Ano ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)?

By in Diabetes, Kolesterol on August 9, 2015

Ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS) ang pinakamadalas na hormonal disorder sa mga babaeng nagreregla o mga babaeng puwedeng mabuntis. Ang mga babaeng may PCOS ay maaring makaramdam ng ilan sa mga sumusunod –

1. Hindi regular o paghinto ng regla

2. Hindi mabuntis o magka-anak

3. Pagtaba (karaniwan na lumalapad ang waist line o ang tinatawag na abdominal obesity kung saan mas maraming taba sa may baywang). Pero puwede ring magkaroon ng PCOS ang babaeng payat o normal ang timbang.

4. Taghiyawat (acne)

5. Sobrang buhok sa mukha o katawan (karaniwan sa mga parte na kadalasang walang buhok ang babae, tulad ng sa ibabaw ng labi parang bigote o sa dibdib)

6. Pagnipis ng buhok (tulad ng pagkalbo sa mga lalaki)

Tinawag ang kondisyon na ito na polycystic dahil karaniwang may cysts ang obaryo ng mga babaeng may PCOS. Hindi kanser ang mga cysts na ito.

polycystic-ovary

Photo credit:

http://www.hormone.org/questions-and-answers/2010/polycystic-ovary-syndrome

 

Marami sa mga kababaihang may PCOS ay nire-refer sa isang endocrinologist dahil may mga kaakibat itong mga ibang problemang pangkalusugan tulad ng:

1. Insulin resistance. Nahihirapang matunaw ang asukal sa dugo kapag may insulin resistance at ito ay maaring tumuloy sa type 2 diabetes.

2. Mababang level ng HDL o good cholesterol at mataas na level ng LDL o bad cholesterol. Mataas din ang triglycerides. Dahil dito tumataas ang peligro ng mga babaeng may PCOS na magkaroon ng atake sa puso o stroke.

3. Obstructive sleep apnea (OSA). Ang mga babaeng may PCOS at overweight ay maaring magkaroon ng OSA kung saan patigil-tigil ang paghinga habang natutulog. Pag gising tuloy ay parang pagod na pagod pa rin dahil hindi maganda ang kalidad ng pagtulog dahil bumababa ang oxygen sa dugo habang natutulog at naiipon naman ang carbon dioxide. Karaniwan din na naghihilik ang mga may OSA.

4. Dahil irregular ang regla, puwedeng kumapal ang lining ng matres. Huwag itong pabayaan para hindi mauwi sa endometrial cancer o kanser sa lining sa matres.

Tulad ng diabetes, wala pang gamot para gumaling o mawala ang PCOS pero may mga gamot na puwedeng ibigay ang doktor para umayos ang regla at mabuntis. Kailangan din ng tamang pagkain at ehersisyo para pumayat at maiwasan ang diabetes at maging normal ang level ng kolesterol. Puwede ring magreseta ang doktor ng gamot para sa diabetes at kolesterol.

 

Share

28 thoughts on “Ano ang Polycystic Ovary Syndrome (PCOS)?

  1. rosalie ballon
    1

    may pcos poh ako..mabubuntis pa po ba ako?

  2. agnes de guzman
    3

    Paano po ba doc last Nov.22,2014 bleeding po ako mhigit 1bwan at klahati umuwi po ako s pinas pra mgpagaling ngaun po ndi ako ngpacheck at dko po alm bat ako ngbleeding ng ganon stress lng po ba pero ngaun evrytym n ddtnan ako ng menstration sobrang skit ng pus on ko tapos mga 3 to 5 days my spotted ung panty ko n dugo after that ska p ako dduguin ng mrmi at mga 8 arw bgo mtpos according nmn s white blood ko sobrng bho lgi akong mgpapalit ng pntyliner minsan napkin ung gamit ko s sobrang dmi ng white blood n lumalabas.

  3. jessebel camacho
    5

    doc . nung june 2015 po. nagpa tvs aq dhil delaye aq ng 1month at un dn ung suggest ng ob na pinunthan q.ang result thickened endometrial stripe . sv nia anty dw aq ng 15 days para malaman if buntis nga q . so nagpa tvs po ulit aq.. same result at wla dw nabuo … antayin q nlng dw muna na reglahin aq..so niregla nga q.. pang twodays pumunta q ky ob at suggest nia mg injectable aq so un nga .. after two hours nun. nd na q niregla . until now.. pero apat na beses ng ngyri na pag magkokontak kme ng asawa q dinudugo aq .. anu ho bng dpt gwin…

    • 6

      Please consult your OB-Gyn. I am NOT an OB-Gyn po kasi pero para sa akin ibang problem po yung thick endometrial strip dun sa pagdudugo after sex.

  4. 7

    doc naoperahan po ako 5yrs ago ectopic baby at natanggal ang kaliwa kong tubo sabi po ng doctor baka indi na po ako mag kaanak simula po ng naopeeahan ako parang nasira ang mense ko minsa 2months indi ako nag karoon nag pacheck na po ako nag pa ultrasound ok naman po.doc mabubuntis na po ba ako.

