus ko..dpo ba nakaka kanser yun??salamat po..

        • 4

          May iba ibang klaseng cyst po. Masasabi po sa inyo ng OB-Gyn ninyo kung anong klase ito.

          • maricel jacinto
            5

            Ako dok bru miron din po akong pcos..irigular monthly period q..at 3years na kme nang asawa q gusto na sanang mka baby pro wla parin…may pg asa bang buntis any ktulad q na may pcos doc?..salamat

          • 6

            Mas mahirap po mabuntis ang may PCOS pero huwag po mawalan ng pag-asa.

          • maricel jacinto
            7

            Noong akoy dalaga pa doc subrang payat ko at nong ng asawa na Hindi ko inakalang magiging mataba ako..isa ba sa dahilan nang pagkakaroon ko nang pcos ang katabaan ko doc? O sadyang ganito na kahit nong mapayat pa ako??

  2. jona cris guarda
    8

    dok bru nabasa ko ung article nyo about pcos and it gives a lot of information… me and my husband was ttc for almost 4 years and nagpaalaga na rin po ako sa obgyne ko for 1 year pero sad to say nothings happened and were still working out for it… san po ba clinic nyo for further inqury… thanks a lot

    • 9

      I am not an OB-GYn po kasi. Please try to consult an OB-GYN na ang specialty po ay reproductive endocrinology.

  3. 10

    Hi dok bru.. Nabasa ko po mga message nyo.may gusto lng po ako e ask. I have pcos po and were trying na mgka baby kmi ng asawa ko. Folic acid at cristane sa asawa ko bingay ng obgyn nmin but after a year wla pa dn po. Sbi nila try ko daw mag antibirth pills at stop ko daw after a month daw para mbuntis daw po.Anu po maging epekto nun e di pa po ako naka try manganak. Hnd ko pa dn po na try takot po ko.thnx po

    • 11

      Sana po magpa second opinion kayo sa Ob GYN na ang subspecialty ay reproductive endocrinology para po sa PCOS.

  4. 12

    Dokbru ako.po may concern kasi po .4 years na po ako di nag mens eh huling check up q po 2014 then na ultrasound po ako na check wala nmn daw po ako prob o wala nmn daw po bukol sa matris q posible po bang pcos po ako??

    • 13

      Yung PCOS po kasi puwede kahit wala pong cysts sa ovary kung hindi regular ang menstruation at may signs of hyperandrogenism tulad ng acne at pagiging mabalahibo. Sana po magpa- second opinion kayo sa OB GYN na ang subspecialty ay reproductive endocrinology.

  5. 14

    Doc ask k lng po sa inyo kng pwede ako inom ng metformin my pecos po ako.regular nman po regla ko.every month po meron kaya lng masakit ulo ko at puson pg ngkaroon ako.tpos may abdomenal pain po akng nramdamn lagi.ang binigay n gamot ng doctor ay ang purple corn juice po.pero d k po ito ininom pgkat mahal.mx3 capsule at tea lng po ang ininom ko mga 1 month na.pero masakit parin tiyan ko.tumataba dn ako doc.dahil wala npo ako excercise at trabaho.dalaga pa po ako.pls doc help me ano po ba dapat kng inumin para mawala ito.n stressed n po ako d2 lagi po sumasakit.

    • 15

      Sana po maghanap kayo ng OB-Gyn doctor na ang specialty ay reproductive endocrinology. Kasi po hindi lahat ng may PCOS ay pinapainom ng Metformin. Kung may ireresetang gamot ang doktor ay dapat mag follow up para malaman kung effective ito. Kapag hindi po effective ay papalitan ng doktor ang gamot.

  6. 16

    Hi doc. Ask lang po ‘ nawawala po ba ang PCOS?? O kapag po ba ininuman ng gamot na reseta ng ob-gyn maaari din po ba mawala yung mga sintomas ? Katulad po ng pagi2ng mabuhok at pagtaba ?? Thanks po.

  7. Ginalyn bandola
    18

    Doc may pcos din po me,allowed po ba sakin ang pills kahit ala pa po me asawa?db pa bawal po mgtake ng pills ang dalaga ang ala pang asawa?

    • 19

      Please consult your doctor para malaman ano po ang best option para sa inyo. Ang pills po ay puwede kahit sa dalagang may PCOS dahil para po ito mag-normal ang regla.

