Ano ang hyperthyroidism?

By in Goiter (Bosyo) on July 20, 2015

Sa hyperthyroidism, overactive ang thyroid at sobra ang produksyon nito ng thyroid hormones. Dahil dito puwedeng magkaroon ng mga sintomas tulad ng –

  1. Biglang pagpayat kahit na hindi naman nababawasan ang kain o minsan pa nga ay mas malakas kumain
  2. Parating kinakabahan o di kaya ay bugnutin o masungit
  3. Pakiramdam na ang lakas, hindi regular o ang bilis ng tibok ng puso (palpitations)
  4. Pawisin at madaling mainitan
  5. Panginginig ng mga kamay o minsan ng buong katawan
  6. Hindi regular ang regla
  7. Mas malimit na pagdumi, minsan kahit kakain pa lamang
  8. Laging pagod ang pakiramdam o madalas na nanghihina o pakiramdam na walang lakas sa pagkilos
  9. Hindi makatulog
  10. Pagnipis o paglagas ng buhok

Puwede ring malaki ang thyroid o may goiter. Hindi lahat ng sintomas ay natatagpuan sa isang taong may hyperthyroidism. Sa mga matatanda, ang mga sintomas ay hindi gaanong nararamdaman kung minsan liban sa pagpayat o madaling mainitan at mapagod.

May isang klase ng hyperthyroidism kung saan lumuluwa ang mga mata at ang tawag dito ay Graves’ disease. Ito ang malimit na tinatawag ng mga matatanda na goiter SA LOOB. Kasi hindi masyadong malaki ang leeg o walang goiter pero nakaluwa naman ang mata. Pag tingnan ang mga taong mayroon nito, para silang gulat o kaya naman galit dahil sa hitsura ng kanilang mata.

Proptosis and lid retraction from Graves' Disease

By Jonathan Trobe, M.D. – University of Michigan Kellogg Eye Center (The Eyes Have It) [CC BY 3.0], via Wikimedia Commons

Hindi nangangahulugan na kung may mga sintomas ka sa listahan na ito ay may hyperthyroidism ka na. Magpatingin sa doktor kung may pag-aalinlangan.

 

Share

26 thoughts on “Ano ang hyperthyroidism?

  1. 1

    I was diagnosed papillary carcinoma,undergone total thyredictomy last aug.2014.i had my RAI after a month.i have my levithyroxine n calcium medication.i still dont have a 100% peace of mind that im clear since its carcinoma.

  2. 3

    maaari po ba kapag may hyperthyroid ay masakit ang lalamunan kapag kumakain kahit di naman lumalaki ang leeg?

    • 4

      Medyo malayo po kasi ang thyroid sa lalamunan. Ang nasa likod ng thyroid ay ang wind pipe kung saan humihinga tapos sa likod pa ng wind pipe ang esophagus o ang lalamunan.Kaya baka ibang problem po yung sa lalamunan ninyo.

  3. 5

    Ano pong pathophysiology ng graves disease in connection of smoking cigarettes, intake of alcohol, wine, coffee

    • 6

      Ang smoking po increases risk of relapse for Graves’ disease. Mas puwede rin pong lumala ang pagluwa ng mata with smoking. Mas puwede pong maging resistant sa effects ng radioactive iodine kapag smoker kaya minsan hindi nakukuha sa isang session ng RAI. May isang study that suggests moderate alcohol consumption protects against Graves’ disease. Ang caffeine naman po sa coffee ay puwedeng magpalala sa palpitations na naramramdaman ng may Graves’ disease.

  4. 7

    Dok, I was diagnosed with Hyperthyroidism. I’m taking Tapdin at atenelol (inom ko lang poh ito pag may palpitations ako) mga previous years ang dosage ko ng tapdin 20mg, almost 2yrs ko ito regular na iinom, since last yr medyo kinatamaran ko na paginom nito ng regular kc pag nakksakit ako ng ibang sakit at need mga take ng antibiotics, di ko muna iinom si tapdin (sa takot na baka may mga side effects sila kc ang dami ng gamot) so in short poh ng hyper na namn ako (upon lab test) then this time ginawa ng doctor ko poh nag increase ng dosage ng tapdin to 40mg, nwala ulit mga symptoms ko, at naging ok nman pakiramdaman ko, ang nakita ko nmang problema poh ay halos nag doble namn ang timbang ko, tumaba pa poh ako lalo.. i ask my doc regarding this, and since nagppacheck up ako, sabi nya, medyo mabilis pa din daw ang heart rate ko at mataas ang pulse rate ( pero di ko nman narramdaman na mabilis ang tibok ng puso ko) so di pa din nya mailower ang dosage nito… nakakataba ba talga ang tapdin? i feel bloated, at super nagsikipan mga damit ko… gusto ko na tuloy ibalik sa 20mg ung tapdin… pls enlighten me on this matter.. tnx doc

    • 8

      Yung pag-adjust po ng dosage ng Tapdin ay based sa T4 levels. Kapag sobrang bagsak po ang T4 ay puwedeng tumaba. Then mas slower na po kasi ang metabolism kapag normal T4 na. Kapag hyperthyroid pa (mataas ang T4) ay mabilis ang metabolism. Kahit kain nang kain ay hindi tumataba, ang iba pumapayat pa nga. Kapag normal na ang T4 dahil sa gamot, ay dapat bawas din sa kain or else dahil slower na ang metabolism ay tataba talaga.

