Ano ang HbA1c?

By in Diabetes on July 17, 2015

Ang HbA1c ay blood test para sa diabetes. Tinatawag din itong hemoglobin A1c, glycated hemoglobin, glycosylated hemoglobin o A1c.

Ang ating dugo ay may red blood cells. Ang bawat red blood cell ay may hemoglobin, isang protina na nagdadala ng oxygen sa dugo. Kung mataas ang blood sugar dahil sa diabetes, dumidikit ang asukal sa dugo sa hemoglobin.  Sa blood test na HbA1c, sinusukat kung ilang porsyento ng hemoglobin ang may nakadikit na asukal.
Blausen 0761 RedBloodCells
By BruceBlaus. Blausen.com staff. “Blausen gallery 2014”. Wikiversity Journal of Medicine. DOI:10.15347/wjm/2014.010. ISSN 20018762. (Own work) [CC BY 3.0], via Wikimedia Commons¬†

 

Ang bawat red blood cell ay nanatili sa dugo ng 120 days. Iba iba ang edad ng ating red blood cells. Pero kapag ang hemoglobin na nasa loob ng red blood cells ay nadikitan na ng asukal, mananatili itong ganito sa nalalabing buhay nito. Kaya nga sinasabi na ang HbA1c ay summary ng blood sugar sa nakaraang dalawa hanggang tatlong buwan.

Panoorin ang video na ito mula sa Khan Academy na nagpapaliwanag kung ano ang HbA1c.

 

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.