  8. 20

    hi dok? my concern din po ako irep. ang menstruation 6mos.hindi ako dinatnan then ngpahilot po ako kc ang alam namin ng husband ko buntis ako sbi nman ng manghihilot buntis ako, then after how many day ngbleed ako ngpacheck up ako tpos sbi nung ngpacheck upan ko hndi ako buntis. then ngayon ngmemens na rn po ako bwan bwan kso pabgo bgo ng mga dates and days ang mens ko. posible po bng my PCOS dn ako?

    • 21

      Puwede pong pabago bago ang dates ng menstruation. Mas maigi po bilangin ang pagitan ng mens kung ilang araw po. Puwede po kasing 21-35 days ang pagitan.

  9. 22

    Hi doc, i’m 14 years old po di po kasi regular yung mens ko sobrang nag alala po ako nung umabot siya ng 5 months pero di naman po ako nag woworry kasi wala naman pong gumalaw sakin pero nag karoon din po ako nun pero ngayon 2 to 3 months naman po, posible po bang may PCOS po ako?

  10. 24

    Doc magandang araw po datI na po aqu nagpatingin sa OBY. GYNE Niresetahan aqu ng OBY q ng gracial fill at provic acid para daw po yun maging regular ang dugo q. Pero d q po na tapos yung medicin.. ok na man po yun gamot kc n regla po aqu… after po nun nag punta aqu sa kuwait almost two years po aqu hindi n regla medyu tumaas din po ang timbang q ano po vahang dapat q gawi?

    • 25

      Dapat po sana magpa check up po kayo ulit. Baka makapal na po nang labis ang lining ng matres dahil 2 years nang walang regla.

  11. 26

    magandang araw po, ask lang po ang resulta po ba ng mataas na PROLACTIN ay nangangahulugang hindi magkaka anak ang isang babae? sobrang taas po ng prolactin level result q 62.77 ng/ml kumpara sa normal na 5 – 25 ng/ml., anu pu ba ang pwedeng gawin para mapababa sa normal ito? maraming salamat po at sana’y masagot ang tanong q kung meron kau pagkakataon, godbless po!

    • 27

      Mas mahirap pong magkaanak kapag mataas ang prolactin dahil hormonal imbalance po ito. Please consult your doctor dahil dapat pong alamin kung bakit mataas ang prolactin bago po magbigay ng gamot na pampababa nito.

  12. 28

    Gud evening po..doc last year nalaman kong my pcos ako..at thanks God 7mons pregnant na ako ngayon,hindi po ba makakasama sa amin ni baby gawa ng pcos?at posible na kayang natanggal na ang cyst ko?

    • 29

      Congratulations po! Hindi po makakasama sa baby ang PCOS. Dapat regular pre-natal check up lang po. Minsan po ay nagkaka-diabetes ng pagbubuntis (gestational diabetes) kapag may PCOS.

  13. 30

    Dok bru .. Ang metformin aY nakakapagbawas din po ba ng timbang (Lost weight ) .. Tenks you po

    Tsaka dok puede rin po ba mabuntis ang may polycystic . ??

    • 31

      Yung iba po ay pumapayat sa Metformin. Ang iba naman po hindi. Ang Metformin po ay gamot sa diabetes at hindi pampapayat. May mga umiinom po ng metformin at nawawalan ng gana kumain kaya pumapayat.

  14. 32

    Hi dok,ask ko LNG po kc po 4mos na po AQ Hindi nireregla at cgurado po AQ na hindi AQ buntis kc wala naman gumagalaw sa akin.dati rati Hindi naman po AQ irregular.ngayon LNG po nong naga broad AQ.ano po ba any sanhi?

    • 33

      Marami pong puwedeng dahilan ng hindi regular na regla tulad ng stress o sakit tulad ng polycystic ovary syndrome. Mas mabuti po magpatingin po kayo sa isang doktor na gynecologist.

      • 34

        Doc katulad dn ako sa kanya 4monts na aqng d niregla. Merun dn po akung non toxic goiter . Maari ko ba itong ikamatay?