  5. 9

    doc ano bang tawag sa goiter ko kasi palaki yung mata ko tapos pg mamugat ako mad lalo lumaki mata ko tapos yung leeg ko saka parang pagod saka mata ko parang lumaluwa na at masakit..mga almost 12yrs na po to..dati nung bago pa to ngpa doctor ako yung binigay PTU .tapos di na ako umiinum.pglipas na ilang taon ngpa doctor uli ako tapdin na binigay.need ur advice thanks

    • 10

      Kung lumuluwa po ang mata ay malamang toxic goiter po. At ang PTU at Tapdin ay parehong gamot para sa toxic goiter. Pero kung 12 years na po, baka po kailangan ng ibang gamutan na – either surgery or radioactive iodine. Kailangan po kayong magpatingin sa doktor para ma-explain po ito sa inyo at makapili kayo kung anong gamutan ang mas ok po para sa inyo.

    • 11

      salamat po doc sa reply ninyu.

  6. 12

    maitanong ko lng sana doc kung kilangan ko poh surgery mgkano po ata yung magasto ko? kasi kapos poh sa pera.kahit nga pngpa check up wla..

  7. 13

    doc ngpa TSH, FT4 po ako kahapon ito po ang result TSH result 0. 650) FT4..tapus yung ultrasound ko po sa next week pa..paki explain po doc…

  8. 14

    doc ito result ng (TSH-0. 650
    (FT4-19. 20
    paki explain po doc…

  9. 15

    doc pwede poba operahan ang hyperthyrodisim

  10. 17

    doc magandang araw po! nakasubaybay ako sa site na ito..my tanong lng sana ako nung 19 this month pina biopsy ako pgkatapos wla nman ako naramdaman mdyo masakit lng ng kunti leeg ko.pero ngayon ilang araw na my naradaman ako kakaiba sa leeg ko parang pg umatsing ako at umubo parang masakit at parang my masakit po pati ulo ko…ano bang epekto ng biopsy doc wla ba itong masamang maidudulot.toxic goiter kasi sa akin matagal natu almost 12 yrs na.

  11. 18

    nasali po kasi ako sa medical mission dito sa cebu…at ano po ang bawal napagkain doc pagkatapos ng biopsy.?

  12. 19

    dok 20yrs old pa lamang ako. lumuluwa mata ko. meron po ako hyperthyroid.. maibabalik pa po ba sa normal ang mata ko.?? maibabalik paba sa dati ang lahat? 🙁

    • 20

      Sa pag-inom po ng tamang gamot ay puwede pong mag-normal ang thyroid function. Puwede rin pong sumoli ang lumuluwang mata pero puwedeng hindi completely.

  13. 21

    Hello po doc, may hyperthyroid po ako doc. Almost 3yrs. Na po bago ako operahan, ask ko lang sana doc kung ano po dapat kong gawin para tumaba ako, ksd doc yung gamot ko 100mc gram na tydin at nag ttake din po ako ng calcium and Regeron po for vitamins ko, kaso doc hnd parin po ako tumataba kahit anong gawin ko, kasi dati po nung hnd pa po ako na ooperahan , normal naman po yung katawan ko. Nag pa radiation na po ako doc.

    • 22

      Baka dapat po magpatingin kayo ulit sa doktor para maghanap ng ibang dahilan ng hindi pagtaba. Kung normal na po ang TSH sa pag-inom ng Thydin ay hindi na po dapat ito nakaka-affect sa weight.

  14. 23

    Hi Doc, dito sa Europe sabi ng doctor ko magtake ako ng levaxin. Hyperthryroid po ako, medcine ko now is tapdin galing sa pinas kasi ayaw kung maniwala sa doctor dito lalo po nanglaki ang aking mga mata bibigyan ako ng carbimazole at levaxin pero lalo po nanglaki ang mga mata ko at wlang progress ang paggaling ko. So nagtake ako ng tapdin, nagpablood test ako dito sabi ng doctor ko e double ko daw ang levaxin kasi lalong bumaba, for now kasi nagtake ako ng 5 mg, pero dapat daw magtake ako ng levaxin 200 mg pr day..tama po bah gawin ko?

    • 24

      Ang Levaxin po ay levothyroxine so thyroid hormone po ito. Ang hyperthyroid po ay maraming thyroid hormone. Ang Tapdin naman po ay pampababa ng thyroid hormone. Mas maganda po ay ipaalam ninyo sa doktor ninyo na umiinom po kayo ng Methimazole (ito po ang generic name ng Tapdin). Magkaiba po kasi ang epekto ng dalawang gamot na ito.

  15. 25

    Babalik po ba aa dati ang mata? Malaki po kase ang isang mata ko. Ngayon po, im taking tapazole po. Mga for how long po?

    • 26

      Puwede pong bumalik, puwede pong hindi. Pero makakatulong po ang gamot ninyo. Yung for how long, ang doktor po ninyo ang magde-decide kasi mino-monitor po niya ang thyroid hormones ninyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.