Nanganganib ka bang magka-diabetes?

By in Diabetes on July 23, 2015

Hindi po lubusang alam kung bakit may mga tao na nagkakaroon ng diabetes at ang iba naman ay hindi. Pero may mga risk factors para sa diabetes:

  • May kamag-anak na may diabetes. Maaaring magkaroon ng diabetes kung may kapatid o magulang na may diabetes.
  • Wala o kulang sa exercise. Ang pagkilos ay nakakatulong para hindi maging overweight. Ang asukal sa dugo ay natutunaw din at nagagamit ng muscles natin kapag tayo ay kumikilos, kaya nababawasan ang insulin resistance.
  • Edad. Mas tumataas ang risk para magkaroon ng diabetes habang tumatanda. Magpatingin sa doktor kapag umabot ng edad na 40 anyos pataas.
  • Mas mataas ang tsansa na magka-diabetes kung ikaw ay overweight. Pag sobra kasi ang timbang ay nagkakaroon ng insulin resistance. Sa insulin resistance, hindi gumagana nang tama ang insulin upang pababain ang asukal sa dugo. Pero may mga tao ding hindi naman overweight na nagkakaroon ng diabetes.
  • Abdominal obesity. May mga tao na malaki ang mga baywang dahil sa taba na nakadeposito dito, ang abdominal fat. Mas nanganganib magkaroon ng diabetes kung may abdominal obesity, o labis na abdominal fat. Masasabing may abdominal obesity ang mga lalaki kung ang kanilang waist line ay 90 cm o higit pa, at sa mga babae naman ay 80 cm o higit pa.
  • Gestational diabetes. Ito ay diabetes na natuklasan habang buntis. Karaniwan itong nawawala pagkatapos manganak. Upang malaman kung ito’y nawala na nga, dapat magpacheck ng oral glucose tolerance test (OGTT) 6-8 linggo pagkatapos manganak. Kahit ito ay mawala, ang babaeng nagkaroon ng gestational diabetes ay maaaring magkaroon ng type 2 diabetes sa loob ng lima hanggang sampung taon pagkatapos manganak.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS). Isa itong kondisyon ng mga kababaihan kung saan ang babae ay overweight, hindi regular ang regla at minsan ay labis ang pagkabalahibo. May insulin resistance sa PCOS kaya puwede ring magkaroon ng diabetes.
  • Prediabetes. Ito ang kondisyon kung saan ang asukal sa dugo ay mas mataas sa normal pero kulang sa taas para tawaging diabetes na. Sa fasting blood sugar, ito ay kung ang result ay nasa 100-125 mg/dL (5.6-5.9 mmol/L) or sa oral glucose tolerance test 2 hours result naman ay nasa 140-199 mg/dL (7.8-11.0 mmol/L). Karaniwang pinapayuhan ang mga may prediabetes na magdiet at mag-ehersisyo upang bumaba ang asukal sa dugo. Minsan din ay pinapa-inom ng gamot. Puwede itong mauwi sa diabetes.

Kung sa tingin mo ay nanganganib kang magka-diabetes, magpatingin sa doktor.

 

 

Share

2 thoughts on “Nanganganib ka bang magka-diabetes?

  1. 1

    Doc nalaman ko po na may PCOS ako when I was 22. Irregular po kasi ako pero pinakamatagal na hindi ako dinatnan nun ay 3months. Dalaga pa po ako nun niresetahan ako nun ng birth control pills pero bukod po sa lalo ako tumaba ay naging mahihiluhin din po ako. When I was 25 nagpacheck up po ulit ako dahil 7months ako hindi dinatnan.. provera ay birth control pills po ulit nireseta sa akin pero d p rin po ako naregular. I was advised din po magdiet pero kahit anong exercise o control sa food ganun pa rin po. Natakot po ako sa mga nabasa ko na cancerous ang pills. I was 25 and single at sumagi rin po sa isip ko na baka hindi ako magkaanak pag handa na ako dahil sa pills. Now im 1 year married 4 months delayed pero hindi pa rin po buntis.. may pag asa pa po ba ako magka anak?

Leave a Reply to reya Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.