        • 35

          Gud pm doc. Meron akung isang anak . Nung dalaga ako regular naman ang regla ko. Peru cmula nung nagka anak ako 3 to 4 months na aqng nireregla 22yrs old napu ako ngaun nung pnanganak ko ang bb ko 18yrs old palang ako. Mahgit 4years ng abnormal ang mens. Ko. At ngaun 2015 lang nalaman ko na meron dn pala akung non toxic goiter. Makakasama ba e2 sa akin. May posibilidad dn bang d na aq magka anak. At may posibilidad dn ba na magka cancer ako?

          • 36

            Kung nontoxic goiter po ay dapat i-monitor ng doktor ang paglaki nito – usually po ultrasound every 6 months to 1 year. Para malaman po kung cancerous ay kailangan po ng biopsy.

        • 37

          Hindi po nakakamatay ang nontoxic goiter basta hindi po ito cancerous. Biopsy po ng bukol ang kailangan para malaman ito.

  15. 38

    Dok 37 na po ako 1 yr na po kming nag sasama ng bf ko gusto k na pong mag kaanak my pcos po ako tpos yung bf ko naoperhan dahil my luslos may chance pa po ba kong mabuntis

    • 39

      Sana po ay sabay kayong magpatingin sa doktor, ikaw sa isang obstetrician-gynecologist at siya naman sa isang urologist. Kahit po naoperahan sa luslos kung ok pa naman po ang sperm count niya ay may pag-asa.

  16. 40

    hi po…my isa n ako anak 8 years old na…nag pills ako ng 2 taon nung stop naging irregular ang regla ko at tumaba ako 10 kilos..gusto ko magkaroon pa ng anak …ano ang dapat gawin at mga lunas ng ganito problema. salamat po

    • 41

      Sana po magkonsulta kayo sa isang OBSTETRICIAN-GYNECOLOGIST.

      • 42

        Hi dok bru . kailan ko LNG po nalaman na may pcos ako ng mag patingin ako sa doctor 3 buwan po kase akong di dinatnan tas nag kasakit po kase ako dun ko LNG po napag pasyahan na mag patingin sa ob gyn na ultrasound po ako at lumabas po sa resulta ng ultrasound ko na may pcos ako . binigyan po ako ng pampa regla 10 days ko po ininom hanggang sa mag ka roon na ako at nung datnan na po ako almost 2weeks po akong meron tas bumalik po ako sa ob gyn as doctor na pinag konsultahan ko kse nga po almost 2weeks po akong may period then binigyan po ako ng pampatigil after ko pong mainom young gamot nag stop na po ang mens ko. At sabe po ng doctor ko bumalik ako pag tumigil na ang period ko pero di na po ako naka balik para sa next na check up ko sabe po reresetahan ako ng gamot for 6 months na gamutan pero di pa po ako naka balik for follow check up ngayun jan. 12 2016 ko po nalaman na may pcos ako . 20 year old pa LNG ako. Ano po ba mang yayari kung hanggang ngayun di po ako nag pupunta sa ob ko . ano po ang maipapayo nyo saken. Ellaine

        • 43

          Kung hindi kasi regular ang menstruation ay kakapal ang lining ng matres. Risk factor po ito for endometrial cancer. Please follow up with your doctor.

  17. 44

    mabubuntis pa po ba kahit my pcos po ako 2yeArs npo akong nag tatake ng Althea pills . Hanggang ngaun Slamat po sana mlasagot po Kayu have a nice day dr Bru

    • 45

      Opo, puwede po. Ang espesyalista po dyan ay OB-GYN na may training sa REPRODUCTIVE ENDOCRINOLOGY. Good luck po!

    • rhemalyn del rosario
      46

      magandang gabi po dokbru. tanung ko lang po sana kung pwede pa po akong mag kaanak khit 3years n po akong may pcos almost 3years na din pung hindi tumitigil ang regla ko .. ano po kayang mainam na gamot .. salamat po. tc gb..

  18. anna katherine suarez
    48

    .hi po doc. gusto ko lng po sna itan0ng kung my pgasa po bng mbuntis ang my cyst sa ovary?

    • 49

      Puwede naman po. Mag try po kayong magkonsulta sa OB-Gyne na ang specialty ay Reproductive Endocrinology.

  19. Jelmae C Zerrudo
    50

    Doc god eve pcos din po ako mabubuntis pa kaya ako??

    • 51

      Puwede naman po. Please consult a specialist – isang OB-Gyne na ang specialty ay REPRODUCTIVE ENDOCRINOLOGY.

