Pagkaing pampalusog, hindi pangpataba!

By in Diabetes on July 25, 2015

Parami nang parami ang nagkakaroon ng diabetes. Wastong pagkain ang isa sa mga paraan upang makaiwas sa diabetes. Paano ito gagawin? 10 tips mula sa ChooseMyPlate.gov.

1. Tuwing kakain, punuin ang kalahati ng pinggan ng gulay at prutas. Piliin ang mga gulay na kulay pula, orange at dark green tulad ng kamatis, kamote at broccoli.

2. Magdagdag ng lean protein (walang taba), tulad ng karneng baboy o baka na walang taba, manok, beans o tokwa. Dalawang beses sa isang linggo, gawing seafood ang source of protein sa ating pinggan.

3. Magsama ng whole grains. Kung maari ay kalahati ng grains ay whole grains tulad ng brown rice o oatmeal.

4. Huwag kalimutan ang gatas o dairy products. Maaaring uminom ng isang tasa ng fat-free o low-fat na gatas. Ang laman na calcium nito ay katulad rin ng makukuha sa whole milk pero mas konti ang taba at calories. Kung hindi naman umiinom ng gatas, puwede ring soya milk o fat-free o low-fat yoghurt ang ipalit.

5. Umiwas sa dagdag na taba o mantika. Ang mga gravy o sauce na mamantika ay nakakadagdag ng fat at calories. Halimbawa, imbes na gumamit ng cheese sauce sa nilagang broccoli, ay wisikan na lamang ng lemon juice o kalamansi.

6. Huwag magmadaling kumain. Namnamin ang kinakain. Mas mabilis kumain, mas maraming nakakain.

7. Gumamit ng mas maliit na plato. Nakakatulong ang maliit na plato para hindi sumobra ang kakainin.

8. Pag-isipan ang kakainin. Kumain nang mas malimit sa bahay kung saan mas madaling pumili ng mabuting kakainin. Kung kakain naman sa labas, pumili ng mga pagkaing niluto nang mas kaunti ang dagdag na taba. Halimbawa, baked imbes na pinirito (fried).

9. Sumubok ng ibang mga pagkain na mabuti para sa katawan. Humanap ng ibang mga paraan para magluto para hindi magsawa sa mga kakainin.

10. Humanap ng ibang paraan na ma-satisfy ang sweet tooth. Kumain ng prutas bilang panghimagas. Halimbawa, yoghurt na may prutas o baked apple na may cinnamon.

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.