Puwede ba ang mangga sa may diabetes?

By in Diabetes on August 4, 2015

Isa ito sa madalas ding tanungin ng pasyente sa akin pag panahon ng mangga. Minsan sinasabi ng pasyente, dahil po sa diabetes, hindi na ako kumakain ng mangga. Kung mataas naman ang fasting blood sugar, madalas sisihin din ng pasyente (at ng doktor) ang mangga.

Puwede bang kumain ng mangga ang may diabetes? Puwede! Lahat ng prutas ay puwedeng kainin ng may diabetes. PERO may limitasyon kung gaano karami. Kung naparami ang kain ng prutas ay nakakataas din ito ng asukal sa dugo.

Pinapayagan ang may diabetes na kumain ng dalawa hanggang apat na fruit serving sa bawat araw. Ang sinasabi ko naman sa mga pasyente ko ay hanggang tatlo dahil ang payo ko ay gawing panghimagas (dessert) ang prutas pagkatapos ng almusal, tanghalian at hapunan.

Ano ang ibig sabihin ng SERVING? Ito ang sukat ng pagkain na puwedeng kainin. So gaano kalaki ang isang serving ng mangga?

Mangga (hilaw): 1 slice 11 x 6 cm

Mangga (hinog): 1 slice 12 x 7 cm or 1/2 cup

Sa clinic ang sinasabi ko ay isang pisngi lang ng mangga ang puwede. Kung gustong kainin ang buong mangga – isang pisngi sa almusal, ang buto sa tanghalian at ang natirang pisngi sa hapunan. Walang sayang!

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.