  20. 52

    elow po nabubuntis po ba aku merun poh akung polycystec pwd ho bang mag pa papsmer para malinis ung ovary ko para mabuntis

    • 53

      Ang pap smear po ay hindi paraan para malinis ang ovary o para mabuntis. Ang pap smear ay test po para malaman kung may kanser po sa kuwelyo ng matris (cervical cancer).

  21. 54

    gud day po!! totoo po ba na kapag may pcos ay may chance po na mag ka anak ng autism? salamat po

  22. 56

    hello po nabasa kopo itong blog nyo. almost 1yr napo ako nag tetake ng Pills na nirekomenda po saken ng OBgyne doctor kopo. kase mo may PCOS po ako, kaso wala pong nangyayare, lalo pa po akong tumataba 🙁 eh samantalang 17 palang po ako. ano po ba magandang gawen? meron po ba akong pwedeng inumin na herbal medicine? Masydo napo kse akong matagal umiinom ng gamot baka po naman mag ka MAYOMA po ako tulad po ng lola ko 🙁 natatakot po ako, please help po doc-. thanks po

    • 57

      Yung pagtake ng pills sa PCOS ay para maging regular po ang menstruation. Please follow up sa doctor kung gustong papalitan ang pills dahil tumataba. Kung hindi po kasi regular ang menstruation ay kumakapal ang lining ng matris at baka lalo pong magkaproblema.

  23. 58

    Dok Bru 7 months na po ako hindi dinadatnan…hindi naman po ako buntis ano po ba ang dapat kong gawin?

    • 59

      Please see a doctor po kasi puwede pong hormonal imbalance. Halimbawa po puwedeng mataas ang prolactin levels kaya hindi po nagkakaregla. Puwede ring ovarian failure – hindi na po naglalabas ng itlog (ovulate) ang obaryo. Kailangan pong maeksamen para malaman.

  24. 60

    Dok goodevening po may pcos po ako pinainum po ako dati ng ob kp ng metformin at clomid saka folic acid po posible po ba kaya na mabuntia na po akO. At ok lang po ba pasabayin ko ung gamot na po un? 6Months ko na po kaso di nakakausap ob ko kasi po nandito ako sa saudi dinala po ako ng asawa ko dito para po sakali makabuo na kamo salamat po sana po masagot nyo po question ko. Godbless

  25. 63

    ..doc ung left na matris qu may pcos.at neresetahan poh ng obgyne qu na metformin..at hnd nman regular ang mens qu malaki bang posibilidad na mgkabuntis aqu?

    • 64

      Mas mataas po ang chance na mabuntis kung maging regular ang menstruation. Please continue following up with your doctor.

  26. 65

    hi doc bru ! ask ko lng po 7 years na po kami nagsasama ng asawa ko nagpafertility check naman po kami 2 years ago . ok nman po sperm count nia at ok nman din po ung ultrasound ko may nakita lng po na maliliit na bukol sa uterus ko . niresetahan po ako ng metmorfin fertyl at folic acid. regular nman po 28 days ung cycle ko! pero until now ndi pa din po kami nakakabuo . ano po ba the best way na gawin namin para magkababy na? i hope po na masagot nio .. thankyou en godbless po

    • 66

      I am not an OB-Gyn po but my suggestion is to see an OB-Gyn na ang specialty ay REPRODUCTIVE ENDOCRINOLOGY.

  27. jacqueline belale
    67

    Hi dok..may tanung lang po ako..kasi po almost 9 months napo akung d nireregla..dati po kasi nagpatingin nku sa ob gyne at niresetahan ako ng contraceptive pills ung diane 35. Siguro po 3 months din ako uminom nun..at niregla din nman po ako…tinigil ko lang po kasi un kasi po sabi ng matatanda bat daw po ako umiinom ng pills eh wala pa daw po akung anak at asawa bka daw po mas lalong masira matress ko..ano po ba dapat kung gawin .takot kuna po kasing magpatingin sa doktor ulit…sana rwplayan nyo po ako.tnx pi

    • 68

      Hindi po totoo na nakaka sira ng matres ang pills. Yung pills po have hormones para maging regular ang menses kaya po pinainom sa inyo. Please follow up with your doctor.