    • 8

      May dalawang ovaries po tayo. Alternate ang paglabas ng itlog dito, dadaan sa tubo para makarating sa uterus. Kung natanggalan na po ng isang tubo, kapag yung ovary po sa side ng tubo ang naglabas ng itlog ay wala po itong dadaanan. Puwede naman pong magbuntis dahil may isa pang ovary na may tubo din pero mas mahirap lang po kasi kapag ganoon. Please confirm with your doctor kung yung isang ovary na may tubo ay working pa po.

  5. 9

    Hello po, ako po ay my PCOS. Nagpaalaga po ako sa OB Gyne for three years dahil hindi po ako mabuntis. Hindi rin po ako nabuntis kasi makapag-produce man po ako ng eggcells hindi daw po nari-reach ang tamang laki ng eggcell at ito ay namamatay kaagad. two years na din po akong hindi nakakapagpacheck-up, gawa po ng ako’y nasa ibang bansa na ngayon. Ano po bang dapat kong itake na gamot para dito? Nararanasan ko din po ang pagdami ng buhok sa aking mukha.

    • 10

      Pasensya na po dahil hindi ako puwedeng mag-prescribe ng gamot dito dahil hindi ko naman kayo pasyente, bawal po kasi iyun.

  6. Christine marie halili diaz
    11

    .,gud am doc. I nid ur help po. I was 18-19 y/o po wen i was diagnosed wid pcos pnaTRS po aq at pngtake ng provera n althea for 6 mos. Tas dpa dn po nggng reg mens q kaya nung me pera n ult ngtake po aq ult althea pero last jan 2015 lng po bgla po aq nkaramdam ng hilo n mdls palpitations tas ngpabp po aq 160/100 kaya pnatigil muna po althea q at sabi low dose pill. Nung june 1 po ngtake aq yaz tas lmp june 29,2015 tas aftr nun dna po aq ult dnatnan. Im 25 yrs old n po ngyn.at aminado po aq n mejo overwt. Po aq. Ehe. Ano po kaya mgnda gawin?mrmng slmt po. GBu po.

  7. 13

    Pwede po ba ako bumili ng gamot without Dr. Prescription?

  8. 15

    Nakakalungkiot lang na everyday ko po chinecheck kung may rwsponse or bagong post dito or reply simula ng nag iwan ako ng comment,pro wala pa din pala..ang masaklap inalis ung question ko..hay..I would appreciate more if someone will say na mag consukt na lng ng doctor kesa ma reject ang question without knowing d reason.anyway po,Thanks na lng po.

    • 16

      Ang questions po don’t appear until they are approved. Sorry po, now lang po ako nagka-time magsagot. I have a list of 40 questions now I am going through. Maybe I will get to your question soon. If not, you can ask again?

  9. 17

    doc sana po mapansin mo po ang aking katanungan nagaalala po ako na baka po ralga na indi na kami mag kanak ng asawa ko may anak po ako sa una doc 2 pero po sa aking asawa ngaun ay wla pa po

    • 18

      Kung nagkaanak po kayo dati pero ngayon ay hindi, dapat po sabay po kayong magpa-check ng inyong asawa ngayon para malaman kung sino po ang may problema sa inyong dalawa kaya hindi kayo magka-anak.

  10. 19

    im 35 years old and married no children. ever since I was born my first baby premature. after all never na po ulit ako nagbuntis. my question is, anu po ang pangunahing lunas sa erregular menstration? thanks po doctora and more power

    • 20

      Marami po kasing puwedeng cause ang irregular menstruation. Ang PCOS po ang most common cause pero meron pang iba. Magkonsulta po sa isang OB-GYN para malaman.

  11. 21

    Doc kapag regular na po ba ang ments malaki po ang changes na mabuntis po ? Monthly po ang mens ko pero iba iba po ng date.

    • 22

      Ang regular menstruation ay puwedeng sign po na regular ang ovulation o ang paglabas ng itlog sa obaryo. Puwede pong iba ibang date pero ang cycle length (number of days sa pagitan ng menstruation) average po ay mga 28 days.

  12. 23

    Doc bru tanung ko lang po kung mahirap magbuntis kung iisa na ang ovary?

  13. 24

    Dok, Polycystic Right Ovary po ako, ask ko lng kung pwede na po magpills ang 19years old, kasi yun po yung nreseta ng OB, tas sabi po ng nanay ko, wag dw po ako magpills kasi bata p ako then ninipis dw agad obaryo ko. Hihingi lng ako sa inyo ng suggestion kung itatake ko po ung pills or hindi. Thank you dok,

    • 25

      Hindi po nakakanipis ng obaryo ang pills. Ang pills po ay binibigay para maging normal ang menstruation.

      • 26

        Dok, kasi I’m not satisfied po sa Althea Pills na nireseta po ng ob-gyne ko,kasi dok bata pa ako para magtake ng pills at the age of 19. Gusto ko lng po magpasecond opinion po ako sa inyo, na kung meron pa kyo maiirecommend sakin na kahit vitamins man lang po, instead of pills. Kasi Dok, nangangamba po akong uminum ng pills s ganitong edad ko..

  14. 27

    May PCOS po ako pero hinde ako bumalik sa doctor dahil takot ako. Ano po ba ang mainam na gawin para mawala ang PCOS dahil lumaki ang timbang ko

    • 28

      Ang una pong gagawin sana ay magdiet at mag-exercise para mabawasan ang timbang. Malaki po ang magiging epekto sa PCOS kung papayat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.