  28. 69

    doc. bakit po ganun kada makelove po namen ng asawa ko may natatapon po na sperm vigina ko po. nasasayang po 🙁 every other day lang po ang sex namen para po sakali makabuo na po kami 6years na po kami ng asawa ko sana po mareplyan mo po message ko salamat po

  29. 70

    Doc sana po mag reply po kayo sa message ko po nag hihintay po ako ng sagot mo. Salamat po

  30. 71

    At nag Research po ako sa Internet . Tama po ba na iisang Treatment ng PCOS ay pag bbuntis po ? hindi po ma maapektohan ang bata ? please po reply po kayo 🙁 stress napo ako sa sakit ko

    • 72

      Ang isang epekto po kasi ng PCOS ay yung nahihirapan mabuntis. So kung mabuntis ang isang may PCOS ibig sabihin kahit paano nako-control ang sakit.

      • 73

        ano po ibig sabhin nyo na maccontrol po doc ? My kakilala po kase ako My pcos na din po kaso matanda na po sya na laman nya po yun kaya po dinapo nag ka anak sabe po kase saken . MAS MAGANDA DAW PO NA MABUNTIS AKO PARA PO MAGING OKAY NA daw po ang PCOS KO 🙁 Tototo po ba yun doc

  31. 74

    Doc reply po kayo sa message ko 🙁 huhuhu isip po ako ng isip. Plsss helpme po

  32. 75

    Doc. Bakit po ganun na dedelay po ung menstration ko ng 5days lagi. Ibigsabihin po ba nun irregular na po mens ko? Hindi n po regular? Monthly po mens ko pero lagi dalay po ng 5days sana po sumagot ka po salamat po

  33. 76

    Hi doc pwd din baako mg take ng clomiphene kc ng pachikup po ako sa ob ndi n dw po ako ng fefertle tanong k po sana mgkakaank pa huh kaya ako nrisitahan nmn po ako ng folic acid but para dw mg bago but until now po ndi pa po ako nabububtis ano po ba pwd kong itake na gamot pra po mg fertle po ulit ung egg cell ko salant po

  34. 77

    hi po dok..lst december2015 nag pa check.up po ako kc almost 4moths po ako d dinadatnan akala ko po buntis ako but,,my ob siad im not pregnant 🙁 pcos dawpo ako kaya pinag take ako ng provera for 5days after po nun dinatnan ako for 7days…then after po nun pinagtake ako ng gynera pills but until now po di pa ako dinandatnan..almost 2months na po..need ko na pu ba mag follow up sa ob ko..tnz po

  35. Michelle ebalane
    79

    Gud pm po ask q lng po nung nanganak po kc aq nbinat aq sumakit po ang kaliwang tagiliran q nung ngpachekup po aq ang sv my ovarian cyst dw po aq peru wla aman po aq ibng naramdaman kundi mskt pag malamig lng at pag mlapit na mens q pumipitik po ‘ang sv ng ob .dudurugen lng dw po peru wla naman xa nreseta skn .mula po nun lage nq nakukunan bago 2muntong ng 2 muntz . Anu po kya ang pwd q gawen at inumen .pag mlameg po msaket sv aman po ng ibng doktor ugat lng dw po na namaga s bndang ovary need dw po ilaser …anu po maipapayo nyo tnx

    • 80

      Hindi po kasi ako OB-Gyne. Ang mga babaeng may PCOS ay nare-refer lamang sa aking bilang endocrinologist kung sila ay may diabetes na kadalasang kasama sa sakit na ito. Sana po magpatingin kayo sa OB-gyne na ang specialty ay REPRODUCTIVE ENDOCRINOLOGY.

  36. 81

    Good evening po bago ko lng po nlman na my PCOS po aq. Tong PCOS po b doc pwedeng iparaspa?? Pkisagot nman po salmat gusto n po ksi nming magkaanak. Tsaka pag pwede iraspa may chance po ba na magkababy.

    • 82

      Ang niraraspa po ay ang lining ng uterus o bahay bata. Ang PCOS po ay polycystic ovarian syndrome. Iba po ang obaryo kung saan galing ang mga itlog sa uterus.

  37. 83

    huhuhu doc bakit po ang message ko po di mo po sinasagot 🙁

  38. 84

    Doc tanung ko lang po pwede po ba mag take ng provera kahit hindi ka nagpapatingin ng o.b???

  39. mary ann rebay
    86

    hi dok posible po bang may PCOS aq dahil ang regla q po ay irregular qng hindi po 2months minsan 3months qng mag karoon aq nong dalaga naman po aq regular regla q pero ng nag kaanak aq nong 2010 hanggang ngaun po nag irregular na po regla q posible po ba un sa dahilan kaya d aq uli mag kaanak and ask qna din po f pwd mag take ng pills trust kahit d pa po aq nag pa consult sa OB GYNE tnx po

    • 87

      Mabuti pong magpatingin muna sa OB-Gyne kasi po may tests din na gagawin bago puwedeng uminom ng pills.

  40. Marie Quilata
    88

    Doc ask ko lng po na kung mag diet ang may pcos may posible po bang mabuntis?un po kc sabi ng obgyne d2 sa Japan..wala daw po gamot sa pcos mag diet lng daw po..irreg po kc ang mens ko at matab po ako..tapos po may mga bahid ng blood pero d ko naman po mens un..nag pa check up na po ako..hormomal imbalanced po ang sabi..kaya binigyan ako ng planovar pills para umaayos ang mens ko..mag paalaga din po ako sa doctor para mag kaanak..gus2 ko po payuhan nio po ako kung anong dapat gawin..salamat po

    • 89

      Ang ibig sabihin po niya ng diet ay kailangan po kasing pumayat. Kasi po mas nagreregular ang menstruation kung mas payat. Kapag mataba po kasi ay mas may insulin resistance kaya po hindi regular ang menstruation.

      • 90

        Hai ask ko LNG po my folycystic ovary po ako nag pa check up ako sa ob onang painom nya sa akin is provera sa ika 11days ako niregla patak patak lang at ang sakit sa puson ko ..di na rin ako pwd uminom ng provers kc hanggng 10days LNG saw dapat ..pakiramdam ko Hindi makalabas kaya masakit ..my pwd ba along gawin opang lumakas pa ng kunti ..2yrs npo kc akong Daley ngayun LNG ako niregla ulit 5/11/2016 namamanhd din po balakang ko salamt po

        • 91

          Dapat po kayong bumalik sa doktor. Kasi po kapag may binigay na gamot ang doktor ay inoobserbahan nila ang epekto nito sa pasyente. Dahil patak patak lang ang regla dapat malaman ito ng inyong doktor.

  41. mary ann aberin
    92

    hi dok. kagagaling ko lang po sa OB ko knina at first time ko po mag pa check up at nalaman ko nga po na my PCOS po ako, my posibilidad po pala na mbuntis po ako, june po darating asawa ko, my posibilidad na po kaya na makabuo po kame bago po sya bumalik sa work nia ? niresetahan po ako ng metformin at tska po ung kulay yellow na parang fish oil.. my mas better pa po ba na gamot bukod po dun ?

    • 93

      Mas mahirap pong mabuntis ang PCOS pero hindi imposible. Follow up lang po sa doktor para mabantayan kayo nang mabuti.

  42. 94

    Hello doc naoperahan n po aq ng cyst s right ovary q..tapos ngaun my pcos aq..yun findings nila nung ngpcheckup aq..folic acid at metformin ang nireseta skn..pero HND n po aq nkkainom ngaun dhil andto po aq s abroad..almost 4 yrs n po kme ng aswa q til now wla p kmeng baby anu po dpt q gawin pra mbuntis aq pguwe..kse gustong gusto nmen ng aswa q mgkbaby..hope msgot mu tnong q doc slamat..

    • 95

      Kailangan po kasi ng follow up at monitoring sa isang OB-gyne doctor. Mas ok nga po kung ang specialty ng Ob-Gyne ay REPRODUCTIVE endocrinology.

  43. generaljhen
    96

    hi dokbru..may PCOS po aq.. ask ko lang po kung pwede na aq magbuntis kase po iregular po period ko..minsan 2years ako hndi nagkakaroon. pero po ngaun monthly naq nagkaka preiod. 4months na sunod-sunod. tagal na po nmen ng asawa ko gusto magka anak… ano po maipapayo nyo. salamat po

    • 97

      Puwede pong mabuntis ang may PCOS pero mas hirap po kaya dapat sana ay magpatingin sa OB-Gyne na ang specialty ay REPRODUCTIVE endocrinology po.

  44. 98

    Hi Dokbru, simula po kasi nag ka hyperacidity ako last october hindi n naman po nag regular ang menstruation ko. Minsan isang buwan konti lang lalabas n dugo n medyo parang putik pa ang kulay nya s ngaun po mag 2months n po akong d dinadatnan. Di naman po ako mabuntis kasi wala po dito asawa ko.. Nung high school pa po kc ako nkaranas na ako ng di nireregla at 5months po un .. Anu po pwede kung gawin?

    • 99

      Magpatingin po kayo sa Ob-Gyn dahil hindi po lahat ng irregular menstruation ay dahil sa PCOS. May iba rin pong puwedeng dahilan.

  45. 100

    Hi dok..ask lng po ako kng ang gamot na dostinex cabergoline ay para saan?yan po kasi nireseta skn nang doctor..
    Peru nagpaultrasound po ako doctor said i have pcos..kaya ask ako kung yang nireseta ba skin para sa pcos o my ibang sakt pa ako??
    Thanks po..

  46. melodycustodio
    103

    hello po dok ask lng po, 3 months na po ako hnd nag kakaroon ulit start po ako ng hnd na po ako nag provera hnd na rin po ako dinadatnan..gusto ko na rin po kase masundan baby ko pls advise salamat po nag take na rin po ako ng pills un nga lng po 1months lang po sya dok..salamat po pls advice..

    • 104

      May iba ibang phases po kasi ng menstrual cycle at iba ibang dahilan kung bakit nawawalan ng regla. Depende po sa dahilan ay iba iba rin ang gamot. Mas mabuti po ay bumalik tayo sa doktor.

  47. 105

    Doc!.help po advise …Anu po dpat gwin Kung d dindatnan 3 months n,,Wala kah relasyon..ofw.

    • 106

      Marami pong puwedeng dahilan ng hindi pagdating ng regla. Mas mainam po magpatingin sa doktor dahil may examinations na kailangang gawin.

  48. 107

    Dok. Magandang tanghali po. May PCOS din po ako. 19 years old po ako nung nalaman kong may sakit akong Polycystic. Nagkaroon po ako ng kalive in nun dati aman po e okay yung regla ko tas nung nagsasama na kami nung bf ko hndi na ko nagkakameron akala namin buntis ako 1year akong hndi niregla nun. Hiwalay na kami ng ka live in ko ngayon . Niresetahan ako ng doktor ko ng Provera 5 days kong iinumin tas magtake din daw ako ng althea pills pag nagkaregla na. Okay aman sya nagkakaregla naman na ako. Kaso lang pahinto hinto yung pag inom ko kasi mejjo mahal yung pills . At dahil nga pahinto hinto yung pag inom ko ng pills hndi na din ako nagkakamens . Kaya nagtatake ulit ako ng provera.

    • 108

      Mas mabuti po magpacheck up ulit. Kapag hindi po kasi gumagana ang isang gamot ay puwede itong palitan ng iba.

  49. 109

    Dok bru I’m 14 years old normal po ba ang Hindi pagpatuloy ng regla,5 buwan na po kasi akong di dinadatnan eh please reply

  50. 111

    Hi dok matagal na ako gusto mag ka anak na pressure na ako sa family ko nag aantay ng baby ko 🙁 posible po bang may PCOS aq dahil ang regla q po ay irregular qng hindi po 2months minsan 4months.. nag pa check up na po ako ultrasound at nag pa inject ng anti cervical cancer ang pina painom lang sa ako Metformin tinigil ko na kc wala pa rin nangyare at hindi na din ako bumalik sa ob ko dahil laki na ng gastos ko.. anu pa ba dapat ko try inomin. salamat dok

    • 112

      Dapat po magfollow-up po kayo kasi marami pong gamot na puwede sa PCOS at kapag hindi po gumagana ang isang gamot ay papalitan naman ng iba. Ang Metformin po ay para sa insulin resistance na kasama sa pagkakaroon ng PCOS.

  51. rushel canete
    114

    Hi po,..pde rin po ba magkaroon ng pcos kahit regular naman ang regla?? Yung monthly nmn po dinadatnan..ako po kasi almost 4 years na di parin ako nabubuntis

Leave a Reply to Irene Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.